CHAPTER ONE
I COUNTED one to ten again and again. Subalit sa tuwing umaabot ako sa pansampu ay muli akong naduduwag. I've never been this coward in my whole life. At hindi ko maipaliwanag ang kaba sa dibdib na lalo lamang nagpapahina ng aking loob.
For pete sake, Sonnie, you're wasting your time. Just do this, so you can go back to Manila!
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko at saka binuksan ang pinto ng kotse. Ngunit sinalubong ako ng malakas na hangin na tila itinutulak ako pabalik sa loob ng sasakyan. Or maybe it's only my imagination. Kung anu-ano na tuloy kawirduhan ang naiisip ko magmula nang tumapak ako ng Dipolog City.
"I wouldn't do this if had not for you!" Tumingala ako sa kalangitan na tila mayroon kinakausap. "This is your lucky day, Jella!"
Muli kong kinalma ang sarili at humugot ng malalim na paghinga. It's now or never. At bago pa tuluyan magbago ang isip ko ay mabilis akong bumaba ng kotse at tinanaw ang kumpol ng mga tao sa di-kalayuan. This time, wala na ang kaba sa dibdib ko ngunit hindi pa rin ang nawawala ang weird kong pakiramdam na tila mayroon hindi magandang mangyayari.
Tahimik ang buong paligid, tanging ang ihip ng malakas na hangin ang ume-echo sa akin pandinig. Subalit habang papalapit ang mga hakbang ko ay unti-unti akong nakakarinig ng mga iyakan at palahaw. Bigla akong huminto. Bumalik sa isipan ko ang nangyari mga limang taon na ang nakakaraan. Same scene, same event. Ang kaibahan nga lang ay magkaibang lugar at tao ang sangkot.
So many thoughts and emotions have flooded me at that moment. Subalit hindi ito ang tamang oras para roon. Pinilig ko ang ulo at saka inayos ang suot na sunglasses bago muling nagpatuloy sa paghakbang.
"Siya ang panganay na babae ni Celeste, hindi ba?" wika ng isang babae na umagaw sa atensyon ng lahat at halos magkakasabay na lumingon sa akin. May nagulat, namangha at hindi makapaniwala nang makita ako. Ang iba naman ay pagtataka ang nasa kanilang mga mukha.
"Dumating na pala siya mula Amerika."
"Buong akala ko ay hindi na siya magpapakita."
"Bakit ngayon lang niya naisipan umuwi?"
"Mabuti na lang at nakahabol pa siya sa libing ng kanyang ina."
Taas-noo na nilagpasan ko ang mga ito na tila walang naririnig. Ayokong magpaapekto ngunit unti-unti kong nararamdaman ang panlalamig ng aking mga palad sa kabila ng maalinsangan panahon.
"Bakit nandito ka?" tinig iyon ng isang lalaki na hindi ko binigyan pansin. Ang pokus ko ay nasa harapan, kung saan ay nakahimlay ang mga labi ni Celeste.
"Hindi ka dapat nagpunta rito!" He grabbed my arm and pulled me back. I stared at him in disbelief. Sa sobrang tangkad niya ay napilitan akong tumingala. He has a strange full facial hairs, as if no intention of shaving. He looks familiar but I couldn't recognize his face.
"You're not welcome here!" mahina ngunit mariin niyang wika. Ramdam ko ang paghigpit ng kanyang kamay sa aking braso.
"I-ikaw?" Isang may-edad na babae ang umagaw sa aming atensyon. Namimilog ang kanyang mga mata habang titig na titig sa aking mukha. Pagkaraan bigla niya akong sinunggaban at mahigpit na niyakap. I stiffened. Bukod sa nagulat ako ay hindi ko kilala kung sino siya.
BINABASA MO ANG
The Stranger In Me
RomanceSonnie knew that it's hard to pretend to be someone you're not... Especially as her own sister. Identical twin man silang dalawa ni Jellla, hindi iyon sapat para akuin niya ang buhay na iniwanan nito. Subalit ang magpanggap lamang ang tanging paraan...