Tanda ko pa nung una ko syang makita.
Fisrt year high school ako nun, friendly sya pero may pagka - snob din..
Halos lahat gusto sya makilala at gusto makipag - kaibigan sa kanya.
Eh sino ba ang aayaw eh sya na ang gwapo, astig pumorma kahit naka school uniform sya magaling pa din magdala.
At dahil dun marami din ang nagkakagusto sa kanya.
At hindi ko akalaing isa ako sa mga babaeng yun.
Eh sino ba ang hindi mag- kakagusto dun eh ngiti pa lang solve ka na..
Ako si Mia San Lorenzo ang babaeng di akalaing mahuhulog sa kanya. At ang tinutukoy ko ay si William Marquez ang lalaking nagpatibok ng puso ko.
Unang araw ng klase dito sa Theresse National High School. Pagkapasok ko sa school deretso agad ako sa room ko. Sa pang - huling upuan ako pumunta at umupo. Halos wala pa kasi akong kakilala sa mga classmates ko. Although may pinsan akong nag - aaral din dito hindi ko naman sya kaeskwela kasi 4th year na sya. Yun din yung dahilan kung bakit dito ako piniling makapag - aral nila mama kahit 1 hr ang byahe mula sa amin kasi yun nga may pinsan ako dito which is ka-close ko din naman. Ewan ko ba medyo mababaw yung dahilan pero hayaan na sila naman yung gumagastos ehh hindi ako so ok lang.
Mga 5 minutes nayata akong naka - upo nung may lumapit sa aking tatlong babae at dalawang lalake.
"Hi, bago ka lang dito?" wika nung isa
"OO" sagot ko naman
"Ahh, ahm ako nga pala si Jane, eto si Gelene" turo nya sa nasa kanan nya " si Mary" turo nya dun sa nasa kaliwa nya " si arwin at jake" turo naman nya dun sa dalawang lalake
"Hello, I'm Mia, nice meeting you all" pakilala ko naman sa kanila
"San ka nga pala nag - elementary?" tanog sa akin ni gelene
"Sa North Elementary School"
"Eh diba sa kabilang city yun?" si Mary
"Ahh oo, pero lumipat kami dito 3 months ago"
Habang nagkwe - kwentuhan pa kaming anim ehh dumating na yung adviser namin kaya nag-paalam na sila sa akin at pumunta na sa upuan nila.
Nag - pakilala sya sa amin at inatasan din kaming magpakilala sa unahan.
Masaya ang unang araw ko marami din akong naging kaibigan, naging parte din ako ng grupo nina Jane, actually hindi naman talaga sila grupo, nakikihalubilo din sila sa iba, sadya lang sila yung madalas mag - kakasama. Dahil palagi nila ako inaanyayahan na sumabay sa kanila sa recess, pag - lunch at minsan pag - uwiayun palgi ko na rin sila kasama.
Masaya silang kasama, si Jane para syang clown sa barkada, palagi syang nag-papatawa. minsan nga hindi na namin malaman kung seryoso na ba sya o nag - bibiro pa din, lahat kasi dinadaan nya sa biro kahit nasasaktan na sya. Si Mary sya yung pinaka - studious kaya minsan kapag wala kaming preparation sa kanya kami kumokopya. Si Gelene sya ang kikay sa amin kapag may bagong trend na nagustuhan bibilhin nya, pala - ayos sya, mahilig sa mga banggles at earrings. Pakialaman mo na ang ibang gamit nya wag lang ang accessories nya. Minsan nga pinag - laruan namin na itago yung cp nya pero wapakels lang sa kanya. Si arwin ang taga saway sa aming mga babae kapag masyado na kaming pasaway at maiingay. Si Jake naman ang babaero, grabe ha first year pa lang ganyan na.
---
Habang nagleleksyon yung adviser namin bigla nalang humingi ng paumanhin yung principal ng school at may sinabi dun sa adviser namin. Pagbalik niya may kasama na siyang lalake, transferee siguro sa isip - isip ko at hindi nga ako nag- kamali. Halos lahat ng babae sa klase nakatingin sa kanya kasi syempre nagwa -gwapuhan sa kanya. Inutusan siya na mag - pakilala sa harap ng klase. So siya pala si William Marquez, bagay sa kanya yung pangalan nya. Pagkatapos nun eh pinahanap na sya ng bakanteng upuan. Maya - maya may napansin nalang akong nakatayo sa may gilid ko, at napatingin ako sakanya, ay oo nga pala bakante ang katabing upuan ko.
