CHIENNA'S POV*
Nililigawan na ko ni Patrick since 6 months ago. Bale anim na bwan na syang nanliligaw. Pero pakshet lang!
Ginamit lang pala 'ko para lagi pa rin syang updated sa buhay ni Arisse! Kung di nyo naitatanong, ex ni Arisse si Patrick and di naman lingid sa kaalaman ko yun!
Kaya nga 'di 'ko sinasabi sakanila na nililigawan ako ni Patrick dahil ayoko namang sabihan nila ako na tinalo ko yung bestfriend ko.
" Ate, pasok na ko.. " bungad ko kay Ate Cha pagbaba 'ko pero tiningnan nya lang ako at saka muling tinuon yung pansin nya sa laptop nya. Nakaearphone sya, baka kavideo call si Kuya Zach.
Simula nung gabing niyaya ko silang magpunta ng bar, ganyan na sila sakin. Di na nila ko pinapansin.. Uhh--No! Si Ate Cha lang pala yung di kumakausap sakin. >__<
Nung palabas na ko ng pinto, natanaw ko na si Nadz na nasa backseat at si Arisse naman na nasa passenger's seat ng kotse ko.
Pumunta na agad ako palapit at saka sumakay sa driver's seat. " Hurry up na, Chie. Late na tayo for our first class, paktay nanaman tayo kay Ms. Olivar! " sabi ni Nadine na nasa backseat kaya tiningnan ko nalang sya through rear view mirror tsaka nagwink.
Balik school nanaman kami after sembreak TT____TT
Instart ko na yung engine and I drive as fast as I can.
" Chienna! P-Please naman oh! Kung sawa kana sa buhay mo at gusto mo nang magpatiwakal, wag mo kaming idama-- Huwaaa! " bigla pang sigaw ni Arisse nung bigla kong iniliko.
" Don't over act nga, Risse. Haha! Parang tayo nga lang yung nasa road e. " sabi ko. E kasi naman, wala pa nga namang ibang sasakyang andito sa Gretamelyanin Road ng ganito kaaga. 7am palang at mga nasa 10am pa ang dagsa ng vehicles dito.
" But merong mga trees and bangin pa yung nasa gilid natin for Pete's sake! Isang maling galaw mo lang.. " kumatok pa sya ng tatlong beses sa bintana. " .. patay tayo! Kaloka to! " katwiran naman ni Arisse kaya binagalan ko na yung pagmamaneho. Napatingin pa ko sa mirror at nakita kong nagcecellphone lang si Nadz sa likod. Sadyang OA lang talaga si Arisse.
Mas maganda naman ako kay Arisse, may sexy, mas mabait..
The truth is, kilala kaming apat nila Kath, Nadz, Arisse at ako sa school bilang war freaks. Pero di sa nagmamalinis pero ako yung pinakamabait. I don't drink beers and I don't smoke unlike them pero minsan lang din naman nila ginagawa yun.
Pero bakit di mo ko nagawang mahalin? Bakit sya pa rin, Patrick?
Sa loob ng anim na bwang panliligaw ni Patrick sa'kin, napamahal na sya sakin. Kahit patago lang yung pagkikita namin.
Ayun pala. Ginamit lang akong tulay para magkabalikan sila ni Arisse! Kaya pala lagi nyang tinatanong kung may boyfriend na ba si Arisse, sila Nadine at Kath.. Kahit alam naman nyang may dyowa talaga yung dalawang yun except kay Arisse. Parang naninigurado sya lagi at para di sya mahalata.

BINABASA MO ANG
My Killer Sweetheart
Misteri / Thriller"Yeah, my sweetheart is a killer.." [ONGOING] © minzrryn 2016.