Bitin ba yung chapter 1 guys? Sorna. Hahaha.
~
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko.
Chineck ko kung anong oras na nang biglang may pumukaw sa aking pansin.
Yung nag-chat kagabi. It was him.
Naalala ko nanaman lahat. Ewan ko kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Yung feeling na nasasaktan ako na hindi? Ang gulo lang.
Hindi ko nalang pinansin yun at bumangon na.
"Manang, tapos na po ako. Paki-tawag na po yung driver. Thank you."
"Osige po Ma'am."
Paalis na ako sa bahay. Pagdating ko ng school, natanaw ko na agad si Tristan at Sab. Kumaway naman ako sa kanila pagkababa ko. Niyakap agad ako ni Sab.
"Miss mo naman ata ako agad bes?" Sabay halakhak.
"Che! Ano? Magtratryout ka na ba?"
Natigilan ako sa tinanong niya. At the same time, napaisip rin.
"Come on baby, mag-tryout ka na. You're "The Queen!" We'll support you, right Sab?"
"Y-yeah. Sige na Mich."
Naglalakad na kami papasok ng school. Masyado nang busy ang lahat para sa tryouts dahil nalalapit narin ang tournament. Kilala ang school namin kaya puspusan sa pageemsayo ang lahat.
Wala naman sigurong mawawala kung sasali ulit ako 'di ba? Besides, I'm The Queen. Tsaka matagal narin nung huli akong sumali. Sa tagal naman siguro ng panahon na yun, hindi ko na siya maiisip tuwing naglalaro ako. Tsaka sigurado naman akong nakalimutan na niya ako. Pinili niya yun so wala akong magagawa.
Hinanap ko na kung asan yung booth ng chess team. Habang naglalakad, may napansin akong kakaiba.
Si Tristan, kasama nang isang babae at nagtatawanan. Parang... Tss! Wala yung Mich okay? Mahal ka ni Tristan.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Ilang sandali pa at nahanap ko narin ang booth namin. May mga baguhang players din pala. Mga freshmen yung iba base dun sa color ng necktie nila.
"Look who's here!" Sabi ni Coach Bryan. Siya parin pala ang coach. Nakita ko na siya noon dito sa school, freshman palang ako noon.
"Hello po Coach Bryan. Kumusta ang team?"
"Okay naman. Madaming aspiring chess players. Ikaw? Kumusta naman ang The Queen?"
"Mabuti naman po. It's nice to be back!"
"Good. Then let's continue to find your knights, Queen."
Wala akong ginawa buong umaga kundi ang magpatryout. Kumakalam na yung tiyan ko. Nagpaalam na ako kay coach na magluluch lang ako at babalik din.
Dumaan muna ako sa locker room para ilagay ko muna dun yung board ko. Palabas na sana ako kaso may narinig akong pag-uusap ng isang pamilyar na boses.
"Yes. We'll meet later okay? W-wait. What? Tris. Tristan. Hello? Ugh! Wtf Tristan."
Tristan? My Tristan? Ugh! Hindi naman siguro 'di ba? Baka same name lang. Gutom lang siguro 'to.
Nagpasiya na akong pumunta ng canteen. Kaso wala nang maupuan so sa labas nalang siguro ako maglulunch. I texted Sab para may kasama ako.
Me to Sab:
Sab! Tara, KFC tayo. Puno yung canteen eh. Hintayin kita dito sa park.
Tumunog ang phone ko. Nagtext si Sab. Pumayag naman siya. Ilang sandali pa at nakita ko na siya. Dumeretso na kami sa KFC.
After naming kumain, bumalik na rin kami agad. As usual, busy parin ang lahat. Yung iba kahit lunch time palang ay naglalaro parin. Mukhang nag-eenjoy sila ah.
"I heard na sumali ka na?"
"Yep. How's your team?"
Varsity din kasi si Sab. Volleyball naman.
"Uhm okay naman. Puspusan din ang training at patryout. Bukas ipopost ko na yung mga new members."
"That's good."
"Sige Mich, punta lang ako sa team ko ha? May aasikasuhin pa kami nila coach eh. See you around."
Buong maghapon puro tryout at training. Uwian na kaya uuwi na ako. Masakit nadin kasi ang ulo ko kakalaro kanina. Ang gagaling nga nila eh. Sana magchampion ulit kami.
BINABASA MO ANG
You're My Angel
General FictionWALANG FOREVER. Wala talaga. Bakit? Kasi wala talagang ganun. Destiny? Soulmate? WALANG GANON. Yung tipong papakiligin ka, tapos sabay sabi ng "joke". Kalokohan. Sa panahon kasi ngayon, pagkain nalang ang may forever. Bakit? Ikatataba mo ba yang bf...