9

148 23 8
                                    

A r k i n.
I looked around for Keira but she was nowhere to be found. Tinanong ko pa nga ang adviser ng klase nila at absent daw si Keira.

Ang daya talaga ng babaeng 'yun. Dismissal na rin kaya hindi na ako umaasang makikita ko pa siya pero doon ako nagkamali.

Paglabas ko ng campus, may isang babaeng nanghatak sakin at ipinasok ako sa isang kotse.

"Hi Ark!," nakangiting bati ni Keira.

"Saan na naman tayo pupunta?"

Nangingiti niya akong sinagot ng, "We're going to get lost."

"Hindi kita gets."

"Ewan. Ang slow mo rin minsan eh! Magtext ka sa mama mo na mag-oovernight ka para sa isang group project!"

"What? E wala naman akong group project."

"Shete naman Arkin! Dali na! Oh my gosh, nakaka-excite!"

Ginawa ko na lang ang sinabi ni Keira at tinext si Mama. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa.

--

So here we are, in the middle of nowhere. Tinotoo nga ni Keira ang sinabi niyang "We're going to get lost" dahil hindi niya alam kung nasaan kami ngayon.

Grabe lang talaga. Pinagkatiwalaan ko siyang alam niya kung saan kami pupunta kaya hinayaan ko siyang magdrive pagkatapos, wala naman pala kami talagang pupuntahan.

Kanina ko pa siya kinukumbinsing umuwi na pero si Keira ay si Keira and she is very stubborn. "Kei, ayaw mo pa bang umuwi? Maggagabi na oh..."

She crossed her arms. "Ayoko pa nga. Saka ayaw mo ba dito?"

"Saan? You can't even call this a place!"

Tuwang tuwa pa siya nang itigil ang kotse dito sa lugar na 'to. Halos wala nang ilaw at literal na puro lupa lang ang makikita.

She laughed at me. "Chill ka lang! Wala naman sigurong nangangain ng tao dito or what..."

"Baka mamaya may mga rebelde dito tapos--"

"Wala tayo sa Mindanao, Ark!," natatawa niyang sabi. She rolled her eyes. "Grabe ang imagination mo, painter ka nga!"

"Anyway, ano nang gagawin natin dito?"

"Magsketch ka tapos magsusulat naman ako. This place is so serene kaya magandang magsulat o magdrawing."

"Hay. Sige na nga..."

--

Pagkatapos kong magsketch ay pinakita ko agad sa kanya iyon. It was one of my favorites.

May babae at lalaking nasa loob ng isang kotse at ang nasa background ay isang lugar na punong puno ng ilaw.

I don't know if she noticed it but obviously, it was me and her in the drawing.

"Nice," she commented.

"Patingin nga ako ng sinulat mo..."

"Ayoko nga," inis niyang sabi sabay tago ng notebook niya. "Tara, punta na tayo sa subdiv niyo."

--

"Kei..."

Nakaupo kami ngayon sa hood ng kotse niya. Kahit anong pagpupumilit ko, hindi niya talaga pinabasa sakin iyong sinulat niya.

"Ano..?," halos pabulong niyang sabi sa akin.

"Iiwan mo ba ako?"

"Ha? Bakit mo naman natanong 'yan, Ark?"

"Ewan ko. Basta. Pero, iiwan mo ba ako?"

"Hindi ko alam..."

"Hindi mo alam? So may possibility?"

She nodded. "Hindi ko alam pero baka..."

"Bakit?"

"Hindi ko talaga alam, Ark." Bumaba siya sa hood ng kotse. "Tara, ihahatid na kita."

"Sure."

keira || ✔️Where stories live. Discover now