Paalam -
Ayokong bigkasin pero kailangan nang gawin,
Hindi para sa sarili ko ngunit para rin sa atin.
Lisanin ka ay talagang kay sakit sa damdamin
Ngunit anong magagawa ko? Ramdam kong 'di ka na akin.Paalam -
Isang salita lang pero bakit kay sakit?
Pagsambit nito'y ang dulot sa'kin ay pait.
Nasaan na ang pangakong sa mga puno'y ating inukit?
Nilimot na lang ba nang nakakita ka ng pamalit?Mahal, paalam -
Pero sana'y dinggin mo ang munti kong sigaw -
Na hindi ko ninais na bigla na lang bumitaw.
Ngunit wala nang magagawa kahit ano pa mang gawing hiyaw -
Wala na akong magagawa ngayong ikaw na ang umayaw.
BINABASA MO ANG
i'm too lazy to think of a title but this is a compilation of poems
PoesiaWrite down your thoughts before it tear you up inside.