CHAPTER 5

4 0 0
                                    

Balik training kami.  Bukas tournament na. Natapos na rin ang pagrerepaint nang mga ibang mga court. Mamayang hapon na wala na kaming pasok dahil sinabi ng principal namin na ipahinga nalang daw namin upang may lakas kaming maglaro bukas. Tinext ko si Sab na sabay na kaming umuwi kaso tinanggihan niya ako. Nauna na raw siyang umuwi. Tinext ko nalang si Tristan upang magpahatid kaso nakita ko ang kaniyang kotse sa parking lot ng school namin habang palabas ako ng gate. Pupunta na sana ako don nang biglang may kumakaripas ng takbong babae at pumasok agad sa front seat ng sasakyan ni Tristan. Naka-jersey pa ang babae. Navarro. Yan yung nakalagay.

Hindi ko nalang tinuloy ang text ko kay Tristan. Nag-commute nalang ako pauwi. Pagdating ko sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto ko. Biglang nawala ang gutom ko, nawalan ako ng ganang kumain. I'm physically and emotionally hurt! Dammit!

Bakit Tristan? Am I not enough? Kulang pa ba lahat ng efforts ko? Bakit kailangang may iba pa? Ang sakit sakit. Kumawala na ang mga luha ko. Hindi ko na pinigilan.

Nagising ako sa mga katok. Si manang siguro yun. Baka nag-aalala na sakin yun dahil hindi pa ako kumain ng lunch. Tinignan ko muna at mukha ko sa salamin. Halata sa mga mata ko ang pag-iyak ko kanina kaya naligo nalang muna ako.

Habang pababa ako, may mga naririnig akong ingay, mga halakhak. Nadatnan ko sa living room namin ang mga pinsan ko.

"Michelle!" Sabay sabay nilang sigaw nang makita nila ako. Ugh! I missed them so much!

"Kurt, Irene, Dave! Namiss ko kayo!" Tinakbo ko na ang distansya sa pagitan namin. Nag-group hug kami.

"We missed you too Mich. How are you?"

"Okay naman Irene. Ikaw? Kayo, kumusta na kayo?"

"Ano ba Mich! Hindi na tinatanong yan. Siyempre gwapo parin. 'Di ba Dave?" Singit ni Kurt. 'Tong lalaking ito talaga kahit kelan napaka ano. Pero totoo naman, gwapo sila. Siyempre, dugong Zamora yan. It runs in our blood.

"Yabang neto! Kung hindi ka Zamora malamang kanina pa kita pinatay. Pasalamat ka. Uhm okay lang din naman kami Mich."

"That's good. Btw, bakit nga pala kayo nandito?"

"Ah! Yun na nga! Ito kasing si Irene nagyayayang mag-mall. Yung kapitbahay kasi namin na nag-aaral sa school ninyo, nakita ko na umuwi. Tapos tinanong ko kung half day lang ang pasok niyo ngayon, kaya ayun. Sakto half day rin lang kami ngayon kaya tinext ko sila at sinabing puntahan ka at yayain."

"Nice! Sige, bihis lang ako saglit. Teka, nag-lunch na ba kayo?"

"HINDI PA!" Sabay sabay nilang sabi. Natawa naman ako doon.

"Kaya kami nandito, makikikain. Djk. Sa labas na tayo kumain."

Umakyat na ako at nagbihis. Buti nalang talaga at nakaligo na ako kanina bago bumaba. Nag-shorts lang ako ng color white tapos color maroon na t-shirt at vans din na color maroon. Simple lang. Ayoko rin kasing pumorma ng bongga. Sa mall lang naman ang punta naming magpipinsan. Nag-ayos ako ng mukha. Powder lang plus perfume tapos konting suklay, ayos na. Bumaba na ako at nagyaya nang umalis. Nagpahatid kami sa driver ko at sinabing itetext ko nalang siya pag-uuwi na kami.

Dahil pare-pareho kaming gutom, kumain nalang muna kami sa Shakey's. Favorite naming apat yun kaya dun na kami pumirming kumain. May mga nakita pa kaming mga kakilala namin. Binigay na samin yung menu at umorder na. Habang kumakain, nagkwekwentuhan din kami about sa school, sa family at kung ano-ano pa.

"Hey Mich. I heard bumalik ka na sa chess team ninyo?" Tanong ni Irene.

"Uhm yes. Tingin ko it's about time to play again. Tsaka naisip ko na last year ko na sa school namin so ayun."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon