Chapter Twenty One: Finale

5.4K 188 27
                                    

A/N:
Final chapter. Thank you so much for supporting this story to the very end.

CHAPTER TWENTY ONE:

"MORNING!" Masiglang bungad ni Clyde sa pintuan. Hindi ako sigurado kung inabangan ba niya talaga ang paglabas ko o nagkataon lang na naroon siya sa tapat ng aking kuwarto.

Morning ka d'yan. Hapon na kaya!

Tila wala akong nakita na nilagpasan ang binata at dumiretso ng hagdan patungo sa komedor. Wala pa sana akong balak bumangon kung hindi lang ako nakaramdam ng gutom. At nagulat pa ako nang masulyapan ang oras sa screen ng cellphone. Mag-aalas dos na pala ng hapon.

Kasalanan ito ni Clyde! May insomia na nga ako, nakidagdag pa ang 'sudden confession' niya. Tuloy sumisilip na ang araw sa kalangitan ay dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Mag-aalas sais na yata ng umaga nang tuluyan akong dalawin ng antok.

And speaking of the devil. Alam naman niyang pupunta ako sa komedor pero pilit pa rin siyang nakipag-unahan sa akin. Hindi pa siya nakuntento at sinadya pa niyang harangan ang daraanan ko. Sa laki at lapad ng kanyang katawan ay halos sakupin na niya ang buong pintuan.

"Nagugutom ako. Tumabi ka kung ayaw mong ikaw ang kainin ko!" 

"Then try me!" nakakalokong sagot ni Clyde. Akala siguro niya ay nakikipagbiruan ako sa kanya.

"What do you want to eat? Ipagluluto kita," biglang kambiyo niya nang mapansin na hindi maganda ang gising ko. Sa halip na sumagot ay lalo ko siyang sinimangutan.

"Pinagtabi ka nga pala ni Tita Amelia ng pagkain. Initin mo na lang kung gusto mo," nakangiti pa rin na sabi niya na inalis ang pagkakaharang ng kanyang katawan sa pintuan at nagbigay-daan sa akin.

Agad kong nilapitan ang mga pagkain sa ibabaw ng mesa at nagsimulang kumain. Bago ko pa namalayan, wala na pala si Clyde sa paligid. Sa mga oras na iyon ay dalawa lang ang kailangan ko. Una ang pagkain at pangalawa ay ang mapag-isa. Sapat na ang mga iyon para gumaan ang mood ko at magkaroon ng peace of mind.

"Gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape?"  

Muntikan ko nang maibuga ang kinakain sa pagsulpot na iyon ni Clyde. Nagmamadali naman nitong inaabot ang baso ng tubig sa akin sa pag-aakala na nabulunan ako. Iritado na itinulak ko ang kanyang kamay.

"Can you please leave me alone for a while?" Hindi man lang ako nag-abala na tapunan siya ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Subalit napasama yata ang pag-iignora ko dahil mukhang pursigido si Clyde na agawin ang atensyon ko. Hinila niya ang upuan at pumuwesto sa aking harapan.

"Have you ever thought about it? Hmmm?" nakapangalumbaba na tanong niya habang pinapanood akong kumain.

Doon ako nag-angat ng mukha at saglit na dumaan sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin kagabi. Naramdaman ko na lang ang pag-iinit ng mga pisngi. He didnt even let me eat in peace. So annoying!

Napasinghap si Clyde ng malakas nang sipain ko sa ilalim ng mesa.

"Buwisit ka! Umalis ka sa harapan ko at baka hindi ako matunawan sa'yo!" Sa inis ay muli ko siyang sinipa at natatawa naman itong umiwas. Tila nasisiyahan pa ito na makita ang pamumula ng mukha ko.

Napilitan akong iwanan ang pagkain. Kung hindi ko gagawin ay baka tuluyan akong sumabog. Sa pagmamadali na makalabas ng komedor ay napatid ako sa nakaharang na silya. Muntikan na akong matumba kung hindi naging maagap si Clyde subalit nag-landing naman ako sa kanyang kandungan.

"Back off!" banta ko nang maramdaman na pumulupot sa akin ang kanyang mga braso.

"Relax..."

"Clyde!"

The Stranger In MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon