I'm Nobody III

1.2K 67 8
                                    

Kiara

“Kamusta na kayo, Theo?” bungad ko sakanya nong magkita kami sa isang coffee shop.“Grabe no? Noon pinapangarap mo lang si Emi, ngayon ay kayo na.”

Oo sila na. Naging sila na ni Emi. Three months na nga sila bukas.

Eh ako? Heto. Ang tanga pa rin. Nasasaktan man ako dahil hindi sinuklian ni Theo ‘yong pagmamahal ko sakanya pero kinaya ko. Nagpakatatag ako, at higit sa lahat, tinago ko pa rin ang totoong nararamdaman ko.

“Going strong kami ni Emi, Kia!” masayang sabi niya. Ngayon ko lang siya nakita na ganito ka saya.

“Good for you.” at ngumiti ako. Ngiting matamlay.

“Bat matamlay ka? May sakit ka ba? Nako naman Kia, alagaan mo naman ang sarili mo oh.” tumayo si Theo para lang tabihan ako.

“Baka makita tayo ni Emi, Theo.” umusog ako, pero lumapit siya.

“Wala naman tayong ginagawang masama ah. Atsaka alam mo bang...” ayan na naman siya sa pathrill-thrill niya.

“Spit it out.”

Tinitigan niya ako. Dugdugdug. Bakit ba hindi ako makamove-on sa nilalang na ito? Sobrang katangahan na kasi ang magmahal ng isang taong alam mong may mahal na iba.

“Na miss kita.” seryosong sabi niya. Kung miss niya ako, paano na ako? Sobrang miss ko na siya!

“Ahehehe. Namiss din naman kita e.”

“Talaga?”

Tumingin ako diretso sa mga mata niya.

“Oo”

Kung masaya siya kanina, feeling kong mas domoble ang saya niya sa sinagot ko. Hindi sa nag-eexpect ako, nababasa ko kasi ‘yon sakanya ngayon e.

Inubos na namin ang inorder naming frapp at sabay kaming nagtungo sa Park. May mga swings pala dito atsaka slides, konti nga lang ang mga tao.

“Umupo ka.” ngumuso siya don sa isang swing.

“Ayaw” sabi ko.

“Please? Hindi na kasi tayo nakakapag-bonding Kia. Pagbigyan mo na ako.” nagpuppy-eyes pa siya.

Uh. Kahinaan ko talaga ‘yang mga mata niya.

“Ge na nga.” at umupo ako sa isang swing. Pumwesto naman siya sa likuran at dahan-dahang tinulak ang swing.

Napatingin ako sa kalangitan. Wow. Full moon. Isa na naman sa pangarap ko ang natupad, ‘yon ang makita ang full moon kasama ang taong mahal ko... at sana mahal din ako. Tsk. Nakuha na naman ni Theo ang title na ‘yon.

“Kia, may sasabihin ako sa’yo.” biglang nagsalita si Theo.

Napalunok ako. Ano naman ang sasabihin niya sa’kin? Tungkol kay—

“Si Emi kasi...”

Sabi na nga ba. Tsk. Siya lang naman ang parating topic ni Theo e, wala ng iba.

Pero dahil kaibigan nga niya ako, “Anong meron kay Emi, Theo?”

Hulaan ko... sobrang mahal na siya ni Theo. Hindi naman magbabago ‘yon.

“Break na kami.” basag ang boses ni Theo.

Inapak ko sa lupa ang aking paa para matigil ang paggalaw ng swing. Nagulat ako, at nalulungkot ako.

“Wag kang magbiro, Theo James.” sabi ko. Narinig ‘kong napabuntong-hininga siya.

“Hindi naman ako nagbibiro, Kia.”

Tumayo ako at nilingon siya. Nasasaktan si Theo, basang-basa ko sa itsura niya ngayon.

“Bakit? Anong nangyari? Diba sabi mo na going strong na kayo? 3rd monthsary niyo na nga bukas e.” nag-aalalang sabi ko.

Diba good news dapat sakin ‘yon? Pero hindi, hindi ‘yon good news lalo na kung alam ‘kong nasasaktan na ang taong mahal ko, at kaibigan ko.

“Nakipagbreak siya sa’kin, kasi inakala niyang...” he trailed off.

“Inakalang ano?”

Niyakap niya ako kaya nanigas ako saaking kinatatayuan ngayon. Tinap-tap ko ‘yong likuran niya baka kasi iiyak siya. Bakla raw ang lalake pag-iiyak? No, I don't think so.

Mas maganda nga ‘yong nilalabas ng mga lalake ang tunay na nararamdaman nila kesa tinatago lang. Tao lang naman tayo. Nasasaktan din sila.

“Inakala niyang may namagitan sa’ting dalawa.”

Nabigla ako sa inamin niya. Ano? Nagbreak ba sila dahil sa’kin?

“Paano niya naisip ‘yon Theo? At bat mo naman hinayaang maniwala siya sa maling akalang ‘yon? Pumayag kang magbreak kayo dahil lang sa maling akala ni Emi?” I blurted out.

Mali naman talaga. Wala namang namagitan saamin e, walang iba kundi magkaibigan lang talaga.

Natahimik si Theo at napayuko.

“Hinayaan ko dahil ginusto ko na rin.” nakayuko pa rin siya at mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.

Ginusto?

“Anong ibig mong sabihin?”

Inangat niya ang kanyang ulo para magtagpo ang titig namin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Wag puso.

“Mahal din naman kita, Kia. Higit pa sa kaibigan ang pagmamahal na tinutukoy ko.”

Naramdaman ‘kong nanghina ang buong katawan ko saaking narinig ngayon.

Mahal ako ng mahal ko?

Sa sobrang pagkabigla ay ‘di ako nakapagsalita habang nababaliw na sa bilis ng tibok ng puso ko. Anong sasabihin ‘ko?

Umurong ‘yong dila ko kaya ‘di ako nakapagsalita. Nawala lahat ang mga gusto ‘kong sabihin. Sobrang blanko ng utak ko.

“Kaya, pwede bang tohanin na lang natin ang maling akala ni Emi at gawin itong tama?”

I'm NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon