Patawad -
Ito'y salitang hindi ko ninais na marinig mula sa'yo
Sapagkat kailanma'y hindi ko naisip na ako'y iiwan mo.
Hindi ba't nangako kang iingatan mo ako?
Nasaan na ang pangako, ba't bigla kang lumayo?
Patawad -
Ilang ulit mong sinambit ngunit pakiusap lang, ayoko nang marinig.
Dahil sa bawat 'patawad', naaalala ko ang nawasak nating pag-ibig.
Ikaw ba'y wala nang papel at pangako'y inilista mo na lang sa tubig?
Kung aalis ka rin pala, bakit puso ko pa ay niyanig?
Patawad -
Siyang pakiusap mo pero hindi ko magawa.
Paano ba ang magpatawad kung ako'y iyong pinaluha?
Patawad ngunit dinulot mong sakit ay 'di na mababawi pa,
Patawad, ngunit patawarin ka'y hindi ko na magagawa.
- - - - -
BINABASA MO ANG
i'm too lazy to think of a title but this is a compilation of poems
PoesíaWrite down your thoughts before it tear you up inside.