Chapter 2

65 0 0
                                    

Sumakay si Karylle sa kanyang motor bike patungo sa bahay ng kaguro dahil ito ang paalam nya sa kanyang ama, pero sa halip na sa bahy ng co-teacher nya ay doon sya dumiretso sa bahay ni Anne.

Nadatnan nya si Anne sa Kusina ng bahay na nagluluto para sa kanyang mag ama. "Ang aga mo ata napapunta dito Karylle" nakangiting sabi ni Anne "upo ka, tatapusin ko lang to".

Naupo si Karylle sa harap ng mesa habang pinapanood ang pagluluto ni Anne ngunit halatang malayo ang kanyang niisip.

"K, ano na?. Alam ko nandito ka para makipag kwentuhan"

"Wala" aniya "ituloy mo nga yung ikukwento mo ng isang araw..."
"Aling kwento?"

"Yung tungkol kay Vice..." Umiwas ng tingin si Karylle at napabuntong hininga.

" Nalaman ko kahapon kay Daddy na kakandidato si Vice sa pagka mayor." Natigilan naman si Anne sa narinig. "Sigurado na ba yan?"
"Siguro hindi pa malalaman hanggat hindi pa natatapos ang filings ng candidacy, diba?"
"Kaya pala"
"Bakit?"
"kaya pala very visible sya this last few months.In fact, yung kinukwento ko sayo ng isang araw, Nag open pala sya ng Law Office sa may building nila dyan sa palengke. Libre ang serbisyo at alam mo naman kung saan sya nag aral diba?, sa Harvard tsaka diba marami syang programang sinusuportahan" Napailiing si karylle
" pinaghahandaan nya talaga ang pagtakbo bilang mayor"

"Diba highschool palang tayo marami ng scholar ang mga Viceral? At makapangyarihan na ang pamilya nila"
" sa tingin mo matatalo nya si Daddy"
"hindi ko alam kasi maraming issue ang kinasasangkutan ni Uncle Modesto mamaring maapektuhan nito ang kanyang political carrer"
"Kung totoo ang ibinibintang nilang graft and corruption kay Daddy bakit hindi sila gumawa ng legal of action?"
"Alam mo pag ganitong eleksyon kahit maliit na basura kinakalkal ng kalaban para lalong bumaho" Napabuntong hininga si Anne
"Yun na nga ang ikinatatakot ko Anne, mabuti kong si Daddy at Vice lang ang magkalaban... Paano kung gawing isyu ang samin ni Vice?... god! Anne, di ko na kaya ang isa pang iskandalo, wala na akong mukhang maihaharap sa mga taga rito" Tuluyan ng nahulog ang kanina pang pinipigilang luha ni Karylle. Mabilis nilapitan ni Anne si karylle
"Hindi naman siguro maaalala iyon ng kalaban nila sa pulitika" pag aalo ni Anne sa kaibigan

Still In The Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon