Boses palang nya kilala ko na kaya hindi na ako nag -abalang lumingon pa.
"Sa aming dalawa ni kuya, Chachi yung pangalan nya" tugon ko sa kanya habang tina tap ang bandang likod ni chachi.
"Pwedeng pahiram?"
Dahan dahan kong binigay sakanya si chachi. Napansin kong medyo alangan pa si chachi sa kanya kaya hinawakan ko ang kamay ni willian at inilagay sa likod ni chachi.
"Himasin mo sa yung likod nya para masanay sayo, ganyan kasi yung pag - train ni kuya dyan para hindi sya maging alangan o kagatin yung mga gustong kumarga sa kanya" sabi ko at ginawa nga nya ang bilin ko.
Pinagmamasdan ko lamang siya habang nilalaro si Chachi, napansin ko din na komportable na yung aso sa kanya. Maya - maya eh nag - salita sya.
"Sorry nga pala kahapon, inaasar lang kita nun kaso mukhang wrong timing nga lang"
"Ok lang, tapos na yun" sagot ko naman
Bahagyang natahimik kami pero hindi ko napigilang magtanong sa kanya
"Kelan pa kayo dito nakatira?"
"Mga 2 years na siguro, kayo? Bakit mukhang bago lang kayo dito, nabigla nga ako kahapon nung sinabi mo sa kundoktor na dito ka bababa" -william
"Nung bakasyon lang kami lumipat dito"
"Ahh"
"Akala ko yung tinutuluyan mo malapit sa school ka nakatira talaga" ako
"Hindi, pinilit ko lang sila mommy na dun ako tumuloy kapag may klase, hindi ko kasi kayang mag- byahe ng isang oras araw - araw. Minsan kasi late ako nagigising. Mabuti kapag nandun ako madali lang kumilos kahit medyo late ang gising" - si william
"Kung sabgay ako nga ehh 7months ng yun ang routine pero hindi pa din nasasanay"
Napansin kong tumayo na sya at ibinigay saken ng dahan-dahan si chachi.
"5pm na, tara hatid na kita sa bahay nyo."
"Ahh hindi na,kasama ko kasi si kuya" itinuro ko yung pwesto nila kuya "sya na kasabay ko pag - uwi."
"Sige mauna na ako"
"Sige, ingat ka at salamat pala" sabi ko sa kanya
tumalikod na sya sa akin at nagsisimua ng humakbang. Tumalikod na din ako sa kanya at papunta sa sana sa kinauupuan nila kuya pero tinawag nya ako
"Mia" twag nya kaya lumingon ako sa kanya
"Bakit?" tanung ko
"Sabay na pala tayong pumasok sa lunes, dadaanan kita" yun lang ang sinabi nya at tumalikod na. Hindi na ako nakasagot sa sinabi nya kasi medyo malayo na rin sya