I'm Nobody IV

1.1K 62 3
                                    

Kiara

Pumayag ako kay Theo sa alok niya. Kaya oo, naging kami.

Magwa-one year na kaming mag bf-gf. Tumagal kami ng ganong panahon. Ang saya lang diba? Kasi, di ko akalain na mahal din pala ako ng taong mahal ko.

Siguro kung meron mang magagandang nangyari ang dumaan sa buhay ko, ito talaga ang nangunguna sa listahan ko.

“Anak, anong ginagawa mo?” pumasok si Mama sa kwarto ko.

Namimili kasi ako ng damit, ito talaga ang pinaka-hindi ko gusto. Hindi kasi ako marunong mamili. Walang ka fashion-fashion.

“Ahh ma, ano po ba ang damit na mas bagay sa’kin? Itong black or white?” itinaas ko yong dalawang dress. Napatingin si mama at nagmasid kong ano yong mas babagay sa’kin.

“Para sa’kin, ‘yong white.” tumango naman siya.

“Sigurado ho kayo?” paninigurado ko tapos tinignan yong kulay white na dress.

“Oo naman, teka, saan ka ba pupunta?” lumapit siya sa’kin at kinuha yong white na dress. “May date ka?”

Namilog ‘yong mata ko tapos napayuko. Kahiya naman.

“Halika nga muna, upo tayo saglit lang.”

“Baka malate ako?”

“Kailan ba magsisimula?”

“6pm”

“Anong oras na ngayon?”

Tumingin ako sa wall clock dito sa kwarto, “4:32pm pa.”

“See? Ang aga-aga pa. Masyado ka namang excited e. Saglit lang naman, may iadvice lang ako.” napapout ako. “Kia...”

“Saglit lang ha?”

“Oo”

Pareho kaming umupo sa kama. Isinantabi muna ni mama yong white na dress tapos hinarap ako.

“Pag-ibig...” panimula ni mama. “Para sayo anak, ano ba ang pag-ibig?”

Napayuko na naman ako, oo nga, ano ba talaga ang pag-ibig? Nag-isip ako ng mabuti sa kung ano ang pwede kong maisagot.

“Love... ‘yon yung mas gusto mong unahin ang pakana niya kesa sa’yo. Mas gusto mo na makamit niya ang kasiyahan niya kahit na ikaw, hindi mo makakamit ang kasiyahan na ‘yon. Love is sacrificing. Love is selfless.” serious na serious kong sabi.

Paano ko ba nasabi ‘yon? Siguro, binase ko ‘yon sa mga naranasan ko. ‘Yon naman talaga ang pag-ibig diba?

“Tama ka, Kia.” binigyan ako ng closed-mouth smile ni Mama. “Kaya lang may kulang...”

Kumunot ‘yong noo ko at inisip ‘kong ano ang kulang. Meron nga.

“Love can make people selfish.” nalungkot naman ako ‘don.

“Yes, but not all the time.” sinuklay ni mama ‘yong buhok ko gamit ang kamay niya. “Ilang taon ka na nga ba anak?”

“Sixteen” agad ‘kong sagot.

“You’re too young to fall inlove. Eighteen na ako nung minahal ko ‘yong Daddy mo, nagpakasal kami at age 26.”

“Means?”

“Ibig sabihin, ‘di ka dapat magpadalos-dalos. Try to control your emotion. Ako, kami ng Daddy mo ay hindi ka pinagbabawalan na magka-boyfriend, ang saamin lang, piliin mo ‘yong taong matino at tanggap ka kung sino ka talaga.” mahabang sabi ni mama. Hindi ako sanay na mag-usap kami tungkol sa mga ganito.

I'm NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon