Author's Note:
Dinelete ko yong "Loverary" at pinalitan ng "I'm Nobody" because of two reasons: I forgot the plot and I'm not that good in english. Hahaha yeah! Kaya wag na kayong magtaka kung bakit ganon ang comments sa baba. Third attempt ko na itong pinalitan, this time, sure na. And oo nga pala, 5 chapters lang ito. Hope na magustuhan niyo :)
Spreading my Darkn'Light Love,
Ate Kate/Kate
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kiara Jemiah Las Temoza
"Kiara na anak ni Simba at Nala na grand-daughter ni Mufasa! Bilisan mo nga dito! Ang bagal mo talaga! Hindi ka ata nag breakfast e."
Nangangalay na yong binti ko kakasunod nitong lalaking panay ang demand sa'kin patungong I don't know kung lugar bang maitatawag.
Tsk naman e. Ayan na naman siya sa 'anak ni Simba at Nala na grand-daughter ni Mufasa' niya.
Porket ba Kiara ang pangalan ko? Kasalanan ko bang mahal ni Mama si Simba ng Lion King kaya ito ang pangalan ko?
"Nagbreakfast ho ako Theo kaya wag mo 'kong ma utus-utusan jan. Ang sakit na ng binti ko no! Asan ba talaga tayo pupunta?"
Tumigil muna ako sa paglalakad, siya naman ay tumingin lang sa'kin at napabuntong-hininga.
"Masakit ba talaga?"
Di ko alam na nakalapit pala siya saakin at lumuhod para lang tignan yong binti ko.
"Oy! Anong ginagawa mo? Alis nga!"
Parang may plano kasi siyang hawakan ang binti ko, buti na lang talaga at naka-jeans ako ngayon.
"Hahahaha! Asa ka namang itutuloy ko! Hindi no! Yuck Miah!" napatawa siya sa isang bagay na hindi nakakatawa. Ang babaw niya.
At... gustong-gusto ko talaga everytime na paiba-iba yong tawag niya saakin. Kumbaga, iba-iba yong pangalan ko? Pero siyempre sa full name ko pa rin kinuha ang name na yon.
Napangiti ako.
"Oh? Okay ka na? Tara, magpatuloy na tayo para maabutan pa natin ang sunrise."
Sunrise... isa sa mga pangarap ko ang masaksihan ang sunrise kasama ang mahal ko. At si Theo James Taylor na naman ang makakakuha sa title na yon.
Sumunod na lang ako kay Theo sa daan na tinahak niya. Actually, 5am turning to 6am pa ngayon kaya medyo malamig pa ang ambience ng lugar.
"Theo, ba't ba tayo pumunta dito?"
Alam ko na kung anong lugar ito, nasa hilltop kami! Bundok siya tapos pag titingin ka na sa baba, makikita mo ang kabuuan ng siyudad, don sa may dulo ang dagat kung saan perfect place para makita ang sunrise.
God. Ang ganda dito.
"Sabi kasi nila na gusto raw ni Emi ang ganitong lugar, yong masaksihan ang sunrise? Gusto ko lang naman itry bago ko siya dalhin dito, siyempre ikaw ang sinama ko dahil ikaw ang pinakamalapit 'kong kaibigan."
Ngumiti si Theo saakin na para bang ang saya-saya niya? Masaya ako na masaya siya, but at the same time nalulungkot ako dahil hindi ako si Emi.
Kaibigan lang naman kasi ako. Walang karapatan. Taga-suporta. Taga-cheer. One sided. Kumurot ang puso ko.
"Oi! Nandito na pala tay-oh? Bat ka malungkot Ara?"
Lumapit na naman siya sa'kin at akma sanang hahawakan ang kamay ko pero umatras ako. Hindi ba siya aware na may nahuhulog sa friendly gestures niya?
Bakit pa kasi si Kiara ako, pwede bang si Emi na lang?
"H-hinde! Ba't naman ako malulungkot Theo?"
Napa-fake smile ako at tinuon ang atensyon sa lugar.
"Oi Theo! Ang ganda talaga dito! For sure na magugustuhan ito ni Emi! And for sure rin na sasagutin ka niya pag dito mo siya tatanungin. Maniwala ka sa'kin Theo! Marami akong alam e."
And another fake na ngiti na naman. Alam mo yong pakiramdam na pinupush mo sa iba yong taong mahal mo? Nakakasira ng pagkatao.
"Talaga Kia? Sabi mo e, naniniwala ako sa'yo."
Inakbayan niya ako-at halos mawalan ako ng malay sa bilis ng tibok ng puso ko.
Bakit ba Kiara, Ara, Miah, Kia o ano-ano pa ang tawag mo sa'kin Theo? Kailan ba ako magiging si Emi?
Kahit na ilang daan pang pangalan ang itawag mo sa'kin ay pakiramdam kong wala pa ring silbi. Kahit gaano pa sila ka rami.
Gusto mo bang malaman kung ano ang totoo kong nararamdaman?
Oo nga't may pangalan ako pero ang totoo naman talaga ay ako si Nobody, samantalang ikaw mahal si Somebody.
Masakit.
![](https://img.wattpad.com/cover/8649893-288-k290820.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Nobody
Short Story"Ayoko na, itigil na natin to, masyado nang masakit sa pakiramdam. Hindi ko na kaya..." tumalikod ako mula sakanya at napahagulhol. Ang sakit-sakit pala magmahal lalo na kung alam mong sa simula pa lang ay talo ka na. Paano naman kasi ako mananalo d...