Lexie's POV
Ang awkward nang posisyon namin kasi nakapatong ako sa kanya. Nabigla kasi siya sa pagtulak ko at nahawakan niya ang mga kamay ko dahilan nang pagtumba naming dalawa.
Nakatitig lang siya sa akin at ganun din nman ako sa kanya.
"Ms.Valdez and Mr.Villanueva, what are you doing?" sigaw ni prof. samin. Napatingin nman ako kay prof at sa mga classmates kong nakatingin samin. Dali-dali akong napatayo at humarap kay prof. Tumayo nman din si Trevor.
"Ah-ahm natum--" Pinutol ni Trevor ang sasabihin ko.
"Tinulak niya po kasi ako bigla kaya napahawak ako sa kamay niya at natumba kaming dalawa. So it end up in an akward position." Walang ganang sabi niya. Uhh!! Grabe kapal nang mukha. Ginigising ko lang nman siya ahh. Kung hindi sana niya ako hinalikan edi sana hindi ko sya tinulak. Grrr!!!
"And why did you push him Ms.Valdez?" tanong ni prof.
"Ahh" napayuko nlang ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko bang hinalikan niya ako dahilan sa pagtulak ko sa kanya? Pero nakakahiyaa.
"Sorry po" yun nalang ang sinagot ko.
"Next time kasi wag kang mangtutulak bigla para mapansin ka. Psh" singit nang isang babae. Tinignan ko nman siya. Inirapan lang ako ni joyce. Oo, si Joyce!! Mapansin? Psh alam ba niya talaga ang rason bakit ko tinulak si Trevor?? Kapal ng face ahh.. baka pagsabihin ko kung bakit iiyak lang siya. Tss
"I'll let this one pass. Dont ever do it again Ms.Valdez" tumalikod na si prof samin at umupo na ako. Nakayuko lang ako pero nakikinig nman sa sinasabi ni prof.
Kring kring
Nagbell na pero hindi pa din ako lumabas. Ako nalang ang nandito sa loob, lahat sila pumunta na nang cafeteria. Pinabaonan nman ako ni mama nang sandwich kaya dito nalang ako kakain. Kinuha ko ang sandwich ko sa bag at kumagat dun.
Iniisip ko ang nangyare kanina. Grabe nakakahiya!! Naalala ko ang position namin. Argghh kainis. Kumagat nalang ako ulit. Habang kumakain, pumasok sina Maddy, Bianca at Joyce naglalakad sila papunta sakin. Ang sama nang tingin nila para nangangain.
Yumuko nalang ako at kumagat ulit. Huminto sila sa harap ko, tumingala ako para makita ang mga mukha nila.
"Ang malanding papansin" sabi ni Maddy sabay irap sakin. Grabe naman sila! Hindi ko sila pinansin at patuloy sa pagkain ko.
"Aba" sabi ni Bianca. Patuloy ko paring kinakain ang sandwich ko. Tinabig bigla ni Joyce ang kamay ko kaya nalaglag ang sandwich ko. Arghhh
"Ano bang problema mo?" Sigaw ko sa kanya.
"Anong problema ko? Ikaw. Ikaw ang problema ko" sigaw niya pabalik.
"May ginawa ba ako sayo? Sainyo?" Sabi ko
"Samin wala pero kay Joyce MERON!" Sabi ni Bianca. Huh?? Ano bang ginawa ko kay Joyce? Wala nman akong ginawang masama ha. Tsk bahala na nga sila.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Hinarap ko silang tatlo.
"Sorry pero wala akong alam sa sinasabi niyo" at naglakad na ako papunta sa pinto.
"Hoy wag mo kaming tatalikuran" sabay hila sa buhok ko.
"Aray" hinihila-hila nila ang buhok ko.
"Ano ba!!!" tinabig ko ang kamay ni Joyce kaso tatlo sila at isa lang ako. Sinabunutan nila ako, Napaluha na ako sa sakit.
"Bitawan nyo nga ako. Aray!! Ano ba!!!" Sigaw ko. Napahagulgol ako sa sakit.
"Walanghiya ka. Ang landi mo, tinulak mo pa talaga si Trevor para mapansin ka. Grabe ka, ang kapal nang mukha mo. Walang dapat manakit sa kanya" sigaw ni Joyce. Arghhh ang sakit na. Hinawakan nila Maddy ang magkabilang braso ko at pinaharap kay Joyce.
"Para toh sa pagtulak mo kay Trevor at sa paglandi sa kanya" sabi niya. Akmang sasampalin na niya ako nang may humawak sa braso niya.
-----------------------------------------------------
A/N: sino kaya ang pumigil kay Joyce?? Oh well. Abangan hahaha
Comment and Vote po kayo 😁😁 thank you
BINABASA MO ANG
Small World
FanfictionSi Lexie ay isang babaeng nalipat sa universidad nang kaibigan nang kanyang mama. Dun niya na kilala ang lalaking unang nagpatibok nang puso niya. Lalakeng minahal niya at minahal siya. Ang isang almost-perfect-relationship na sinisira nang mga taon...