"May naka - upo na ba dito?" tanong niya sa akin
"Ahh wala, sige maupo kana dyan kung dyan ang gusto mo" sabi ko naman sa kanya
"Ako si William" maya maya ay sabi nya
"Alam ko, diba nagpakilala kana kanina?" nakangiting tugon ko sa kanya
"Madaya ako kilala mo na pero ikaw hindi pa kita kilala"
"Ako si Mia, o ayan kilala mo na ako, makinig kana kay mam kasi lagi yan nag - bibigay ng quiz after ng discussion"
Lumipas ang ilang linggo ay nakapag - adjust na din sya, tulad nga ng sinabi ko ehh friendly sya kaya madali lang ang makapag - adjust.
Close din sya masyado sa barkada namin nila Jane, pero hindi sya madalas sumasama sa amin kasi may ibang barkada din sya all boys.
Minsan kapag ayaw nya makinig sa lesson ng teacher namin, kinukulit nya ako keya kapag nahuhuli kami ehh nasesermonan pero ayos lang sa amin, tinatawanan nalang namin.
---
Vacant namin sa isang subject, sobrang ingay sa classroom namin, may naghahabulan, may nag - gigitara at kumakanta at syempre si Jane nag - papatawa na naman. Kami ni William naka - upo pa din sa upuan namin at nakikinig sa pag - bibiro ni jane kay Jake tungkol sa pagiging babaero nito. Nagulat na lang ako ng bigla na lang may itanung si William sa akin.
"May number kaba ni Jane?" si William
"Syempre meron, patawa ka ehh no alam mo naman na barkada ehh?" - ako
Nginitian lang nya ako
"Gusto mo bigay ko sayo?" tanung ko sa kanya
"Hindi kaya sya magalit?" - si william
"Basta ba wag mo sabihin na sa akin galing ehh" tapos yun pinasa ko nga sa kanya
"May boyfriend na kaya sya o kaya manliligaw?" tanong ulit niya sakin
"Ahm malay ko, Hindi naman yan nag -kwekwento about sa lovelife nya ehh, text mo nalang kaya tanong mo sa kanya mamaya" sabi ko sa kanya
"Ahh sige, peram nga phone mo.."
"Bakit?" tanong ko sa kanya pero binigay ko din naman phone ko, napansin ko na may tina - type sya tapos binigay ulit sa akin.
"Sinave ko number ko dyan, text mo nalang ako mamayang gabi" sabi nya sa akin at umalis na sya sa tabi ko at lumabas ng room.
Nakauwi na ako sa bahay, ilang months na hindi pa din ako nasasanay sa 1 hour na byahe kaya pag - kakadating ko sa bahay feeling ko pagod na pagod ako. Tinapos ko lang yung ibang assignment tapos naka - tulog na agad ako.
Maaga akong Gumising para hindi ako malate sa pag - pasok.
30 minutes before time eh nasa school na ako. dumeretso na ako sa room namin at pagkapasok ko nadatnan ko si Willian at yung ibang classmate namin.
Nakita na nya akong pumasok pero di nya ako pinansin 'snob' sa isip isip ko, kaya lumapit na ako sa kanya at binati sya, unang beses ko itong gagawin, kasi dati sya yung unang bumabati kaya nakakapanibago ngayon.
"uyy .. Good Morning" bati ko sa kanya habang nilalapag yung bag ko sa upuan ko, pero sya deadma pa din, parang wala syang narinig na pag - bati mula sa akin.
"hoy, sabi ko Good Morning" bati ko ulit sa kanya
Pero wala pa din akong nakuhang sagot mula sa kanya
"Uy, Bad Mood Ka?" Tanung ko sa kanya
Ayun sa wakas tumingin na sya sa akin pero hindi pa rin sya ngumingiti..
"Hinintay ko text mo kagabi pero wala akong natanggap mula sayo, napuyat lang ako" seryosong sabi nya sa akin at saka siya tumayo at lumabas ng room