7

65 0 1
                                    

Kinareer na naman nya ang hindi pag-pansin sa akin. Nakarating na kami sa school pero dere-deretso pa rin sya sa paglalakad. Parang hindi nya ako kasabay ah.. Mabilis ang pag - lakad nya papunta sa room. Dalawang hakbang ko isa lang nya.. Hay ganyan ba ang sinasabi nyang sabay pag - pasok. Pero kung sa bagay sabay nga kami sa bus at sinundo pa nya ako. Hmm Bahala muna sya ayoko sya kulitin para mag - sorry. Sa bilis nga ng lakad nya eh pinabayaan ko na syang mauna at nagpahuli na ako sa pag - lalakad. Tinamad na akong humabol sa bawat hakbang nya. Nakakainis kasi, sana sinabi nya munang ililibre nya ako para hindi sya naoffend kung yun nga ang dahilan ng hindi nya ulit pag - pansin sa akin.. Ganito na lang ba kami lagi. Sa tuwing hindi ako sinasadyang gawing maganda eh hindi sya mamansin. Aba Talo pa naminang mag - jowa nito ahh.

Nakarating na ako sa room at nadatnan ko sa may pinto ng classroom namin sina Arwin at Jake.

"Bakit hindi namamansin si Wil?" salubong sa akin ni Gelene

"OO nga no, tapos busangot pa mukha, problema nun Mia?" si Arwin naman ang nagtanung. Hay hindi pa man lang ako nakakapasok ng tuluyan yan agad ang itatanung. Bakit kea hindi nila tanungin ehh yung may katawan.

"Ewan ko dun, sya kea tanunginnyo" sagot ko sa kanila. Papasok na sana ako sa loob pero sadyang makulit itong si Jake

"Ui, LQ na naman kayo anu?" si Jake

"Anung LQ?"tanung ko sa kanya. "Quarrel yata oo, pero walang L" dag-dag ko pa

"Asus.. Sige deny lang libre pa naman eh" pang -aasar pa nya.

"Ay ewan ko sayo Jake, Wag mo akong itulad sayo na PBB TEENS" pag-kasabi ko nun ay deretso na akong pumasok sa room.

"Alam mo pare may point sya" narinig kong sabi ni Arwin kay Jake habang tumatawa.

"Pare ganyan talaga pag -Gwapo at Irresistible" pagmamalaki naman ni Jake. Nakaupo na ako katabi ni Willian at pinagmamasdan pa din yung dalawa. Hindi ko napigilang hindi ngumiti habang pinapanood silang nag-kakantyawan. Pero agad din yung napalis ng maalala kong may balat sibuyas nga pala akong katabi at ngayon at galit na naman yata sa akin.

"Salamat sa pag-libre kanina" bigla ko na lang imik kay William. Nanatili pa rin syang tahimik

"Sana hindi mo nalang yun ginawa hindi kasi ako sanay na nilili----"

"Yung pasasalamat mo sa akin okay na sana" biglang putol nya sa akin "Pero ayoko na marining yang pagrereklamo mo" dagdag pa nya.

"Ang sinasabi ko lang naman hindi ako sanay ng ganun."

"Pwes masanay kana ngayon" iretableng sagot niya sa akin

"Hay, william mag-aaway na naman ba tayo in the first day of the week. Gusto mo bang Whole week ehh mag-kaaway tao?" Tanong ko sa kanya

"Hindi ako nakikipag - away sayo Mia ang point ko lang matutu ka lang mag- appreciate ng maga bagay - bagay hindi yung puro ka reklamo.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabe nya. Naapreciate ko naman kasi yun kaso hindi nga lang ako sanay at isa pareho pa lang kaming estudyante. Ayaw ko rin masanay na ililibre nya ako palagi. Teka sinabi ko bang palage.. Hindi naman ako assuming no..hehe Siguro tinupak lang sya kaya ako nilibre.

Pinanindigan ko na ri ang pananahimik ko hanggang dumating na ang teacher namin. Sumasagot at nag -sasalita lang ako kapag recitation. Mahirap na kasi.. May Misunderstanding kami ni close friend,.. Ang hirap pala ng ganito kapag may malapit kang kaibigan at may tampo sayo.. Mabigat din sa loob.

MU (mutual understanding o malabong usapan??)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon