CHAPTER 3

2 0 0
                                    

"Paul! Tara laro tayo!"

"Sige! Pero saglit lang Mich ha? Ayokong mapapagod ka."

"Nako naman! Opo opo! Tara na. 1..2..3.. Taya!"

"Ang daya mo! HAHAHAHAHA!"

Ilang saglit pa ay napagod na kami ni Paul. Tinawag na kami nila mommy ko at mommy niya. Pinunasan yung mga likod namin dahil basa dahil sa kakalaro.

Ako nga pala si Michelle Jean Zamora. Grade 6 na ako. Parehas kami nung kababata ko. Paul Joseph Alarcon ang name niya. Lagi kaming magkasama dahil magkakaibigan ang parents namin. Malapit din ang family namin sa isa't-isa. Tuwing may event sila Paul sa bahay nila, lagi kaming pumupunta. Ganon na din samin. Sabay kaming lumaki. Parehas din kami ng school. Pero nung papasok na kami para mag-highschool, naghiwalay na kami.

Mature na kami ni Paul. Nakita iyon samin ng pamily namin. Ngunit siyempre ay kailangan pang mas mag-mold ang isipan at pagkatao namin.

"Mich! Punta ka sa birthday ko ha? May surprise ako sayo."

"Huh? Ikaw may birthday tapos ikaw yung may surprise sakin?" Sabay halakhak.

"Uhm oo. Okay lang yan. Sana magustuhan mo."

Dumating na nga ang kaarawan ni Paul. Pumunta kaming pamilya sa mansion ng mga Alarcon. Simple lang ito ngunit elegante. Nandun na din ang iba pa nilang bisita. Ang angkan ata ng buong Alarcon ay nandirito ngayon.

Kumaway ang magulang ni Paul samin nila mommy. Ang iba kong kamag-anak ay umupo na sa mga lamesang nakahanda para sa aming pamilya. Nagpaalam ako sa parents ko at parents ni Paul na pupuntahan ko muna siya.

Naabutan ko si Paul sa garden nila. Dun sa medyo madilim na parte. Kung wala ang konting liwanag galing sa malapit na fountain nila ay hindi ko siya maaaninag.

"Paul! Happy birthday! Eto gift ko sayo oh. Sana magustuhan mo."

"Thank you Mich. Lahat naman gusto ko basta galing sayo."

"Oh, bakit ka nga pala nandito? 'Di ba dapat nandoon ka sa loob? Birthday mo pa man din."

"May iniisip lang ako Mich. Kumain ka na ba? May carbonara don at pizza. Yung favorite mo."

"NATIN Paul. Favorite natin. Uhm hindi pa eh. Hinanap kita para ibigay yang regalo mo bago ako kumain. Ano, tara na."

Akala ko sumunod si Paul sakin ngunit nang lingunin ko siya at nakatayo lang siya doon sa pwesto niya. Parang may gusto siyang ipahiwatig kaya lumapit ako sa kaniya.

"Paul? Ayos ka lang?"

"U-uhm M-mich. Alam ko mga bata palang tayo. Alam ko na pag sinabi ko ito sayo hindi ka maniniwala. Pero kasi, h-hindi ko na kayang itago s-sayo yung n-nararamdaman ko...."

"Mich... I love you."

Hindi ko ineexpect na ganon ang sasabihin niya sakin. Tama siya. Bata pa kami. Ngunit hindi ko naman maikakaila na pareho kami nang nararamdaman sa isa't-isa.

"I love you too, Paul."

"W-what? I.. I mean, r-really? Tama ba ang dinig ko Mich?"

"Y-yes Paul."

Humakbang siya sakin at niyakap ako. Pareho kami nang nararamdaman. Hindi ako makapaniwala. Pumasok kami sa loob at hinanap ang mga magulang namin.

Sinabi namin sa kanila ang aming nararamdaman. Noong una ay nagulat sila ngunit natuwa naman sila agad at natuwa sila sa amin ni Paul.

Graduation namin ni Paul ngayon. Ngayong maghihighschool na kami, magkaiba na kami ng school. Kaya naman ay nagplano ang parents namin ni Paul na magbakasyon sa Boracay. Sumakay kami sa cruise nang mga Alarcon.

Papunta sa deck ng cruise para magpahangin ngunit narinig ko ang parents ni Paul na nag-uusap ng seryoso.

"Paul! You're too young! Kakagraduate niyo palang ng ELEMENTARY. Sa tingin mo tama ito? I'm not saying that I don't like Michelle to you, but son, don't you think that you both are too young for this?"

Sabi nang daddy ni Paul. So nandun rin siya kasama ng mommy niya.

"Dad, I understand but, I love her. I love you both, mom and dad, but I love Michelle too. I know, bata pa kami. Pero dad, alam ko sa sarili ko na--"

"Paul, please, makapaghihintay naman yan eh. Someday, if kayo talaga, then kayo talaga. But for now, huwag muna please? Paul, I'm your mom. I just want what's best for you dear."

Hindi ako makahinga sa sinabi ng parents ni Paul. Nasasakal ako. Nangingilid na ang luha ko. Mas pinili kong manahimik para hindi nila malaman na nandito ako.

"Son, please. Gusto ko lang na madisiplina ka. Just like your mom, I also want what's best for you too. Leave Michelle. Kung pwede na kayo, ako mismo ang susuporta sayo. If you truly love her, you will let her go."

Nagkaroon nang katahimikan sa kanila. Naiintindihan ko sina tito at tita. Ngunit nasasaktan parin ako kahit alam ko yung situation nila. Bata pa kami, oo. Pero iba 'to eh. Alam kong iba 'to.

"O-okay dad. But promise me, you'll help me."

"You have my word."

Boom. Unti-unti nang tumakas sa mata ko ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Biglang nagwala ang puso ko. Parang tinutusok ito nang sandamukal na kutsilyo dahil sobrang sakin na marinig yun sa kaniya mismo. Akala ko kaya niya akong ipaglaban. Akala ko mahal talaga niya ako ngunit hindi pala! Naniwala ako sa kaniya ngunit iiwan niya rin pala ako. Nangako siya ngunit binasag niya ito. Durog na durog. Pinong-pino.

Sinubukan kong maging normal sa buong bakasyon na iyon hanggang sa makauwi na kami. 3 days nang makabalik kami dito sa bahay ay nagtext sakin si Paul na gusto niya raw makipagkita at may mahalaga raw na sasabihin.

I guess, eto na yon.

"Mich, I'm sorry. You don't deserve me. Nasabi ko lang yung mga yon noong birthday ko dahil masaya ako. Hindi talaga kita mahal. I'm sorry. I have to go."

Yun. Yun na yun. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Nasabi na niya. Masakit. Sobra. Ngunit alam ko, kaya ko ito.

Pinanganak ako nang wala ka sa tabi ko. Hindi ka naman oxygen na pag nawala ay ikamamatay ko.

You're My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon