Si Vice na ang unang natauhan. Isinubsob nya ang mukha sa buhok ng dalaga, Vice hug her tightly para pakalmahin ang sarili. Batid nito. Kaunting seduce ang madadala na ang dalaga, ngunit hindi iyon kayang gawin ni Vice sa isang katulad ni Karylle.Pulang-pula sa hiya si Karylle itinago nya ang mukha sa dibdib ng lalake, damang-dama ang matinding pagnanasa ng kayakap. Isang masuyong halik ang iginawad ni Vice sa noo nya.
Tinangkang ayusin ni Karylle ang sarili, ngunit nanginginig ang kanyang mga kamay. Kinuha ni Vice ang kamay nya "Let me..." Vice fix her dress and comb her hair using his fingers at dinampian nya ng halik si Karylle sa labi bago inakay papasok sa loob.
Pagpasok na pagpasok ni Karylle sa loob hinanap nya agad si Anne.
"Saan ka galing?" Ang curios na tanong ni Anne, kunot noong napatitig ito sa kanya.
"Sa labas. Nagpahangin. Gabi na uwi na tayo" hinanap nila si Solen at nagpaalam.
"Teka, ipahahatid ko na kayo kay Erwan" ani ni Solen
"No, Thank you. Mag tataxi nalang kami" tanggi ni karylle. Hindi nya namalayan na nakalapit na sa kanila si Vice.
"Bakit uuwi na kayo?" Ang tanong nito
"Ihahatid ko na kayo. Doon din naman ang way ko"
"Thanks" agad na sagot ni Solen sa offer ni Vice. Kasama ni Erwan ang mga kaibigan sa table at nagkakasiyahan baka ayaw nito mag paistorbo." K , Anne si Vice na mag hahatid sa inyo, kilala nyo naman si Vice diba? solen said
"Sino ba ang hindi nakakakilala sa pinaka-notorious ng mga Viceral" biro ni Anne
Anong notorious ? sabihin mo, pinaka gwapo Ang natatawang sabi ni Vice.
Oh sige na nga, baka hindi mo pa kami ihatid sang ayon ni Annehabang daan panay ang tuksuhan ni Anne at Vice, tahimik lang na nakikinig si Karylle. Saglit na sinulyapan ni Vice ang katabing dalaga, saka tumingin kay Anne sa rearview mirror "Talaga bang ganito ang kaibigan mo nakakabingi ang katahimikan?
"Ano ang sasabihin ko di ko naman kilala ang pinag uusapan nyo?" she defend
"Ay salamat may dila naman pala," Ang natatawang sabi ni Vice, sabay pisil sa hita ni Karylle.
Nagulat sya. Hindi iyon nakalampas kay Anne, kahit sa likod ito nakaupo.
"O, Vice. Ang pagmamaneho mo ang asikasuhin mo." Ang paalala ng dalaga.
Napahalakhak si Vice, habang pulang pula naman si Karylle.
"Saan ka nag-aaral ngayon?" Ang tanong ni Anne
"Sa FEU"
Napangiti si Anne, ngunit hindi na ito nag-comment, malapit na sila sa apartment. Pag hinto ng sasakyan sa may gate, hindi na nahintay ni Karylle na ipagbukas sya ni Vice ng pinto. Agad syang bumaba." Gabi na. Hindi ka na namin mai-invite pumasok. Salamat na lang." Ang nag mamadaling sabi nya. Hindi na rin hinintay ang sagot ng binata, agad syang tumalikod.
"liligawan ko ang kaibigan mo" ang sabi ni Vice kay Anne bago ito tuluyang umalis."Mukhang masama ang tama sayo ni Mr. Viceral" Ang pansin ni Anne pagkagaling nila sa party ni Solen.
"B-bakit naman?" Ang kinakabahang tanong ni Karylle kay Anne.
"Paano palaging malagkit ang tingin sa iyo. Tsinansingan ka kanina ano?"
Namula si Karylle at hindi magawang magkaila. "Pinisil nya ako sa hita" ang hiyang amin nya.
"Sabi ko na nga ba e, bet mo ba ang playboy na iyon, Karylle No match ka sa kanya. Nag bibilang yun ng girlfriend"
"Paano mo naman nalaman?" tanong ni Karylle. Gusto tumutol ng kalooban ni Karylle sa mga akusasyon ni Anne sa binata. Nasasaktan sya.
Karylle, galling iyan sa PUP Campus figure, sa kalokohan nga lang. Basta may gulo sa campus, asahan mo kasama sya. Member kasi sya ng frat. Nahulihan sya ng marijuana sa kotse kaya na kickout. Galing na iyan sa UP, sa LA SALLE nagsha-shopping ata ng universities. Matalino pa naman. Kasama ko yan sa speech club, walang tatalo sa kanya sa debate. Iyon nga lang napasama sa barkada. Sangkot pa iyan sa kidnap with rape
"Ano ang nangyari?" ang kabadong tanong ni Karylle.
