Chapter 2

89 9 3
                                    

KATH POV*

Pilit akong kumakawala sa mga tali ngayon na nakatali sa magkabilang paa at kamay ko na nakakabit ang tali sa apat na sulok ng kama.

Pagkagising ko, nasa ganitong sitwasyon na agad ako. Ewan ko kung bakit, di ko rin alam kung pano.

Ang alam ko lang, may kinalaman si James dito.

" James, p-please pakawalan m-mo na ko! " pagmamakaawa ko. Wala sya dito sa kwarto pero umaasa akong maririnig nya ko at maawa sya sakin. Natatakot na talaga ako.

Kahit anong gawin ko, di ako makawala. Sadyang mahigpit yung pagkakatali. Wala na kong magawa kundi umiyak nalang.

" P-Parang awa mo na, J-James.."

Nadinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako sa gawing yun. Si James

na may hawak na tray na punong puno ng pagkain.

Lumapit sya sakin na ngiting ngiti pero nung tuluyan na syang nakalapit, napalitan ang ngiting yun ng pagtataka.

" Sweetheart, bakit mo tinali yung sarili mo? " takang tanong nya pa at nilapag yung tray sa side table ng kama ko.

Bakit ko tinali yung sarili ko? Nababaliw na ba sya? Ah I forgot. Matagal na pala syang baliw. Literal na baliw.

" P-Pwede ba James, pakawalan mo na ko.. " umiiyak pa ding pagmamakaawa ko.

" Sino ba kasing nagtali sayo nyan? " natatawang tanong nya pa habang magkacross yung dalawang braso nya sa tapat ng dibdib nya.

" I don't know.. But I'm s-sure na i-ikaw. " utal na sagot ko sakanya.

Lumapit sya sakin nang nanlilisik ang mata atsaka marahas na hinawakan ako sa panga!

" SINISISI MO BA KO!? ANG AYAW KO SA LAHAT, YUNG SINISISI AKO SA BAGAY NA GINAWA KO NAMAN! " Nanggagalaiti nyang sigaw sa muka ko mismo.

Sira ulo na talaga sya.

" H-Hindi g-ganon hang hibig kong shabihin. " di ako makapagsalita ng maayos dahil dinakma nya yung muka ko at nilapirot yun.

Ilang sandali pa, tumayo na sya at nagpagpag ng t-shirt nya. " Sa susunod kasi, wag ka magpapatali sa sarili mo. " nakangiting sabi nya at nagsimula na nyang tanggalin yung pagkakatali nya sakin.

Sanay na akong ganyan sya ka weird. Pero tiyaga tiyaga lang talaga kung ayaw ko pang mamatay.

NADINE POV*

" Babe, E kung ipapulis na kaya natin yung boyfriend ni Kath? Kung nakita mo lang kasi sya yesterday, maaawa ka talaga sa itsura nya. " sabi ko kay DJ pero sya nanatiling tulala pero bakas ang pag aalala sa muka nya.

" B-Babe.. " inuga ko pa sya ng marahan at gulat naman syang napatingin sakin.

" A-Ano yun? " gulat pa ding tanong nya.

Nginitian ko nalang sya ng pilit. "Nevermind.. " sagot ko nalang sakanya at nagtuloy na sa pagkain.

Lagi nalang syang ganyan. Kundi tulala, di makausap ng matino, laging tahimik nalang. Pag tatanungin ko sya kung bakit ganyan sya, magagalit sya sakin at ako pa ang susuyo sa kanya para lang magkabati kami.

Di na din nya kong sinasabihang I love you.. unlike before na halos minuminuto pinaparamdam nya sakin na mahal nya ko.

Nagbago na nga sya pero mahal na mahal ko pa din sya kahit ano pang pagbabago ang mangyari sa kanya.

Wag lang syang magbabago ng minamahal! Di ko talaga alam ang magagawa ko dun sa babae pag nalaman kong may iba ng mahal si DJ. Di ko ata kakayanin yun.

" Are you done eating? " tanong ko sakanya nung nakita kong nagpupunas na sya ng tissue sa bibig. Tumango naman sya sakin at pilit na ngumiti. " So? Let's go na? Gabi na rin. Baka hinahanap na ko nila Chienna." sabi ko at saka tumayo. Tumayo na rin ako at nagdiretso na kami sa parking lot.

Buong byahe kaming di nagiimikan. Seryoso lang syang nakatingin sa daan habang ako, ilang na ilang na. Ang cold nya! x(

Inihinto nya na yung kotse sa tapat ng bahay namin nila Arisse. Hmm? Magkakasama nga pala kami sa iisang bahay. Si Arisse, Si Chienna, Si Ate Cha, ate yun ni Chienna at ako. Si Kath lang talaga yung nahiwalay samin kasi nga nakakatakot kung magalit yung boyfriend nya pag di nasusunod yung gusto! Natural na baliw!

" Bye, babe. I love you.. " sabi ko at hahalik dapat ako sa pisngi nya pero laking gulat ko nung iniiwas nya ang muka nya.

Napapahiyang napatungo nalang ako atsaka pilit na nginitian nalang sya and then bumaba na sa kotse nya.

Nagwave pa ko, sign of goodbye pero pinaharurot na nya yung kotse paalis.

Di na maipinta yung itsura ko nung pumasok ako ng bahay namin.

" Magandang gabi, Nadyaaaa! " napatakip nalang ako ng tenga ng umalingawngaw yung sigaw na yun sa buong kabahayan. " Oh? Anong itsura yan? Para kang inutangan ng sampung milyon! " sigaw pa nya.

Sumalampak naman ako sa sofa at minasahe yung sentido ko. Nasstress na ko.

" Hoy babaita! Baka may balak kang magsalita? " sarcastic na tanong nya pa habang nakapamewang sa harap ko.

" Wag ngayon, Ate Cha. Masakit ulo ko e. " pakiusap ko sakanya at tinaasan nya lang ako ng kilay.

" Okay.. Okay. Kung gusto mong kumai--- " I cut her words.

" Kakatapos ko lang kumain. " bored na sabi ko sakanya.

" Okay.. Matulog kana. Si Arisse at yung kapatid kong sabog, tulog na sa kwarto nila. Magpahinga kana.. Bukas kita gagambalain bwahahahaha! " tumawa pa sya ng nakakaloko bago umalis at umakyat na sa taas. Matutulog na ata.

Tsa! Parehas silang abnormal magkapatid. Nasabi ko na bang magkapatid si Chienna at Ate Cha? Well, magkapatid nga sila.

Nagpahinga lang ako ng onti bago umakyat sa kwarto ko. Naligo lang ako at natulog na.

____________________.

Sorry for the short update, babawi ako. :) Nadine on the multimedia. >:"D
Vote, Comment and Promote! Salamaaaaaat! :D
-cuttieng

My Killer SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon