Chapter 1

155 9 5
                                    

" Where are you going, sweetheart? " tanong sakin ni James pagkababa na pagkababa ko. Nanunuod sya ng tv dito sa sala ng bahay nya!

" I'm going home.. " sagot ko sakanya atsaka nagpatuloy sa paglalakad pero bago ako makalabas ng tuluyan, ramdam kong sumunod sya sakin at hinawakan ng mahigpit yung braso ko dahilan para lingunin ko sya! " L-Let me go! N-Nasasaktan ako, James! " sigaw ko pero mas hinigpitan nya pa yung pagkakahawak sa braso ko at tiningnan nya ko ng ubod ng sama! Kinabahan na ko.

" Let you go? " gigil na tanong nya.

" U-Uuwi lang ako s-sandali sa bahay.. " takot na sambit ko sakanya at nanginginig talaga yung labi ko!

" Why? "

" K-Kukuha lang ako ng d-damit. " sagot ko sabay tumungo. Di ko matagalan yung nanlilisik nyang tingin!

" Why are you stuttering? " di ako nakasagot. Napa ouch naman ako sa sakit nung bigla nya kong sampalin ng malakas. Malakas na malakas! " You're lying! " sigaw nya at napasigaw naman ako dahil bigla nya kong sinabunutan at hindi nya binibitawan yung mga buhok ko.

" Nasasaktan ako, James.. Please.. E-Enough.. I'm not lying to you.. The t-truth is, magbobonding lang k-kami n-nila Arisse sa m-mall.. " pagsasabi ko ng totoo.

Unti unti nyang binitawan yung buhok ko at hinawakan nya ko sa magkabilang balikat ko. " No boys allowed to approach you except to me, huh? " malambing ang tonong tanong nya pa at wala sa sariling napatango naman ako atsaka sya ngumiti. " Then go.. I love you, sweetheart.. " sabi nya pa then ginulo yung buhok ko and he give me a peck in my cheek.

Ganyan sya ka moody.. At ang kinatatakutan kong mood nya is yung mga time na hinahabol nya talaga ako ng kutsilyo dahil nalaman nya lang na tinanong yung pangalan ko ng isa sa mga guy nung nasa bar kami nila Arisse.

Alam kong wala na sya sa tamang pag iisip pero di ko sya maiwan-iwanan-- dahil mas malaking gulo yun..

Tuluyan na agad akong lumabas ng bahay nya bago pa ulit magbago yung isip nya. Dali dali akong pumara ng taxi at agad na sumakay don!

Pagdating ko sa mall, dumiretso na ko sa Dressy, botique sya. Dun kasi yung usapan namin na meeting place.

Where are they na kaya?

Tumingin tingin ako sa paligid ng biglang--

" Kaaaaath! " may sumigaw sa pangalan ko kaya napatingin ako sa bandang likuran ko.

" Girls! " at saka ako tumakbo papalapit sa kanila.

" Long time no see. Nagmuka kang losyang, Kathy Girl.. Ano bang pinaggagawa sayo ng jowa mong baliw? " tanong sakin ni Chienna na tiningnan pa yung kabuuan ko at parang diring diri na tumingin sa mga mata ko. " Ang layo mo na sa dati, swear! " at tinaas nya pa yung kanang kamay nya.

My Killer SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon