Hindi malaman ni Karylle kung tutuloy o uurong sa tagpong dinatnan ni Anne pero nanaig parin ang malasakit kay karylle. Tuloy-tuloy ito sa loob. Hiyang-hiya na itinago ni Karylle ang mukha sa dibdib ng binata. Naiiyak sya tanda ng pagkakahiya sa kaibigan.
Tumuloy muna sa itaas si Anne, para bigyan ng pagkakataon ang dalawa na ayusin ang sarili bago mulimg bumaba. Hindi makatingin si Karylle sa kaibigan. Si Vice ang nagsasalita "Anne, I know, hindi maganda ang pagkakakilala mo sa sakin, but for Karylle, handa akong magbabago."
"Kung tututusin Vice, wala naman akong karapatan, pero mahal ko si Karylle bilang isang kaibigan. Mahigit pa sa magkapatid ang turingan namin. Ayoko ko siyang masaktan," strait to the eyes na sabi ni Anne sa binata.
"Promise hindi ko sasaktan ang damdamin nya," promise ni Vice.
"Sana nga, Vice" skeptical parin si Anne, ngunit batid na wala na itong magagawa sa sitwasyon.
Nagging si Karylle at Vice. Pinakiusapan ni Karylle si Anne na huwag magsusumbong sa kanyang magulang. Naging maingat naman si Karylle, hanggang pagkain-kain Lang sa labas siya sumasama kay Vice, kapag manunuod sila ng movies o kaya naman ay magsho-shopping ay lagi nilang kasama si Anne.
Takot si Karylle na sila lang dalawa ni Vice, kaya hanggat maari iniiwasan nya ang ganon pagkakataon, dahil alam niya, kapag hinalikan na siya at niyakap ng lalake, nawawalan na sya ng control sa sairli. Malakas ang sexual attracton nila sa isa't-isa.
Pinagbigyan naman siya ni Vice, Ayaw ng binata na mawala sya sa buhay nito. Muli itong pumasok sa school. Tuwang-tuwa si Karylle nang ipakita nito ang grades sa kanya. "Tingnan mo nga, matalino ka pala, ang tataas ng grades mo."
"Hayaan mo, sa second sem, magiging flat 1 lahat iyan" may halong kayabangang sabi ni Vice.
"Yabang nito, sige nga," ang naghahamong sabi nya sa binata.
SEMESTRAL break. Umuwi sa pribinsya si Karylle at Anne. Umuwi rin si Vice kahit madalang nya itong gawin.
Dumalaw si Vice sa bahay nina Karylle. Ipinakilala ito ng dalaga sa mga magulang. Matabang ang nagging pagtanggap ng mag-asawa sa binata. Lalo na si Mayor Modesto.
Nang makaalis si Vice, agad kinausap si Karylle ng mga magulang.
"Ayaw kong makipag mabutihan ka sa Anna Karylle, sa lalaking iyon. Ngayon palang, iwasan mo na siya. Anong mabuting maidudukot sa iyo ng isang drug addict at rapist?"
"Baka naman bofriend mo na ang lalaking iyon. Karylle?" tanong ni Mrs. Tatlonghari
"Hindi po, Mommy"
"Siguraduhin mo Lang, anak. Hindi ganong klase ng lalake ang gusto naming mapalapit sayo. Hindi baleng mahirap basta yung kaya mong ipagmalaki."
Tumahimik nalang si Karylle, Hindi na niya sinubukan pang idepensa si Vice. She can't blame her parents dahil maganda ang naririnig ng mga ito tungkol kay Vice, tulad din nya noon.
Hindi na pinapunta uli ni Karylle si Vice sa bahay nila. Pero lihim silang nagtatagpo sa tree house. Dahil sa sama ng loob ng dalaga sa paghuhusga ng mga magulang nya kay Vice, nang unang araw pa lang na magkita sila nito 'y ipinagkaloob niya ang kanyang sarili. Walang madamang pagsisi si Karylle pagkatapos ng naganap sa kanila ni Vice. Bagkus lagi niyang pinanabikan ang pagkikita nila tuwing hapon buhat noon.
Hindi naman napapansin ng mga magulang nya ang pagalis-alis niyang bahay dahil nasa munipyonaman ang daddy niya sa araw at ang mommy niya ay nasa office si Mrs. Zsa zsa Tatlonghari.
Sa tree house ding iyon sila bumuo ng mga pangarap para sa kanilang kinabuksan. Magtatapos sila ng pangarap. Magiging guro si Karylle, isa namang abugado si Vice.
"Para naman hindi ako maging kahiya-hiya sa magiging biyenan ko. Maipagmalaki din nila ang kanilang manugang." Ang punong puno ng pangarap na sabi ni Vice habang nakaunan sa lap ni Karylle. "Kaya lang naman nagkaloko-loko ang buhay ko, dahil nasabit ako sa masamang impluwensyang barkada. Kinukunsinti pa ng mga magulang ko ang kalokohan ko kaya hayun, luko-luko ang naging labas ko. Pero ng nakilala kita, Love, nagbago na ako. Umiiwas na ako sa dating kong barkada. I love you very much. Gagawin ko ang lahat para huwag mo akong ikahiya. Promise, ikaw lang ang babing ihaharaap ko sa altar."
Lunod na lunod naman ang puso ni Karylle sa tuwa. Yumuko siya at masuyong dinampian ng halik ang mga labi ni Karylle. Hindi niya mapigil ang pagpatak ng luha sa sobrang kaligayahan. "mahal na mahal din kita , Vice lagi mong tatandaan."
"Forever?"
"forever," ang taimtim na pangako nya.

BINABASA MO ANG
Still In The Past
FanfictionIsang nakaraan ang napukaw sa alaala ni Karylle nang magbalik si Jose marie Viceral na ngayo'y isang matagumpay na abugado. Muli'y nagbalik ang sakit na nilikha nito sa puso nya. Iniiwasan nya ang lalake ngunit Tadhana na ang gumawa ng dahilan upang...