Chapter Nineteen: Real Family

8.4K 231 35
                                    

CHAPTER NINETEEN

BAGAMAN walang kibo ay hindi naman ako mapakali sa aking kinauupuan. Naroon tumayo ako at magpalakad-lakad sa buong silid para lang muling maupo.

"Madam, nahihilo na ako sa'yo!" reklamo ni Eric. "Hindi ba puwedeng manatili ka na lang sa isang tabi?" Isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya dahilan para itikom niya ang kanyang bibig.

"Sonnie, relax okay?" Si Gabby na hindi rin mapakali sa kanyang kinauupuan.

"Tell that to yourself!" angil ko at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Hindi ko na mabilang kung nakailang baso na siya ng kape magmula kanina. Naroon maglabas-masok siya ng silid at sa tuwing bumabalik si Gabby ay may bitbit na ulit siyang umuusok na kape sa papercup.

Halos magkakasabay na lumipad ang aming mga mata nang tumunog ang telepono sa ibabaw ng mesa. Akmang sasagutin ko na sana iyon subalit naunahan ako ni Eric. Halos hindi ako humihinga habang nakamasid sa kanya na panay lamang ang sagot na 'okay' sa kabilang linya.

"Si Cassandra ba ang tumawag?" mabilis na tanong ni Gabby bago ko pa maibuka ang bibig matapos maibaba ni Eric ang receiver. "What? Huwag mo na kaming i-suspense. Sabihin mo na sa amin bilis!"

Tumingin sa akin si Eric at may pag-aalinlangan na sumagot. "Madam, may dumating daw akong delivery sa ibaba galing kay Shopee," aniya at saka nagmamadaling lumabas ng pintuan. Nanlulumo na napabalik ako sa kinauupuan. Magkakasunod na mura naman ang lumabas sa bibig ni Gabby.

"I can't wait any longer. Hindi ko na talaga kaya!" Inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa at pagkaraan ng ilang sandali ay muli siyang napamura. "Out of coverage ang number ni Cass. Nananadya ba talaga siya?"

We're not allowed to use our cellphones. Iyon ang mahigpit na bilin ni Cass at hintayin ang kanyang tawag sa telepono. Subalit halos tatlong oras na ang nakakalipas ay wala pa rin kaming update na natatanggap mula sa kanya. Lalo lamang kinakain ng takot at kaba ang sistema ko na hindi ko malaman ang gagawin sa sobrang pag-aalala para kay Clyde.

Bagaman sinabi ni Cass na wala akong dapat ipag-aalala, hindi ko pa rin maiwasan lalo na at kaligtasan ni Clyde ang nakakasalalay. Kung bakit naman kasi naisipan ng lalaking iyon na ipain ang kanyang sarili? Akala ba niya ay matutuwa ako sa ginawa niyang iyon?

Napapitlag ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Napatingin ako kay Gabby nang lumitaw sa screen ang isang unregistered number. Parang nahuhulaan ko na kung sino ang caller.

"Hello..." Bungad ko sa kabilang linya at hindi nga ako nagkamali ng hinala nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon ni Jimmy.

"Wala ka bang balak tumupad sa ating usapan?"

"Usapan? Kailan tayo nagkaroon ng usapan? Puwede ba tumigil ka na dahil wala kang mapapala sa akin!" lakas-loob kong sagot. Sinunod ko lang ang bilin ni Cass na huwag makikipagnegosasyon kay Jimmy. Hindi raw iyon makakatulong.

"Baka nakakalimutan mo nasa akin ang lalaking mahal mo. Hindi ka ba nag-aalala na baka may gawin akong hindi maganda sa kanya?"

"Naniniwala ako na hindi mo magagawang saktan si Clyde."

Narinig kong tumawa si Jimmy. "At paano ka nakakasiguro?"

"Dahil sa oras na may mangyaring masama kay Clyde, ni singko ay wala kang makukuha sa akin."

Bago ko pa marinig ang isasagot ni Jimmy sa kabilang linya nang bigla na lamang agawin ni Gabby sa akin ang cellphone ko.

"Hoy lalaki, utang na loob tigilan mo na ang kaibigan ko kung ayaw mong baliin ko lang lahat ng buto mo sa katawan! Hello? Hello? Damn! Tama bang babaan ako?"

The Stranger In MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon