Gumaan kahit papaano ang dalahin ni karylle sa dibdib pagkatapos nyang makausap si Anne. Laking pasasalamat nya kay Anne dahil palagi syang nandyan para damayan sya minsan nga ay nahihiya na sya sa kaibigan dahil palagi nalang sya ang lumalapit.
Nagpunta sya sa bukid at nadatnan ang ama, gaya ng dati may mga kausap na naman ito.
Nadatnan nya sa kubo si Aling Amy ang tauhan ng ama sa niyugan, at binati nya ito.
"Tamang tama ang dating mo Karylle kapipitas lang namin ng buko "
"Sige po, pag hinanap po ako ni daddy pakisabi na sa tree house lang ako"
"Gusto mo dalhan nalang kita ng meryenda?"
"Sige po, busog pa naman ako. Wag nyo na ako dalhan ng meryenda Bababa nalang po ako pag nakaramdam na ako ng gutom, magpapahinga lang ako"
Ang treehouse ni karylle ay nasa taas ng puno ng narra at nasa paanan ng bundok. High school si karylle ng hingin nya ito sa kanyang daddy at sya mismo ang pumili ng punong kanyang pagtatayuan.
Dito ang kapiling nya ang palaspas ng hangin, huni ng ibon at mga dahon. Kung nais nya ng katahimikan ay dito sya pumupunta.
Pinagpagan nya ang kawayang higaan at ginawang unan ang suot nyang leather jacket. Itinakip nya ang kaliwang braso sa kanyang mata, nais nyang matulog kahit sandali. Hindi sya nakatulog kagabi dahil sa maraming bumabagabag sa kanyang isipan.
Sana totoo nga ang s8nasabi ni Anne na ilan lang ang nakakaalam ng totoong nangyari.
Hindi nya kayang lumabas sa publiko ang nagyari kahapon. Sinisikap nya na makalimot at makalaya sa nakaraan, pero malaki ang naging sugat nito sa kanyang puso.
Hangga't maari ayaw nya makibalita kay Jose Marie Viceral dahil bumabalik lahat ng sakit. Si Jose marie Viceral ang dahilan ng lahat lahat.
Flashback
Birthday ni Solen kaklase nila ni Anne sa St. Marilou Academy taga San Jose si Solen katabing bayan ng San Andres. Walang balak dumalo sa debut si Karylle, pero di sya tinantanan ni Solen at Anne.
Sa Hotel ginanap ang Birthday debut ni Solen. Magulo, masaya ang party. Kontento na si Karylle sa panonood sa mga sumasayaw , sumasayaw sya minsan kapag may humihila sa kanya pinag bibigyan nya na ito, pero madali syang mapagod at pakiramdam nya ay parehong kaliwa ang kanyang paa.
Talagang hindi sya sanay sa ingay. Sumasakit ang ulo nya sa sobrang lakas ng music, kwentuhan at tawanan at sa masamang amoy dala ng usok ng sigarilyo at sa pawis ng mga tao, nahihiya naman sya yayain si Anne na umuwi na kasi halata namang enjoy na enjoy pa ito.
Kumuha si karylle ng wine at nagpunta sa sulok kung saan walang tao at madilim.
Nang bigla nalang may nagsalita mula sa kanyang likuran, muntik na nyang mabitawan ang hawak dahil sa gulat.
"Oops... I'm sorry di ko alam may tao pala rito." Ang paghingi ng pasensya ng lalaki ng makitang inis na nilingunan niya ito "would you mind if I join you?"
"It's alright " ang malumanay na sagot ni Karylle ng makitang mukang harmless naman ang lalaki
"Bakit ka narito?" Nakangiting pagtatanong ng lalakeSa konting liwanag na nanggagaling sa mga ilaw ay kitang kita ang kagwapuhan ng lalake.
Napatibok ng malakas ang puso ni karylle "maalinsangan dun" ang tipid na tugon nya.
"Wow! She's really beautiful " ang sambit ng lalaki sa sarili.
"Pardon?"
Napakamot ng ulo ang lalake dahil napalakas ata ang pagkakasabi nya " Mas lalo ka palang maganda sa malapitan. Kanina pa kitang gusto puntahan. Hindi lang ako magkoroon ng pagkakataon. Vice Viceral nga pala kaibigan ni Erwan" ang pakilala sa sarili sabay abot ng kamay
Hindi sana nya aabutin ang kamay, ngunit ayaw naman nya lumabas na bastos. Nagpakilala na rin sya
" Karylle" sabay abot sa kamay ng lalake "karylle who?"
