Nakita nyang maraming sasakyan ang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay. Bumagal ang kanyang mga hakbang, parang lalong tumindi ang kanyang pagod na nararamdaman. Nang makilala kung kaninong sasakyan ang nakatigil sa harapang ng bahay nila, tuluyan na syang napahinto at tumungo pabalik sa pinanggalingan.
Pagod na pagod sya sa maghapong pagtuturo sa eskwelahan. Napaka-active ng kanyang mga students. Pagdating ng hapon, tila pigang-piga ang kanyang enerhiya. Ngunit Pano sya makakapag pahinga kung Maraming tao sa bahay ni nila?
Nakita nya ang paparating na kotse na pag aari ng kanyang kababatang si Anne. Huminto ang sasakyan sa harapan nya at binabaan sya nito ng bintana
" K 'san ka pupunta?" tanong ng babae
" to your place sana "
sa salita palang ay nahalata agad ng kaibigan ang labis na pagod sa mukha ni K
"ah sige sumabay ka na sakin pauwi narin naman ako, where's your car pala?"" nasa bahay " mas gugustuhin pa ni karylle maglakad patungo sa bahay kesa magdala ng sasakyan. Pagdating sa bahay ng kaibigan agad sya nitong pinatuloy.
" K, dumiretso kana sa kwarto ni Ella, kalilinis ko lang nun"
"Thanks" nagtuloy na sya sa kwarto ni Ella kasunod si Anne upang masiguro na komportable ang kaibigan
"Nasan nga pala ang inaanak ko?"
"Alam mo naman yun kung nasan ang Daddy nya andun din sya" nakangiting sambit ni Anne
Nahiga si Karylle at nag palipas ng kaunting oras.Narinig nya ang pagdating ni Vhong at ang katuwaan ng pamilya. Si Vhong, High School gradute siya ang kaliwang kamay ni Mayor Tatlonghari sa bukid sya ang namamahala ng negosyo sa San Andres.
Simple lang ang buhay ni Anne at Vhong, minsan nga niingit sya kay Anne dahil may asawa at anak na ito mag aapat na taon na ang inaanak nyang si Ella. Siya hangang ngayon hindi nya alam kung san patungo ang kanyang buhay siguro tulad ng laging sinasabi sa kanya ni Anne tatanda na lang sya sa pagtuturo.
si Anne, Kababata at kaibigang matalik ni Karylle. Magkaklase sila nito mula elementary hanggang high school. Malayong kamag-anak ng mommy nya ang tatay ni Anne. Paaral ng dady nya si Anne hangang College. Sabay silang nag-college, parehong elementary education ang kinuhang course. Iyon nga lang, sa Polythecnic University of the philippines graduate si Anne, sya sa exclusive school for girls. Gusto sana nya magkasama sila ni Anne ngunit hindi pumayag ang mommy nya.
Thirty minutes lang sya nahiga , muli syang bumangon. Pinuntahan ang mag anak sa kusina at nag paalam na uuwi na sya.
"Naroon sina Congressman at Gob sa inyo may close door meeting yata sila." Pagbabalita ni Vhong
" nakita ko nga ang service nila kaya hindi muna ako umuwi"
"Ninang, nagpunta kami ni dad sa mall" singgit ni Ella
" ah, talaga marami kang nabili " Karylle said habang ginugulo ang hair ni Ella" yes ninang super dami" tumatalong sa kasiyahang sagot ng bata
Papasok palang sya ng bahay ay inihanda nya na ang sarili and she went to her room to fix herself , nag suot sya ng dress,naglagay ng katamtamang kapal ng make up at nag practice ng kanyang ngiti para naman disente syang haharap sa bisita ng kanyang ama.
Matapos magbigay ng instruction kay nanay rose na ihanda ang pagkain ay dumeretso sya sa library upang yayain ang ama at panauhin nito sa isang dinner
" daddy"
"Oh, karylle anak come here. " nagbigay galang sya sa tatlong panauhin ng ama, kilala nya na si Gob.Vilma Santos at Congressman Herbert Bautista, ngunit hindi nya kilala ang ikatlo at pinaka bata.
Tumayo si Mayor Tatlonghari at inakbayan ang anak at ipinakilala sa kanyang bisita "Billy, si Karylle, ang kaisa-isa kong anak. Karylle, si Billy ang anak ni congressman at running mate ko this coming election. Siya ang tatakbong vice mayor ko.
Nagkamayan ang dalawa, Ibingay ni Karylle ang best social smile nya sa binata habang unti-unting kinakalas ang kamay sa mahigpit na hawak ng lalaki.
"Totoo pala ang sabi nila, you're so beautiful " nabibighaning sambit ng huli, ginawaran naman sya ng matamis na ngiti ni karylle
"Dad, pwedeng kumain muna tayo later nyo nalang ituloy ang meeting nyo"
Natuloy ang usapan tungkol sa pulitika sa harap ng hapag kainan . Nahuhuli ni Karylle ang palaging pagtingin sa kanya ng binata, ngunit binabalewala nalang nya, sanay na sya sa ganoon at hindi ikinatutuwa ito, naiirita sya.
"Billy, are you with us" puna ni Gob. Santos
"May iinisip lang ako" sagot billy habang nakatutok parin ang atensyon kay Karylle.Natapos ang dinner at ipinag-patuloy ng apat ang kwentuhan sa garden habang naninigarilyo at umiinom ng wine. Nagkaroon naman ng chance si karylle na humiwalay sa tatlo at magtungo sa kwarto bumalik na lang sya ng marinig na paalis na ang mga bisita.
Gustong mairita ni Karylle sa walang katapusang pag papaalam ng bisita, lalo na si Billy "Hinihintay ka na kasama mo" malumay na sabi ni karylle. napakamot ng ulo si Billy " ah sige nice meeting you "
Nang makasigurong nakaalis na ang mga bisita nilapitan ni karylle ang ama at kinausap "Dad, akala ko ba last term nyo na?" Ang hindi mapigil na tanong ni karylle "hinihingi ng pagkakataon na ako lalaban ngayon"
"Diba may usapan kayo ni vice na sya naman ang susuportahan nyo" naguguluhang tanong ni karylle
" oo nga pero mahina pa si Atienza kayo ko pa syang talunin at sa isa pang kalaban " may galit na bigkas ni mayor. "sino?" kinakabahang tanong ni karyllle "Si Atty. Jose Marie Viceral" natuod si karylle ng marinig ang pangalang iyon bumalik ulit ang sakit at sugat sa kanyang puso.
BINABASA MO ANG
Still In The Past
FanfictionIsang nakaraan ang napukaw sa alaala ni Karylle nang magbalik si Jose marie Viceral na ngayo'y isang matagumpay na abugado. Muli'y nagbalik ang sakit na nilikha nito sa puso nya. Iniiwasan nya ang lalake ngunit Tadhana na ang gumawa ng dahilan upang...