Chapter Eight: Secrets and Lies

14K 375 39
                                    

CHAPTER EIGHT

NAGHAHANDA na akong matulog nang mapadaan sa harapan ng vanity mirror. Pinagmasdan ko ang sariling repleksyon at wala naman akong nakitang pagbabago maliban sa pangingitim ng ilalim ng mga mata. Gayunpaman ay nagawa ko pa rin ngumiti dahil sa tuwing nakikita ko ang sarili ay para ko na rin nakikita si Jella.

"I miss you and how I wish you are here," I said to myself as if talking to her. Sa tuwing gusto ko siyang makausap ay iyon ang madalas kong ginagawa. Lalo na kapag mayroon akong problemang dinadala, o kaya naman kapag nalulungkot ako at nag-iisa. Sa paraan iyon kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko.

"Do you think I'm doing the right thing? Ito ba talaga ang gusto mong gawin ko?" I'm still puzzled. Habang lumilipas ang mga araw, parang wala naman akong nakikita na magandang resulta sa ginagawa kong pagpapanggap.

"Hindi ako masaya... At kahit siguro ano pa ang gawin ko ay hindi ako magiging masaya. Alam mo kung bakit? Because this is empty." Sabay turo sa tapat ng aking dibdib. "My life is worthless without you."

Napaatras akong bigla nang magbago ang repleksyon ko sa salamin. Bagaman iyon pa rin ang itsura ko, sigurado ako na hindi ako iyon.

"Sonnie!" Muli akong napaatras. The woman in the mirror called me.

Jella? Alam kong imposible pero siya talaga ang kaharap ko ng mga oras na iyon. Then she raise her hand and suddenly grab me. Sa pag-iwas ko ay natumba sa akin ang malaking salamin at kasabay kong bumagsak sa sahig. Sinubukan kong bumangon, subalit habang kumikilos ako ay lalo lamang bumibigat ang malaking bagay na nakadagan sa akin. Hanggang sa unti-unti na akong nauubusan ng lakas at nahihirapang huminga.

Tulong! Halos hindi iyon lumabas sa aking bibig. Nanghihina na ako at gusto ko nang sumuko.

"Umalis ka dito!" Isang mahiwagang tinig ang nagpamulat sa aking mga mata. Napabalikwas ako ng bangon nang ma-realize ko na panaginip lang pala ang lahat. Nagbaba't taas ang aking dibdib habang patuloy sa paghahabol ng hininga. Parang totoong-totoo. Sa katunayan hanggang ngayon ay ramdam ko ang pananakit ng dibdib na tila mayroon dumagan sa akin.

Mabilis na lumipad ang mga mata ko sa kinaroroonan ng vanity mirror. Naroon pa rin ito at nananatiling nakatayo. Maliban sa mga nahulog na unan sa sahig ay wala naman nagbago sa kabuuan ng kuwarto. Right! Panaginip lang talaga.

Tila nanghihina na bumangon ako at lulugu-lugo na tinungo ang pintuan. Nanunuyo ang aking lalamunan at gusto kong uminom ng maraming tubig. Ngunit bago ko pa mapihit ang doorknob nang mapansin ko na hindi iyon nakasara. Ang nakakapagtaka lang ay ugali kong mag-lock ng kuwarto sa lahat ng oras.

Wala sa loob na nilingon ko ang mga nagkalat na unan sa sahig. How come na nahulog ang mga iyon mula sa kama gayon hindi naman ako malikot matulog? Ayokong maging paranoid, pero may hinalang pumasok sa akin isipan.

"Ate!" Si Adrian nang makasalubong ko sa pasilyo. Sa maiksing panahon ay ang laki ng kanyang pinagbago. Nakakangiti na siya ngayon at kinakausap ako.

"Hindi ka ba pumasok sa klase mo?" Kunot-noong tanong ko at saka sinulyapan ang suot na relos. Mag-aalas-otso pa lang ng umaga.

"Ate, sabado ngayon. Walang pasok." Natatawa pa niyang sagot bago nagtuloy sa sariling niyang kuwarto.

Wala na si Adrian sa paningin ko pero nanatili pa rin akong nakatanaw sa dinaanan niya. Sa kanilang lahat, siya ang pinakamalapit na silid sa akin.

What the! Hindi ko inaasahan ng bigla na lamang akong pitikin ni Clyde sa noo. Hindi ko kasi napansin ang pagsulpot niya mula sa komedor.

"Just checking if you're already awake," he said with a poker face and left as if nothing happened. Pinagtitripan ba niya ako?

The Stranger In MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon