CHAPTER 4

1 0 0
                                    

Hey guys! Yung last chapter po, yun po yung story ni Mich and Paul. Yun po yung past nila. Sorry po kung panget.

Well, eto na po. Eto na po yung present life nila. ✌🏼️

~
Mabilis lumipas ang mga araw. Mas naging focus ang lahat dahil malapit na ang tournament. Ang school rin kasi namin ang host ng event na paparating. Ang iba ay nagprapractice, ang iba naman ay bumibili nang mga extrang equipment nila tulad nang sa badminton, bumibili sila ng extrang mga shuttlecock. Ganon na din sa volleyball na may apat na original na bola, dalawa naman ang sa basketball. Pati ang mga tennis players namin ay ganon din ang ginagawa. Ako naman ay bibili mamaya ng isa or dalawa pang chessboard. Kasi minsan kahit required na magdala ng board each player, yung iba naman ay nawawala or naiiwan or nalilimutan nila. Kaya minsan, mas lalong tumatagal yung game dahil naghihintayan pa.

Yung iba naman ay nagrerepaint nung mga lines sa court ng volleyball, badminton, sepak takraw, tennis at iba pa. Yung ibang rooms naman ay nililinis para dun sa paggagamitan ng event ng chess at scrabble. Hindi kasi pwedeng sa labas kami maglalaro dahil maingay at kailangang mag-focus. Walang distraction.

"Mich! Yuko!"

Huh? Bago ko pa magawa yung sinabi nung sumigaw, ay may tumama nang bola sa akin. Sapul sa ulo ko! Langya! Nayanig yung utak ko. Galing ata sa spike yung bolang yun at hindi nakuha kaya sakin nag-landing. Hinarap ko yung mga naglalaro ng volleyball. Pagkaharap ko, nakita kong tumatakbo palapit sakin si Sab.

"Mich are you hurt? I'm sorry. Hindi kasi namin alam na dadaan ka. Sorry talaga Mich. Sobrang so-"

"Hindi naman masyadong masakit Sab. Medyo nahilo lang ako kasi galing ata sa spike yung bola. It's okay. Normal naman ang may matamaan pero next time, mag-ingat nalang kayo. At ako siyempre."

"Sorry talaga Mich ha?"

"Okay na Sab. Sige na bumalik ka na dun."

"Are you na okay ka na?"

"Yep." Nginitian ko siya. Nang makumpira na niya na okay na nga ako, ay mabilis naman na siyang bumalik sa paglalaro.

Ngunit nang pabalik siya, nakita ko yung iba niyang ka-team na nagtatawanan parin. "Nice!" Sabi pa nung isa dun sa... Siya yung babae sa locker room. Yung may kausap na Tristan. Tinitigan ko siyang mabuti. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Matangkad, maganda, morena siya. Yung mga mata niya magaganda at yung pangangatawan niya, maganda ang hubog. Sikat rin siya sa school namin. Pauleen Navarro ang name niya.

Hindi parin sila tumitigil nang mga kasama niya kaya naman ay nilapitan ko na. Humupa narin yung pagkahilo ko kaya naglakas-loob akong pumunta sa grupo nila.

"Hey! Look who's here! Ang babaeng natamaan ng bola!" Sabi nung kaibigan niya. Humalaklak sila.

"What do you want girl? Isa pang hit?"
Grrr! Naiinis na ako. Chill Mich. Tumawa pa sila ng tumawa. Nagsalita na ako.

"Tapos na kayong tumawa? May sasabihin kasi ako. Next time na gusto mo akong tamaan ng bola, magsabi ka. Para alam ko kung iiwas ba ako or ibabalik ko sa pagmumukha mo yang bola mo. And next time, humanap ka nang iyo, hindi yung nanlalandi ka sa boyfriend nang iba. Matuto kang lumugar. God bless you. Good luck sa game niyo."

Natigilan siya. Laglag ang panga ni Pauleen. I knew it. Nakita ko sila ni Tristan sa may KFC noon. Nasa counter nakapila. Kasama ni Tristan ang iba niyang barkada, ganon na din si Pauleen. Nung nakita ko sila hindi ko nalang nilapitan dahil ayoko nang eskandalo. Pero ngayong may ginawa na ang Pauleen na ito, pinatulan ko na.

