Chapter 2: Again

3 0 0
                                    

Lexie's POV

Kring Kring

"Argghh." Kinapa-kapa ko ang alarm clock ko na bumibwisit sa tulog ko. Inoff ko yun at natulog ulit.

"Nak, gising na malelate ka na sa school mo." Ano ba!!! Pinaghahampas ko ang alarm clock ko. Aga-aga nambubwisit eh.

"Aray" Patuloy ko paring pinaghahampas ang alarm clock ko.

"Lexie ano ba!!" Oh nagsasalita ang alarm clock ko? Minulat ko ang isang mata ko.

"Babangon ka ba dyan o kakaladkarin kita papuntang banyo?" Napaupo nman ako nung nakita ko si mama.

"Di kapa ba maliligo lexie? Anong oras na??" Nagtatakbo agad ako papuntang banyo. Kasi kapag binanggit na ni mama pangalan ko meaning nun galit na talga siya.

Dali-dali akong naligo nung naalala kung first day of school pala ngayon. Aish bakit ko ba nakalimutan yun?? Tang*nis

Pagkatapos kung maligo ay nagbihis agad ako. Nagjeans lang ako at V-neck shirt. Pagbaba ko handa na ang breakfast ko. Kumain agad ako at nagpaalam na kay mama.

Madali lang akong nakadating sa university since malapit lang naman ito sa bahay namin.

Pagpasok ko napaawang ang labi ko sa ganda. Grabe ang ganda ng facilities nila. Ang linis-linis pa ng paligid. Woaah!!

Naglalakad ako patungong office nila dito kasi kukunin ko ang uniform,schedules at libro ko. Aalamin ko na rin kung anong section ko.

Ang dami namang estudyante dito. Grabe mayayaman siguro ang nagaaral dito. Tapos ang mga suot nila parang hindi skwelahan ito ha.

Pagdating ko sa office kinuha ko agad ang uniform,libro at schedule ko. Tinanong ko na rin ang section ko.

4th year highschool
IV- DOVE

Ohh first section pala ako? Yeeyy :). Ang bigat nama nito. Ayy wait!!
"Ahm miss nakalimutan ko pong kunin ang locker no. ko"

"Uhh. Oh ito"

Locker no. 26. Yess fav no. ko .. HAHA. Pumunta agad ako sa locker ko at nilagay lahat ng gamit ko dun. Patapos na ako nung naramdaman kong kumulo yung tiyan ko. Gutom na si tammy ,wait lang tammy ha tapusin ko muna toh. Finally natapos din . Papunta akong canteen nang may bumangga sakin

"Ahhhhhhhhh"

Napapikit nalang ako at naghintay na masalampak ang likod ko sa sahig. Pero bakit ganun? Minulat ko ang mata ko at napaayos na tayo. Ehh kasi nman nakapulupot mga kamay niya sa bewang ko.

Tinignan ko ang lalaki. Wait??

"Ikaw???"

Sumama agad timpla ng mood ko. Sa lahat ba nman ng tao sa mundo , itong panget na nman ang nakabangga sakin.. Argghhh ..
"You again? Aish."

Aba!!

"Hoy, Mr. Panget na halimaw or whoever you are. For the second time, ang kapal nman ng mukha mo noh . Naiinis ka pa dyan eh ikaw nga tong nakabangga. Aish kainis"

Small World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon