Liham

43 4 0
                                    

Kahit pa noong simula,

Ika'y hindi na nawala.

Tila isang maningning na tala -

Isa kang tunay na pagpapala.

Lahat ng aking pighati,

Pati luha'y pinawi.

Ang dulot mo'y ngiti,

Sayang hindi mapapawi.

Madapa man at masugatan,

Paulit ulit man akong masaktan,

Basta't ikaw ay nariyan,

Lahat ay aking makakayanan.

Salamat sa lahat -

Sa pagmamahal mo nang tapat.

Kakulangan ko'y pinuno mo,

Mananatili ka lagi sa puso ko.

Lahat ng ito'y hindi ko man nasabi,

Hindi mo man narinig mula sa aking mga labi,

Alam kong nariyan ka - palagi sa aking tabi,

At mahal kita, Ina. Hanggang sa muli.

---

This one's for my mom. :)

i'm too lazy to think of a title but this is a compilation of poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon