A r k i n.
Nandito ako ngayon sa bahay nina Keira. Hindi ko nga rin alam kung bakit niya ako pinapunta rito, ang sabi niya kasi, may ipapakita siya."Hijo, uminom ka muna ng juice habang hinihintay mo si Kei," nakangiting sabi ni Mrs. Villafuerte.
She sat beside me. "May I ask kung boyfriend ka ni Kei?," nakangiting tanong sakin ng mama ni Keira.
"Po? Hindi po ah. We're just friends and nothing more," halos pabulong kong sabi.
"Ah. Mabuti naman at may sumasama na sa anak ko... May sarili kasing mundo si Keira. Madalas nakakulong sa kuwarto. At kapag sisilipin ko kung anong ginagawa, ayun, nagsusulat lang pala..."
"Ano pong sinusulat niya?"
"Hindi ko alam eh... Alam niya kasing pinapakialaman ko ang gamit niya kaya tinatago niya yung notebook na sinusulatan niya lagi... Nagsimula kasi siyang maging malayo ang loob sakin noong---"
"Mom! Ano na naman pong kinukuwento niyo sa kaibigan ko?," sigaw ni Keira habang nakadungaw mula sa itaas ng hagdanan sa 2nd floor ng bahay nila.
"Wala naman, Kei!," sagot ng mama niya. "Don't tell her I told you anything, okay?"
I nodded. Bago pa man ako makasagot kay Mrs. Villafuerte, nahila na ako ni Keira paakyat sa kuwarto niya.
--
Shoving a notebook in front of my face, Keira said, "Read anything you want."
Hindi ko maintindihan kung bakit pero parang nagbablush siya.
Pagbukas ko ng notebook, nagulat ako sa nakita ko. Punong puno ng iba't ibang kulay ang pages ng notebook niya. Pink, orange, violet, green, blue - puro ganoon 'yung tinta ng ballpen na ginagamit niya.
At ang mas nakakagulat pa, ito pala ang notebook na nabanggit ng mama niya sakin. Lahat ng mga ito ay drafts ng mga tula niya. Meron ding mga quotes at prose.
"Bahala ka, basta hwag lang iyong nasa likod..."
Tinanguan ko lang siya at nagpatuloy sa pagbabasa. Natawa siya nang makitang nakakunot ang noo ko habang nagbabasa.
"Baba lang ako, kukuha ako ng makakain," paalam sakin ni Keira.
"Sure," nakangiti kong sabi sa kanya.
I was reading a poem on a random page nang hinangin ng electric fan yung pages ng notebook.
Accidentally, nabuklat ko ang last page niyon. Alam kong curiousity killed the cat pero nandito na eh.
Akala ko walang nakasulat doon pero may napansin akong green na tinta sa bandang itaas ng page.
Written in small letters were the words: "the painter and the writer a novel by keira dione villafuerte"
--
"Lawrence, where were you the whole day?," galit na tanong sakin ni Mama.
"Po? Nasa sch--"
"School?" She scoffed. "Tinawagan ako ng adviser mo. She asked me if you're at home, nawala ka raw kasi nang walang paalam eh inutusan ka pa pala niya... Umamin ka nga, did you cut classes?"
Wala na akong magagawa kung hindi umamin. Alam naman na niya eh. First time ko na ngang magcutting, nahuli pa ako.
"O-opo. Sorry ma... Hindi na po mauulit."
"Talagang hindi na mauulit! Grounded ka for one week. Ihahatid kita araw-araw at ako rin ang susundo sayo... Maliwanag ba?"
Mas lalo akong mabubully nito eh...
"Opo. I understand."
![](https://img.wattpad.com/cover/73484411-288-k734808.jpg)
YOU ARE READING
keira || ✔️
Fiksi UmumKeira is definitely out of Arkin's league. What he didn't know was Keira isn't as great as she seems. ©floeful 2016 || completed The photo used in making this book cover is a painting entitled "Luna Czechowska" of Amedeo Modigliani. It is not the au...