" Ana Karylle Tatlonghari" ang nakangiting sabi nya lalo naman nabighani si vice sa ngiti ni Karylle" Karylle? ang unique na panagalan. Maganda, kasing ganda ng may ari" kahit na alam na bola ay hindi parin napigilan ni karylle na magblush. Natawa na rin si Vice
"Any relation to Mayor Tatlonghari of San Andres?"
"Daddy ko Lang yun" Biro ni Karylle natawa si Vice
" okay yun, tingnan mo magkababayan pa tayo"
"Taga San Andres karin?" Tumango ang binata
" San Sebastian"
"Teka pamilyar sakin ang pangalan mo, kayo ang may ari ng bekimill?"
" Ang tatay ko" ang natatawang sabi ni Vice at biglang sumeryoso " totoo nga pala ang balita napaka ganda ng only daughter ni Mayor Tatlonghari" ang taos pusong puri nito.muling nag blush ang mukha ni karylle na hindi sanay na harap-harapang pinupuri ng lalae. Lalong naakit si Vice "kanina pa kitang gustong isayaw pero lumabas ka naman kaya sinundan kita rito" pag amin ni vice
Walang malamang dahilan si karylle. Nanlamig ang kanyang mga kamay. Malakas ang tibok ng kanyang puso. Nag-iba ang musika, naging sweet. "They're playing our music. Halika sayaw tayo." Bago pa nakatutol ang dalaga, nahawakan na sya ng binata sa kamay, dinala sa balikat nito habang sinapo ang kanyang baywang.
"Bakit dito?" Ang mahinag tutol ni karylle, ngunit napasabay din sa pagsayaw ng lalake.
"Mas maganda dito, may privacy,mas romantic" hinapit nito ang baywang ni Karylle at nagkadikit ang kanilang mga katawan.Palagay ni Karylle ay libu-libong boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa kanyang katawan. Malakas na malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Nang kabigin sya ng binata sa dibdib nito, dinig na dinig nya ang malakas na tibok ng puso nito. Kakaiba ang kiliti na dulot ng mainit na hininga nito sa kanyang tenga.
Hindi nalingid kay Vice ang panginginig ng katawan ng dalaga. Ang panlalamig ng kamay niya. Lalong humigpit ang pagkakayakap nito. Hindi na sila nagsasayaw mahigpit na silang magkayakap. Nakainom si Vice. Amoy alak ang hininga nito.
Nagtangkang kumalas si karylle, ngunit ayaw siyang pakawalan ni vice "Relax, I won't eat you. Kanina, unang kita ko palang sayo, ang sabi ko sa sarili ko, this is my girl. Na-inlove agad ako sayo" ang bulong ng binata sa kanya.
"Lasing ka..." hindi maitago ni karylle ang takot sa tinig.
"Nakainom lang ako... pero hindi ako lasing. Dalawang boteng beer lang ang nainom ko. Amuyin mo..." Bago pa makaalis si karylle, nasapol na ng mga labi ng binata ang kanyang mga labi.Itinikom nya ang kanyang bibig, ng kapusin ng hangin, ibinuka nya iyon upang sumagap ng hangin na sinamantala naman ng binata at lalong pinagbuti ang paghalik. Hindi tinitigilan ang labi nya hangga't hindi nararamdamang gumaganti sya ng halik.
"No," ang mahinang tutol ng dalaga ng maramdaman ang kamay nito sa loob ng kanyang dress. Bumaba ang labi nito sa kanyang leeg na kusang umarko upang bigyang puwang ito. Nakapikit siya. Lunod na lunod sa sensasyong noon lang niya naramdaman. Mahigpit siyang nakapikit sa ulo ng binata na nakasubsob ang mukha sa pagitan ng kanyang dibdib.
... to be continue
BINABASA MO ANG
Still In The Past
FanficIsang nakaraan ang napukaw sa alaala ni Karylle nang magbalik si Jose marie Viceral na ngayo'y isang matagumpay na abugado. Muli'y nagbalik ang sakit na nilikha nito sa puso nya. Iniiwasan nya ang lalake ngunit Tadhana na ang gumawa ng dahilan upang...