Magaling na abugado ang ate ni Vice. Napalitaw nila gusto lang mag papera ng babae. Kasi nga mas matanda ang babae kay Vice. Blacksheep iyan ng pamilya. Lahat ng mga kapatid nakatapos ng pag-aaral, tanging si Vice lang ang lumitaw na sakit ng ulo nila. Palibhasa bunso at na spoiled ng super ng mga magulang. Kaya kung ako ikaw, matanawan ko lang ang hibla ng buhok nun tumakbo ka nang palayo. Mahirap na kung ano ang inamo ng mukha, sya naming ginulo ng buhay.------
Nagulat si Karylle nang paglabas nya ng school, nakaabang na si Vice sa may gate. Iiwas sana sya ngunit hinawakan sya nito sa siko. "Halika, ihahatid na kita." Dinala sya nito kung saan nakaparada ang kotse
"Paano mo nalaman ang schedule ko?"
Madali lang yun. Nagtanong ako sa registrar. Ang casual na sagot ng binata. Binuksan na nito ang pinto sa harapan at pinaupo sya bago umikot at sumakay sa drivers seat. Bago nito pinaandar ang makina, may inabot sa likuran ng kotse, isang bouquet ng red rose and a box of chocolate For you
Thanks inilagay nya iyon sa tabi.
Hindi mo manlang ba babasahin ang nakalagay sa card? medyo may tampo sa tinig ni Vice.
Walang kibong dinampot ni Karylle ang card sa sobre.
Totoo iyan ang marahang sabi Vice. Hindi na ako halos nakatulog sa buong magdamag sa kaiisiip ko sa iyo
Tumingin lang sa labas si Karylle Ihatid mo na ako
Pinaandar na ni Vice ang lotse, mabilis itong magpatakbo , lumulusot sa mga kasabay na sasakyan. Napahigpit ng kapit si Karylle sa dashboard, namutla pero nanatiling tahimik. Saka lang siya nagsalita nang mapansing lumagpas na sila Lagpas na ang sa amin ang kinakabahang sabi nya.
Magdi-diner lang tayo sa Shangri-la Plaza, ang tugon ng binata na hindi parin nagbabago ang pagtakbo ng kotse.Pumikit si Karylle, dasal siya ng dasal. Natatakot siya baka totoo ang mga sinasabi ni Anne. Baka kidnapin din siya ni Vice. Saka lang sya dumilat nang naipasok na ni Vice ang kotse sa parking lot.
Napahalakhak ito ng makitang pulang-pula si Karylle. Nerbyosa ka pala. Huwag kang mag-alala, kakain lang tayo,tapos ihahatid na kita hahawakan nya sana ito sa siko, ngunit mabilis siyang umilag.
Nasaktan si Vice . Karylle, magkalinawagan nga tayo. Kung ano man ang naririnig mo tungkol sakin, hindi naman ako ganon kasama. I admit, marami akong kalokohan pero hindi ka kabilang doon. So... please, relax. Hindi kita sasaktan. Kakain lang tayo
Hindi ba nakakahiya, naka-school uniform pa ako, dahilan ng dalaga.
Alright, kung ayaw mo doon sa restaurant, doon na lang tayo sa food court nag nod si Karylle, at least, doon maraming tao, hindi sya maaring gawan ng kalokohan ni Vice.Pagkatapos kumain, inihatid na sya ni Vice. Binagalan narin nito ang paggpapatakbo ng sasakyan. Saka lang nag-relax si Karylle nang ihinto ni Vice ang kotse sa harap ng gate nila. Hindi na kita mai-invite, wala pa kasi si Anne Dahilan ng dalaga.
Ayaw naman apurahin ni Vice si Karylle Its alright nakangiting sabi nito at nagpa-alam.
Kinabukasan, susunduin sana ni Vice si Karylle, ngunit hindi na nito nahintay lumabas ang dalaga. Pinuntahan sya nito sa kanila ngunit hindi nya sinagot nang sya ay mag-doorbell.
Talagang umiwas si Karylle nang hapong uwian. Nakisabay sya sa kotse ng classmate nya. Nang mapadaan sa tapat ni Vice na nag hihintay nagtago sya. Ngunit hindi ganon kadaling iwasan si Vice. Nang mainis sya sa walang katapusang pag doorbell nitoy napilitan syang buksan ang pinto.
Hindi na sya binigyan ni Vice ng pagkakataon. Sa pagbukas ng pinto ay agad itong itinulak ni Vice at pumasok. Niyakap nya ito at siniil ng halik, pagkapasok na pagkapasok.
...to be continue
BINABASA MO ANG
Still In The Past
FanfictionIsang nakaraan ang napukaw sa alaala ni Karylle nang magbalik si Jose marie Viceral na ngayo'y isang matagumpay na abugado. Muli'y nagbalik ang sakit na nilikha nito sa puso nya. Iniiwasan nya ang lalake ngunit Tadhana na ang gumawa ng dahilan upang...