Lexie's POV
Naglalakad ako papasok sa gate ng school nang may madatnan akong nagkukumpulan na mga babae. Nagtitilian silang lahat, ano yan artista lang ang peg?
Dahil sa maypagkatsismosa ako nakipagsisikan ako sakanila. Nakita ko ang lalaking halimaw na may kasamang babaeng maganda at mestisa. Nakapulupot ang mga kamay nito sakanya at nakasimangot pa.
"Pwede ba tigil-tigilan niyo na si Trevor. Akin lang siya" Sigaw niya sa mga babaeng nagtitilian. Tumahimik namn ang mga ito at nagsimulang magbulong-bulungan. Tinignan ko si Trevor at nakasimangot lang siya.
Owss grabe naman siya. Daig pa ang artista eh? Tsk!
Yumuko nlang ako at nagsimulang maglakad. Napahinto ako nang may umakbay sakin. Oh sino nman ito??
"Wag mo kong iwan love" Huh?? Tinignan ko ang lalaking umakbay sakin. Aba!!
"Anong lo--"
"TREVOR" Napatingin ako sa babaeng sumigaw. Bigla nman akong hinila at kinaladkad ni trevor. Ano bang problema nito?? Argggh!!
Huminto ako at hinablot ang kamay ko sa kanya.
"Ano bang problema mo at bigla-bigla ka nalang nanghihila?? Tapos tinawag mo pa akong love?? Kapal nman ng muk--" Hinarang niya ang kamay niya sa mukha ko.. Napaatras nman ako. Urgghh ang hilig talaga mangbastos nang lalaking toh. Hindi mn lang ako pinatapos. Tinabig ko ang kamay niya.
"Chill ok?, kaya ko lang nman ginawa yun para humiwalay kay Joyce. And hindi ko sinasadyang matawag kang Love nangdidiri nga ako eh. Yun lang kasi napasok agad sa isip ko. Tsk" Ang yabang talag nang lalaking toh. Grrr
"Ewan ko sayo" Binangga ko siya at tumakbo na palayo. Kumukulo talaga dugo ko sa lalaking yun.
Pumasok agad ako sa classroom at humukdong sa mesa para matulog. Hindi kasi ako nakatulog nang maaga kagabi dahil binasa ko ang update ng My Only Mistake hihihi..
Nagising ako nang kinakalabit ako nang katabi ko. Umupo nman ako nang maayos at tiningnan siya.
O_O
Ang lapit-lapit nang mukha niya sakin. 1 inch nlang maglalapat na mga labi namin.
Dug dug dug dug
Ano ba tong puso ko?? Napaatras nman ako at tumingin nang diretso sa unahan.
"A-ahh nandyan na si prof" sabi niya. Tumango lang ako.
Nagdiscuss lang si prof at pinakopya kami nang mga notes para sa quick test bukas.
Kring Kring
Nagsitayuan na kami. Nilagay ko ang mga gamit ko sa bag at lumabas na. Papunta akong canteen nang may marinig ako. Nagtago nman ako agad at tinanaw kung sino yung umiiyak.
"Please wag ka nmang ganyan" sabi nang babae naiiyak na siya. Nakaharap siya sa lalaki at nakatalikod naman ang lalaki sa kanya.
"Wala nang tayo Joyce" Sigaw niya sabay harap kay Joyce. Nanlaki bigla mga mata ko.
"Sinaktan mo ko joyce. Ang sakit sakit" Nagsimula nang tumulo ang luha ni Trevor. "Minahal kita, sinuway ko mga magulang ko dahil sayo. Pati mga kaibigan ko iniwanan ko dahil sayo. Lahat ginawa ko para sayo" Humagulgol na si Joyce. At umiiyak nmam si Trevor. "Pero anong ginawa mo? Pinagpalit mo lang ako and worst kaibigan ko pa. Pinagsabay mo kami at talagang pinili mo pa siya kaysa sakin. Ang sakit nang ginawa mo joyce." Pinahid ni Trevor ang mga luha niya. "Nagpakatanga ako para sayo. And the worst mistake I ever did was loving you." At tuluyan na niyang iniwan si Joyce na humagulgol.Tumakbo nlang ako at pumunta sa cr. Inayos ko lang sarili ko. Grabe ang drama nman nang love story ni Trevor noon. Hayy bakit ba ako nangingialam?? Umiiral na naman. Hayy!!
Lumabas agad ako at pumunta nang canteen. Bumili na ako nang pagkain at umupo sa likurang parte nito. Habang kumakain merong taong tumayo sa unahan ko.
"Uhm pwede bang makiupo?" Isang babaeng maganda at mestisa. Mukhang mabait nman.
"Ahh oo nman" Umupo na siya sa tapat ko.
"Ahm ako nga pala si Julia. Julia Buenaventura" sabay lahad nang kamay niya sakin.
"Ahh, ako nman si Lexie. Lexie Valdez" at nagshake hands kami.
Nagkwekwentuhan lang kami habang kumakain. Hindi nman siya mukhang mabait lang kasi talagang mabait namn siya. Parang magkakasundo kami nito eh..HahahaBumalik agad kami sa classroom namin. Hindi ko alam classmates pala kami kasi hindi nman ako nakikipaghalubilo sa mga classmates ko.
Umupo nman ako at nakitang nagso-soundtrip lang si Trevor habang nakapikit ang mata. Sakto nmang pagupo ko ay dumating na si prof. pero si Trevor ganun parin.
Nagsimula nang magdiscuss ang prof namin sa English. Tinitignan ko si Trevor, bakit hindi pa siya nagigising?? Papagalitan siya ni prof niyan.
Kinalabit ko siya pero wala parin. Lumapit pa ako sa kanya para gisingin siya pero wala parin eh. Ang hirap nman gisingin nang lalaking toh. Tinapik-tapik ko nang mahina si Trevor para gumising siya.
Tatapikin ko na sana siya nang bigla siyang humarap sakin na nakapikit ang mata.
chup
O_O
Nanlaki bigla mga mata ko at tinulak ko siya. Pero parang wrong move ata ang pagtulak ko sa kanya.
------------------------------------------------------
A/N: Alam ko pong panget ang story ko pero sana po patuloy niyo itong suportahan. First time ko po kasi ito.
Comment nadin po kayo para maexpress niyo ang gusto niyo para sa storyang ito. Salamatcrsty_rvra
BINABASA MO ANG
Small World
FanficSi Lexie ay isang babaeng nalipat sa universidad nang kaibigan nang kanyang mama. Dun niya na kilala ang lalaking unang nagpatibok nang puso niya. Lalakeng minahal niya at minahal siya. Ang isang almost-perfect-relationship na sinisira nang mga taon...