Nagtitipon - tipon kami dito sa field ngayon. Walang teacher kaya ginamit na namin ang oras para makapag-meeting kung anu ang gagawin para sa halloween party. first year kasi ang na assign sa decoration ng hall so pinag-uusapan na kung anu ang magandang set up at yung mga bibilihing materials at kung magkano ang contribution. yung tatlong president ng bawat section ang nasa harap.
Halos parang wala nga kaming sembreak ngayon eh. Kung sabagay dapat wala naman talaga. Sa college students lang naman kasi talaga uso yan dati.. Inadopt lang ng elementary at hs.
Tumingin ako sa paligid at halos lahat naman nakikioperate. Ay teka hindi pala lahat kasi may isa ditong feel at home sa pagkakahilig ng ulo nya sa balikat ko. Parang nasa bahay lang tong si William ehh.. Magkabati na nga pala kami. Hndi nya kasi ako matiis ehh.. hehe joke.. Makulit lang talaga ako kaya ayun inimikan na din ako. Hinahayaan ko na din sya minsan kapag nililibre nya ako para iwas away. Mahirap na kasi, daig pa nito ang babaeng may dalaw kung magalit.
Natapos na yung meeting at gusto ko na tumayo pero hindi ko magawa dahil nakahilig pa din ang ulo ni William. Sinabihan ko sya na alisin na ulo nya pero hindi pa din sya gumagalaw. Sobrang nahihiya na ako sa ayos namin dahil pinag-titinginan na kami ng mga kaklase namin at ibang section.
"wow nasa bahay lang?? alis na dali" sabi ko kay william pero NR pa din
"William, anu ba..uy.. alis na dali ang sakit na ng balikat ko.." mayamay sabi ko pa.
"Ay Mia, tulog na yang si Willian ah..tss ayos ahh, tulugan ba ang meeting" si Arwin habang ngiting ngiti
"Wow, love birds.. ang sweet naman, nilalanggam kami dito ohh.." Si Jake na nangaasar
"ui kayo ba?? bagay kayo ang sweet" sabi nung isang girl na 2nd section
"hindi kami, CF ko lang to noh" sabi ko sa kanila
"Sus CF daw.." si jake ulit
"ewan ko sayo Jake.." binalingan ko naman si William "hoy William sobra ka na ha, hindi kaya magaan ang ulo mo" sabi ko naman kay Willian,.Mga 10 minutes na siguro sina Jake patuloy pa din ang panunukso dahilan para magising na si William.
"Tapos na ba?" tanung nya
"Kanina pa." si jane yung sumagot. Tumingin ako sa kanya. Nakacross arms sya at tila naiirita na
"Sorry nakatulog ako" si William
"Sa susunod kasi kung mag-PPDA kayo wag nyo na kaming idamay.. Nagugutom na kaya kami at naaabala. Wala kayo sa park para sa sweet and lovey moments nyo. Nasa school and to think na freshmen palang kayo baka nakakalimutan nyo" sabi nya samin. Medyo hindi ko nagustuhan yung sinabi nyang PDA kami..
"Jane.. Baka nagkakamali ka. Hindi kami nag- PPDA ni willian at saka- - - " hindi ko naituloy kasi nag-salita na si William
"Kung nagugutom at naaabala ka sana nauna kanang kumain, hindi namin dala ang canteen. Iniwan nyo na lang sana kami dito, tutal kaya ko namang samahan si Mia. Hindi hawak ni Mia ang oras at pagkain mo.." si Willian, nakita kung tumalikod na si Jane at pupunta ng canteen, sumunod na din sina Mary at Gelene at Sorry look sila sa akin. Nginitian ko naman sila.
Hindi kami sumabay sa table kung saan kumakaen sina Jane, Kaya kaming dalawa ang ang mag-kasama.
"Mukhang napasobra ata yung sinabi mo kay JAne" basag ko sa katahimikan namin
"Tama lang yun, hindi kasi maganda yung sinabi nya syo, hindi naman dapat isisi lang sayo." sya
"Hindi na lang ako ang sinisisi nya ah"
"Nakita mo ba na habang nagsasalita sya kanina sayo lang sya nakatingin. Sa pag -kakaalam ko wala ka namang kasalanan sa kanya pero bakit parang feeling ko ang laki ata ng galit nya ngayon sayo"
"hindi naman siguro yun"
"Mia, minsan mag -iingat ka din sa taong nakapiligid sayo. Hindi ibig sabihin na kaibigan mo na sila ehh tapat na nga sila sayo."
"anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya
"Wala, basta maiintidihan mo din yun sa tamang panahon"
"ok.. William, PDA ba talaga tayo kanina?"
"Kung ganun na agad ang PDA anu pa kaya ang tawag kung hinalikan kita kanina?" seryosong sabi nya. Nashock ako sa sinabi nya kaya binato ko yung isang fries ko sa kanya na ikinatawa naman nya
"Baliw ka talaga" sabi ko pa
"Pinapatawa lang kita, masyado mo kasing iniisip yung mga sinabi nya kanina.. ngumiti ka na nga CF. Pangit mo kapag nakasimangot." sabi nya. wait CF, so ibig sabihin narinig nya at ibig sabihin lang din gising na sya nung time na yun..
"Asar ka. Gising ka na pala nung time na sinabi ko yun pihirapan at pinasakit mo pa ang balikat ko.. kainis ka talaga" sabi ko sa kanya at tanging ngiti lang ang iginanti nya sa akin.