Pagkalabas nya na room sakto namang pagpasok nila Mary.
"Uyy, bakit badtrip si gwapings?" tanong sa akin ni Gelene
"Hindi ko alam ehh, pagpasok ko hindi namamansin" sagot ko naman
"Bakit?? nag - away ba kayo?" tanong naman ni Mary
"Ay may LQ?? bakit may ibang lalaki ka?" Si jake..
"Asus nagsalita naman to" - si arwin
"oi.. hindi .. walang LQ, ikaw jake para kang timang. LQ ka jan bakit kami ba?"
"Bakit hindi ba? eh lagi kayong magkadikit jan ehh," ulot ni Jake
"Pag - laging magkadikit kami na agad? hindi pwedeng close friends lang kami?" sagot ko sakanya
"Ehh bakit kami close mo rin naman ahh, sino ba talagang close friends moh?" si jake ulit
"Hindi pwedeng marami kayo?? baliw talaga to"
"Hoy Jake tigilan mo nga si Mia, itutlad mo pa sayong malandi" tumatawang sabi ni Jane
"Hoy kelan pa naging malande ang lalake??" si Jake
"Kung ikaw yung lalake, edi araw araw hahaha" si Jane
"Oi itigil nyo na nga yan, malapit na mag - time dun balik sa dating upuan" si Arwin
Umupo na nga sila sa assigned seat nila, ako naiwang nag - iisip kung bakit badtrip si William. Teka nasabi nya kanina na hinihintay nya yung text ko kagabi. Ay oo nga pala sinave nya nga pala number nya sa phone ko at sabi nya na magtext ako at yun yung hinintay nya kaya napuyat sya. Ay anu ba yan nakimutan ko yun kagabi, nakatulog kasi agad ako. Tsk Tsk.. Kasalanan ko pala talaga..
5 minutes before time hindi padin sya bumabalik dito sa room, hala hindi ba sya papasok? Pero nandito pa gamit nya ahh.
Eksaktong bell ay pumasok na yung English teacher namin at halos kasabay lang nya si William, hindi naman sya napagalitan kasi hindi naman sya late. Pagpasok nya sa room agad syang pumunta sa upuan nya pero hindi pa din namamansin, bago sya umupo ehh inusog nya yung upuan palayo ng konti sa upuan ko. So talagang galit sya? Ano bang big deal sa hindi ko pagtext? ehh sa pagod ako at nakalimutan ko anong magagawa ko diba??
Natapos na lahat ng lesson ehh deadma pa din kahit nung second subject wala pa din.
Recess na pero hindi pa din sya tumatayo sa kinauupuan nya. Inakit na akong lumabas nila Jane kaya sumama na ako sa kanila. Inakit din siya nila Arwin at Jake, tango lang sagot nya. Nag - lalakad na kami sa corridor nung mapansin kung hindi sya kasama dun sa grupo ng barkada nya kaya gumawa ako ng excuse kina Gelene para makabalik sa room.
"Ah, mauna na pala kayo sa Canteen, naiwan ko ata wallet ko sa bag eh, balikan ko na lang"
"Ako muna gagastos Mia, bayaran mo nalang pag-balik sa room" -si Mary
"Ahh, hindi na Mary balikan ko na lang talaga" pagpupumilit ko
"Ok sige, kaw bahala, sige mauna na kami" -si jane
Pagbalik ko sa room nadatnan ko nga sya dun naka- upo pa rin, wala talaga syang balak lumabas. Nilapitan ko sya bahala na kung mag -susungit sya basta makapag - sorry ako ok na. Nasa kanya na yun kung tatanggapin nya o hindi basta nagawa ko na ang dapat kong gawin.
"Hindi kaba kakaen?" tanong ko sa kanya
Wala pa ring imik.
"Ok, alam ko na yung kasalanan ko, Sorry na. Nakalimutan ko kasi kagabi sa sobrang pagod ko at nakatulog agad ako" paliwanag ko sa kanya
Hindi pa din sya kumikibo. Grabe naman to daig pa ang babae kung mag - tampo. dahil NR pa din sya kinuha ko yung cp ko sa bag at ng type ng sorry at sinend sa number nya.
Naramdaman nyang nag - vibrate yung phone nya at nakitang may message kaya binasa nya ito at pag -katapos ay tumingin sa akin.
"Ang sabi ko sayo kahapon gabi ko hihintayin yung text mo hindi umaga" medyo cold na sabi nya. Kailangan pa bang itext bago sumagot sya?
"Atleast nagtext na diba, arte mo" -ako
"Paasa ka naman." -siya
"Nakalimutan ko lang pero hindi ako paasa" - ako
"Hay ewan, kumaen kana nga lang" sabi nya at inabot sa akin yung cokkies na nakalagay sa small size microwavable tuperware.