Umalis na ako doon at pumunta na sa library upang isauli ang mga hiniram kong books nung isang araw. Pagkatapos ko doon, pumunta nalang ako ng canteen at kumain. Nakita ko yung mga classmates ko kaya dun muna ako pumwesto.

"Mich, totoo ba yung narinig ko kanina? Pinagsalitaan mo daw ang sikat na si Pauleen Navarro?"

"Uhm yea. Hindi naman sa pinagsalitaan, uhm ano lang. Pinagsabihan? Something like that. Nainis ako eh. Pero hayaan niyo na yun. Wala na yon."

"'Next time na may gagawin ulit siyang hindi maganda sayo sabihin mo lang sa amin ha? Kaming bahala sa kaniya."

"Nandito lang kami for you Mich."

Ngumiti silang lahat sakin. Napangiti narin ako sa kanila. Laking pasasalamat ko at may mga kaibigan akong ganito, tulad nila. Laging nandyan pag may problema, kailangan or kahit wala akong kailangan, yung tipo ba na gusto mo nang kausap or kailangan mo nang makakasama. Andyan lang sila.

"Pati kami Mich. Pag may nanakit sayo, sabihan mo lang kami. Patay samin yan."

"Pag iniwan ka ni Tristan o may ginawang masama sayo, tawagin mo lang kami. Bugbog sarado yang taong yan!"

Nagsitawanan kami sa sinabi nang mga kaklase kong lalaki. Ang sarap lang talaga. Wala kasi akong kuya kaya mahal na mahal ko sila kahit pa mga ungas yung mga yun. Pero pag nagseryoso naman ay talaga namang seryoso. Kumain na lang ulit kami doon. Nagtawanan at nag-usap-usap tungkol sa pag-aaralan namin pagdating ng Senior High.

"Baka sa Manila na ako. Nandun kasi ang mga kapatid ko. Ikaw Mich, saan ka mag-aaral ng SHS?"

"Ewan. Baka dun ako sa dad ko mag-stay."

"Aww. Ang layo mo na samin. Magchachat ka parin ha? Wag mo kaming kalilimutan."

"Oo naman! Kayo pa ba? Ano ba yan! Magkakapatid tayo 'di ba?"

"TEAM WALANG TITIBAG! GRADE 10- STAR!" Sigaw nung mga kaklase naming boys. Nagsitawanan kami dahil umalingawngaw yung boses nila sa buong canteen. Lahat nang atensyon at nakuha nila. Yung mga mata ng mga tao doon ay nakatuon sa amin. Mahal na mahal talaga naming magkakaklase ang isa't isa. Team Walang Titibag, huh? HAHAHAHAHA. Nang matapos kaming kumain, umalis na kami sa canteen at dumiretso na sa park. Nag-jamming lang kami doon.

"Mich! Kanta ka na! Please?"

"Oo nga Mich! Go!"

"Go Mich! Kakanta na yan! Kakanta na yan!"

Paulit-ulit nila akong pinilit. Hindi naman ako magaling. Well, sabi nila magaling daw ako pero alam ko namang binobola lang nila ako. Hindi ko na sila matanggihan kaya naman ay um-oo na ako sa kanila. Nagpalakpakan naman sila. Nakakahiya, ang daming tao.

Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito

Diyan palang sa part na yan, naalala ko nanaman siya. Hindi natin inaasahan na magiging matalik tayong magkaibigan. Pagkakaibigang nauwi sa pagmamahalan.

'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta

Hanggang sa iniwan mo ako. Wala man lang pag-iingat yung mga salitang binitawan mo sakin. Deretso mo sinabi sakin lahat at umalis ka nalang.

Ba't di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayo'y umaasa
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo

Pero sa tingin ko, eto na nga ang katapusan natin. Matagal ko nang natanggap na hindi ka na babalik. Bata pa tayo noon. Ika nga, puppy love lang 'yon.

Pero kung pagtagpuin man tayo ulit nang ihip nang hangin, nang agos nang ilog, nandito parin ako, sasagip sayo...

You're My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon