Chapter 7

22 1 1
                                    

Nagbalik sila ng Maynila. Lalong nagkalapit ang kanilang mga damdamin. Doon, malaya nilang naipapadaram ang pagmamahal at pag-aalala sa isat isa.Tanggap na ni Anne si Vice bilang boyfriend ni Karylle.

Gusto ipakilala ni Vice sa pamilya nito si Karylle. Pero ayaw ni Karylle

Noon ka pa nila gusting makilala, ang pilit ni Vice

natatakot ako. Paano kung ayaw nila sa akin?

dyan ka nagkakamali. Tuwang-tuwa nga sila sa iyo, dahil napatino mo raw ako. Kaya nga gusto kang makilala nina Mama at Papa kung gusto mo, isama natin si Anne.

Gustong Tumanggi ni Anne, ngunit ayaw sumama ni Karylle kay vice kapag hindi sya kasama. Kaya nang ipakilala ni Vice si Karylle sa pamilya, may chaperon sya, si Anne.

Sinalubong ng yakap at halik ng mama ni Vice si Karylle. noon pa namin sinasabi kay Vice, hija, na isama ka dito sa bahay para naman makilala ka namin, ang nakangiting sabi nito sa kanya.

Maging si Anne ay natuwa. Welcome na welcome si Karylle sa pamilya ni Vice. Hindi nito maisipang malungkot. Dahil batid ng dalaga na hindi welcome ang binata sa mga magulang ni Karylle. Saka lang marahil matatanggap si Vice ng mga magulamg ni Karylle kapag may napatunayan na ito.

Summer vacation na. maysakit ang ina ni Anne, kailangan itong umuwi agad. Hindi parin tapos ang finals nina Karylle kaya naiwan ang dalaga.

Kahit alam ni Anne na marami na ang nangyari kina Vice at Karylle. Hindi pa rin nangangahas si Karylle patulugin sa apartment nila ang binata. Nahihiya siya kay Anne.

Nang makaalis si Karylle , daig pa ng dalawa ang nasa honeymoon. Doon na natutulog si Vice. Sabay silang nagririview, pagkatapos nilang kumuha ng inspirasyon sa isat isa.

Nang matapos ang final exam nila, masayang-masaya ang dalawa. Parehong mataas ang grades nila. dapat, noon pa kita nakita. Para maaga kong naayos ang buhay ko mataimtim na sabi ni Vice habang yakap-yakap si Karylle.

Halos buong magdamag silang nag-celebrate sa matataas na grades na nakuha nila. Masaya nilang binuo ang kanilang pangarap. pangako ko sayo. Love, ipagmamalaki ,mo rin ako balang araw, Kayo ng mga magiging anak natin.

ngayon pa lang, love, proud na proud na ako sayo. Bumangon si Karylle at humiwalay sa dibdib ng binata.

Bakit ilang anak ba ang gusto mo?

anim para masaya

Anim? Mahal mo ba ako o balak mo akong pahirapan? ang irap na sabi ni Karylle sabay bango

Muli syang kinabig ni Vice at isinandal sa dibdib. O sige, ikaw na ang bahala. Ilan ba ang gusto mo?

Okay na yung tatlo.

Sige, youre the boss. Dalawang lalake. Isang babae.

Hmmm Sige na nga. Pwede na rin

halika, simulan na natin ang paggawa ng baby para hindi mahuli sa pag-aaral ang mga baby natin Muli nitong siniil ng halik ang mga labi ni Karylle love, I love you so much hindi ko kayang mawala ka pa sa buhay ko, sabi ni Vice habang buong pagmamahal na ibinubuhos ang init ng pag-ibig sa kanya.

Vice mahal na mahal na mahal kita, ang paulit-ulit na sambit ni Karylle na halos bumaon na ang kuko sa likod ni Vice. Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko forever taimtim na pangako ni Karylle.

Kapwa may ngiti sa labi na nakatulog ang dalawang nagmamahalan. Mahigpit pa ring maglayakap sa isat isa. Maging sa pagtulog ay ayaw nang maghiwalay.

Maagang umalis ng San Sebastian ang mag-asawang Tatlonghari. Sosopresahin ng mga ito si Karylle. Magbabakasyon sila sa isang lingo sa Singapore.

Bago mag alas-otso ng umaga, nasa apartment na ang mga ito. Hindi maipasok ng driver ang sasakyan dahil naroon ang kotse ni Vice.

Akala ni Mayor Tatlonghari, may pinatulog doon si Karylle na kaklase dahil nauna na ngang umuwi si Anne. lparada mo nalang muna sa tabi, Echo, utos nito sa driver

May sariling susi naman ang mag-asawa, kaya nakapasok ng bahay. gigisingin ko lang ang baby mo, Daddy ang nakangiting sabi ni Zsa zsa habang umaakyat sa itaas. Tinungo ang kwarto ng anak, dahan-dahang binuksan Oh my God! ang malakas na hiyaw ng ginang nang Makita sina Vice at Karylle, kapwa hubad na magkayakap sa kama. Napahawak ito sa dibdib sa tindi ng pagkabigla.

Mommy?! tarantang napabangon si Karylle. Mabilis na kinuha ang robe at sinaklolohan ang Ina. Mabilis ding umakyat si Mayor Modesto, nakita si Karylle na yakap-yakap ang ina.

Mabilis nag blangko ang mukha ng matanda ng makita si Vice na hindi magkandatuto sa pagbibihis. Mabilis na tinulungan ni Mayor Modesto si Karylle, dinala nila si Zsa zsa sa kabilang kwarto na halos wala ng buhay.

Daddy, tawagin nyo si Dr. Castro sa kabila, ang umiiyak na utos ni Karykke sa ama habang panay masahe niya sa dibdib ng ina.

Papasook sana si Vice sa kwarto na kinanariinan ni Mrs. Tatlonghari ngunit agad na hinarangan siya ni Mayor Modesto. diyan ka lang! mamaya tayo magtutuos!

Dumating si Dr. Castro, agad na nilapatan ng lunas ang ginang first attack nya ba ito? ang tanong sa kanila.

Tumango si Mayor Lucas.

mabuti pa po, dalhin na natin sya sa St. Lukes para maagapan agad, ang sabi ng doctor, gumawa ito ng referral letter at inabot kay Karylle, kahiit mamaya na paggising niya. Hayaan nalang muna ninyo siyang makapagpahinga.

mag usap tayo sa baba! ang mariing sabi ni Mayor Modesto sa anak.

Tumanago si Karylle, pumunata sya ng kwarto, naroon pa si Vice. Nagbihis sya at sabay na silang bumaba . matalim ang tingin nu Mayor Modesto sa kanila.

Hindi pa ganap na nakakababa ng hagdan ang dalawang ng salubungin ni Mayor Modesto ng malakas na suntok sa panga si Vice. Agad na humurang si Karylle . Ayaw niyang magsing ang ina.

Daddy, huwag! ang umiiyak na pakiusap ni Karylle sa ama, hinblot siya ni Mayor Modesto sa braso at inilayo, saka muling sa muling binigyan ng suntok si Vice sa sikmura.

Tinanggap lahat iyon ni Vice. Ni hindi ito nagtangkang umilag o lumaban. Nang mapagod ang matanda, dinuro-duro nito si Vice. hindi ang klase mong lalake ang gusto ko para sa anak ko! Gugusthin ko pang maging isang dalagang ina ang anak ko kaysa ipakasal ko sayo! Anong kinabuksan ang maibibigay mo sa anak ko? Pasisinghutin mo lang siya ng marijuana? Habang buhay kayong aasa sa mga mgaulang mo?

Naghihimagsik ang buong pagkatao ni Vice kaya kong buhayin si Karylle na hindi aasa kahit kanino, Mayor, Karylle tayo na, yaya nito sa dalaga.

Litong Napatingin si Karylle sa ama at kay Vice, anyong lalapitan niya ang nobyo pero humarang si Mayor Modesto. oras na sumama ka sa lalaking yan, kalimutan mo ng may mga magulang ka pa, Karylle, maging bangkay naming ng mommy, hikndi mo masisilip man lang,

daddy please umiiyak na sabi ni Karylle kilala niya ang tigas ng paninindigan ng kanyang ama. Kapag sinabi nito, tiyak gagawin. Nagpaunawang napatingin siya sa katipan.

kapag hindi ka sumama ngayon, kalimutan mo na ako, mapaghamong sabi ni Vuce.

Narinig ni Karylle ang tawag ng ina sa itaas, patakbo siyang umakyat sa silid.

makakaalis ka na, at huwag ka nang babalik. Wala ka ng babalikan,

Yuko ang ulong lumabas si Vice. Inilabas ang kotse sa grahe at mabilis na pinasibad pagdating sa labas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Still In The Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon