A/N:
Name is pronounce as:
Kiara Jemiah > (Ki-ya-ra) (He-mi-ya)~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kiara
“Kia! Ang cuuuuteee mo talaga! Kamukha mo yong pusa na Kiara sa Lion King. Hahaha!” pinisil ni Theo ang cheeks ko.
Napangiwi naman ako dahil medyo sumakit ito, ang kulit niya rin e. Kanina pa ako tanggi ng tanggi na hindi nga ako cute.
“Ouch Theo, masakit.” tinigil naman niya. Nanggigil kasi. “Atsaka anong pusa? Lion yon hindi pusa.”
“Kalahi lang nila ‘yon kaya pusa rin ang tawag sakanila. Hehe.”
Hindi na ako umimik pa. May hinalungkat si Theo mula sakanyang bag at nilabas ang dalawang sandwich. Inabot niya sa’kin ang isa.
“Para saan?”
“Para kainin. Ito naman, tanggapin mo na Kia.”
Kinuha ko na lang ang binigay niya at kumagat. Gutom na rin kasi ako. Nasa classroom pala kami ngayon.
“Kia—”
“Thank you!” magiliw kong sabi.
“Sa sandwich?” kumunot yong noo niya.
“Aside from that, kasi Kia na ang tawag mo sa’kin. Hindi na kahit ano-ano.”
“Kaw kasi, siyempre malakas ka sa’kin kaya sinunod kita.”
Nagngitian kami sa isa’t isa. At kumain ulit.
5 months na pala ang lumipas matapos naming sinaksihan ‘yong sunrise sa hilltop, pinakiusapan ko kasi siya na ‘Kia’ na lang kesa ano-ano. Gusto ko naman talaga yong iba-iba e, pero ayaw ko nang maramdaman na espesyal ako sakanya.
Yon kasi ang nararamdaman ko everytime na iba-iba ang tawag niya sa’kin, feeling ko espesyal ako kahit na hindi naman talaga. Kaibigan lang. Alam na ngang may mahal na iba, nagpapakatanga pa rin.
Actually, 5 years and 5 months na kaming magkaibigan. Ganon na kami katagal... bilang magkaibigan. Ganon na rin katagal na naging tanga ako sakanya.
Itinago ko sa bag yong tissue matapos ubusin ang sandwich.
“Kia, may lakad ka ba mamaya?”
“Wala naman, bakit?”
“Tulungan mo naman ako oh, bibili ako ng chocolates para kay Emi. Siyempre babae ka, alam mo kung ano yong gusto ng mga babae.”
Kinurot na naman ang puso ko. Emi, Emi, parati na lang si Emi. Kailan ba ang ‘chocolates for Kia’, Theo?
Dahil mahal ko siya...
“Oo naman. Tutulungan kita. Yan naman talaga ang role ng mga kaibigan diba? Ang suportahan ang kaibigan niya kahit na ano pa ang gusto nito as long as walang nasasaktan na tao.” makahulugang sabi ko.
Walang nasasaktan na tao? Tss. Ang galing ko talagang umarte.
Magsasalita sana si Theo, pero inunahan ko na siya.
“Pero, okay lang ba kung pupunta muna ako sa library bago ako sasama sayo? May isasauli lang kasi akong aklat na hiniram ko kahapon.”
“Sasamahan kita—”
“Ay hindi na, hintayin mo na lang ako sa exit gate.”
Napatango na lang si Theo. “Sige, kung yan ang gusto mo.”
Pagkatapos ng klase ay nagmadali akong nagtungo sa library. Hindi na ako nagpaalam pa kay Theo at baka samahan niya lang ako.
Matapos kong maisauli yong aklat na hiniram ko ay tumungo na ako sa Exit Gate at nakita ko ang isang Theo na parang hindi komportable.
“Oh? Anong nangyari?” hindi siya sumagot. Tinignan niya lang ako.
Nakaramdam tuloy ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit, basta bigla-bigla na lang akong kinabahan.
“Si... si Emi.”
Emi na naman.
“Bakit? Anong meron sakanya?”
Mahal niya, Kia. Mahal ni Theo si Emi.
Tumingin saakin si Theo, napakaseryoso ng mga titig niya at... at sa tinagal-tagal naming magkaibigan, alam ‘kong may nakita akong kasiyahan sa mga titig niyang ‘yon.
“Gusto niya rin ako.”

BINABASA MO ANG
I'm Nobody
Short Story"Ayoko na, itigil na natin to, masyado nang masakit sa pakiramdam. Hindi ko na kaya..." tumalikod ako mula sakanya at napahagulhol. Ang sakit-sakit pala magmahal lalo na kung alam mong sa simula pa lang ay talo ka na. Paano naman kasi ako mananalo d...