KATH POV*
Umaga nanaman. Nagstretching pa muna ako and pumasok na sa CR para magtootbrush. Matapos kong mag ayos sa sarili, bumaba na ako diretso sa dining area para magbreakfast.
Meron nang nakahain pag dating ko dun. Bacon, egg, hotdog, ham, cereal and friedrice. Meron na ding glass of milk. Nakaayos na din yung mga plates.
Asan si James?
" Looking for me, huh? " napatalon pa ako dahil sa gulat nung biglang may bumulong sa tenga ko. Paglingon ko, si James. Lumayo naman ako ng bahagya at dun ko lang napansin na may hawak pala syang kutsilyo!
Lumapit sya sakin at umatras naman ako. Lapit sya ng lapit at atras naman ako ng atras. Hanggang sa maramdaman ko na ang pader sa likod ko at nacorner na nya ko!
Tinaas nya yung kutsilyong hawak nya at napapikit nalang ako. Hinihintay kong maitusok nalang saakin yung kutsilyong yun pero hanggang ngayon, bakit wala pa din?
Unti unti kong minulat ang mga mata ko at nakita kong nakangisi si James habang nakatingin diretso sa mata ko!
" J-Jame--- " di ko na natapos yung pagtawag sa pangalan nya kasi bigla na nya akong hinalikan. At sya din ang bumitiw sa mga halik nya.
" Sorry for everything.. I love you, sweetheart.. " sabi nya at di ko na kinagulat yun.
May mga time din kasi na matino sya at paulit ulit na humihingi ng tawad.
Batid kong mahal nya talaga ako at madalas lang talaga syang sumpungin ng sakit nya kaya nya nagagawang saktan ako at naiintindihan ko yun.
Nginitian ko nalang sya ng matamis at sinenyasan syang kumain na kami.
Habang kumakain, nakatingin lang sya sakin kaya naman ilang na ilang ako sa t'wing susubo ng pagkain.
" Why are you looking at me? " tanong ko sakanya matapos kong lunukin yung kinakain ko.
Ngumiti sya. Yung ngiti ng totoong James. Yung ngiti na katulad nung dati.. Yung ngiti na miss na miss ko ng makita.. Yung ngiti na nakapagpafall sakin..
But I'm so sorry, sweetheart.. Ibang ngiti na ang gusto kong makita.. Ibang tao na yung mahal ko.. At hindi na ikaw.
" 'cause you're beautiful.. " sagot nya at napangiti naman ako. Yung natural kong ngiti.
Sana ganyan ka nalang lagi.. Hindi dahil sa sinabihan mo kong maganda kundi dahil alam kong yan ka talaga.. Sana mawala na yung sumpong mo at bumalik kana sa dati.. Baka sakaling mabaling ulit sayo yung nararamdaman ko pero mukang malabo na yun.. Dahil ano mang oras ngayon, aatakihin ka nanaman ng sakit mo.. na kahit pigilan.. hinding hindi mo kayang labanan..

BINABASA MO ANG
My Killer Sweetheart
Tajemnica / Thriller"Yeah, my sweetheart is a killer.." [ONGOING] © minzrryn 2016.