CHAPTER 1

3 0 0
                                    

"Ano Mich, hindi ka ba magta-tryout?"

Tanong nung bestfriend ko sakin, si Sabrina.

"Sab, 1 week pa naman na open yang tryouts na yan eh. Pwedeng rest muna? Katatapos lang ng exam eh."

"Hay nako. Bahala ka nga. Ang sabihin mo, ayaw mo lang kasi may "memories" KAYO diyan."

Tss. Memories? Really Sab? Baka misery.

"Pwede ba Sab, mag-gragrade 11 na tayo. Ayoko namang pag lumipat na ako ng ibang school, mahihirapan ako. Pero don't worry, pahinga lang ako tapos pag-iisipan ko kung magta-tryout ako."

Inirapan ako ni Sab. Mukhang hindi ata siya agree sa sinabi ko.

"Yun na nga Mich. Lilipat na tayo ng school. Since nag-grade 7 tayo hindi ka na nagtryout sa chess. You're the famous Michelle Jean Zamora, also known as "The Queen." Every school year they were trying to convince you na sumali ulit pero laging "No" ang sagot mo. Really Mich?"

Sabat niya. Uhm yeah, totoo yung sinabi ni Sab. I am known as "The Queen" because I'm the best player of chess in our province. Elementary palang ako, nakiki-compete na ako. Nakakarating ako sa iba't-ibang lugar dahil sa mga tournament. Pero simula nung nag-HS ako, tinalikuran ko ang chess, because of him.

Napansin ata ni Sab na natahimik ako kaya bigla siyang nagsalita.

"Dahil parin ba sa kaniya kaya ayaw mo nang sumali? Siya parin ba?"

Deym. Sapul.

Oo. Siya parin naman hanggang ngayon eh.

"Look. I'm trying okay? Tsaka Sab, grade 6 pa kami noon. Crush crush lang yun. Hanggang dun lang. Okay?"

Mukhang nakumbinsi ko na siya. Nanahimik kami saglit tapos biglang nandilim yung paningin ko.

"What the f--"
"Guess who."
"Tristan!" Sabay yakap. "Eew! May pawis ka oh. Magpunas ka nga!"

"Sorry by. Galing akong court eh. Nagpa-tryout ako. Andaming magagaling ngayong school year. Sigurado akong magchachampion parin ang school natin."

"Really? That's good. Sige magpahinga ka muna. Call you later. I love you."

"I love you too by." Sabay kiss sa forehead.

That's Tristan. My boyfriend. Magtatatlong taon na kami. Varsity siya kaya yun pawis. Yes, my bf ako. I love him so much. Yung totoo ah? Kahit walang forever, love ko parin siya. So ayun.

Umalis na nga si Tristan. Umuwi narin kami ni Sab.

Pagdating ko sa bahay, bagsak agad ako sa bed ko. Kapagod kaya! Hirap nung exam eh. Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.

*fast-forward"

6 PM na nung nagising ako. Kaya heto, gutom. Kumain na ako at naligo tsaka nagbihis.

"Maaga pa, ano kayang pwedeng gawin?" Tanong ko sa sarili ko.

Nag-FB, Twitter, IG at Ask.fm nalang ako. Pag katapos ko, almost 10 PM na.

Ilalapag ko na sana yung phone ko sa side table ko nang biglang tumunog. May nag-chat.

It was him.

You're My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon