KATH POV*
" Where have you been? " gulat na napalingon ako sa likod ko nung biglang may nagsalita.
" S-Sa Pampa--- AHHH! " di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi tinulak nya ko ng malakas dahilan para mapasigaw ako sa sakit. Tumama pa sa likod ko yung doorknob!
Nag uumpisa nanaman sya at paniguradong bugbog nanaman ang aabutin ko!
" Sinong may sabing pumunta ka sa mga kaibigan mong nakatira sa outer space!? " sigaw nya sa mismong muka ko. Amoy na amoy ko na yung mint nyang hininga!
" A-Ano bang sinasabi m-mo, James? Uhh! " ang sakit pa din nung likod ko. Thefck.
" MAY NAKAPAGSABI SA AKIN NA PUMUNTA KAYO NG IBANG PLANETA! BAKIT DI KA NAGPAALAM?! BAKIT DI MO KO SINAMA? BAKIT!? " Nanggagalaiting tanong nya at nanlilisik talaga yung mga mata!
" D-Di ko alam yung sinasabi mo.. " sabi ko at pinakita ko talaga sakanya sa pamamagitan ng expression ng muka ko na nasasaktan na talaga ako.
" Sa susunod.. isasama mo ko ah? Para makapagbonding kami ng mga aliens dun? Understand? " biglang naging malumanay yung pagsasalita nya at tinap nya pa yung ulo ko at hinalikan ako sa noo bago sya tuluyang umalis sa harap ko at lumabas ng bahay!
Di ko na alam ang gagawin ko. Baliw na talaga sya at hindi yun malulunasan kung di talaga sya magagamot. Pero babanggitin ko palang ang salitang doktor o kaya hospital , nagwawala na talaga sya. Muntikan na nya akong mabigti noon nung sinubukan kong i-convince sya na magpadoctor na. Kaya wala na kong lakas ng loob gawin yun ngayon.
Ngayon na parang mas lumala pa sya..
Umakyat na ko sa kwarto ko at sumalampak sa king sized bed ko. Pagod na pagod ako!
*BEEP*
Nagvibrate ang phone ko kaya dali dali kong inilabas yun mula sa bulsa ko.
From : Batman
Nakauwi ka ba ng maayos? Kamusta? May ginawa ba sya sayo?
From your future husband. :)Napangiti ako. Kinikilig ako e, bat ba? Hahaha!
To : Batman
As usual, ganun pa din ang drama ng buhay ko. I know na kabisado mo na yung mga nangyayari sakin. Bakit tinatanong mo pa? Haha!

BINABASA MO ANG
My Killer Sweetheart
Mystery / Thriller"Yeah, my sweetheart is a killer.." [ONGOING] © minzrryn 2016.