I'm Nobody V

1.3K 61 3
                                    

Theo

Pinunasan ko ang aking luha na di ko alam na tumulo pala sila. Tsk, ang gay.

“Theo? Gosh Theo! Umiyak ka ba? Hahahahaha!” tinawanan niya ako na may pahawak-hawak pa sa tiyan niya.

“Ey? Hindi ah! Hindi ba pwedeng napuwing lang ako kaya medyo lumuha ‘yong mata ko?” depensa ko.

“Hindi, dahil alam ko namang napaiyak ka talaga e! Hahahahaha!” at mas lalo pa niyang nilakasan ang tawa niya.

“Aish! Oo na! Awat na! Tumigil ka na! Kikilitiin talaga kita! Alam mong alam ko na ‘yon ang makapagpapatigil sa’yo.” banta ko.

Pero di pa rin siya natinag instead...

“HAHAHAHAHAHA! BAKLA KA TALAGA! HAHAHAHAHAHAHA!”

Parang naka-microphone ang babaeng ‘to sa lakas ng boses niya. Makabasag eardrums naman talaga ‘yong boses niya, ang sarap lang itapon sa dagat tapos itest natin kung gaano ba kalakas ang boses niya.

“Psh”

Napairap ako sakanya.

“Wahahahahaha! See? I’m so right Theo! Marunong kang umiyak and then marunong ka ring umirap! Hindi ka ba aware na mga signs iyan?”

“Signs?”

“Signs na bading ka! Hahahaha! Hi fafa! Hahahahaha!”

Tsk. Tuwang-tuwa talaga siya sa tuwing inaasar ako, ako naman ay iritang-irita. Yong tawa niya talaga ang mas nakakairita.

“Hahahahahahaha!”

Hindi pa rin siya tumigil sa katatawa, at kahit anong takip ko sa’king tenga ay maririnig ko pa rin ang boses niya.

“TITIGAL KA O HAHALIKAN KITA? YOU CHOOSE!” sa sobrang iritado ko ay napasigaw ako.

Napatigil naman siya saglit tapos... tapos nagpipigil ng tawa hanggang sa...

“HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Best actor na bading! Ang saya lang! Hahahahaha! Ang fierce mong tignan Theo! Yiiieee! Pero alam mo bang ang gwapo mo? Ulitin mo nga! Hahahahah—hmmm”

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at nagawa ko siyang halikan though nagjo-joke lang naman talaga ako.

Gad! Kasalanan niya ‘yon!

Kasi, kahit gaano pa ka nakakainis ang boses niya, ‘yon din naman siya ka cute tignan sa tuwing tumatawa.

“I’m sorry! Hindi ko sinasadya!” taranta ‘kong sabi matapos ko siyang halikan ng halos 3 seconds ata.

Nanlaki ‘yong mata niya at natahimik siya. Gulat na gulat. Hinawakan pa niya ‘yong labi niya—pulang-pula. Smack lang naman ‘yong kiss ah.

“Bat mo ginawa ‘yon?”

“I warned you. Hindi ka kasi natakot.”

“Bat naman ako matakot?”

“Aish! Ewan ko sa’yo Kiara! Diyan ka na nga!”

Kinuha ko na ‘yong librong binasa ko kanina. Sinara ito at itinago na sa bag.

“Oy wait lang!” kinuha niya ulit ‘yong libro mula sa bag. “Pwede ba akong humiram nito?”

Tss. ‘Yan ang mahirap kay Kiara. Sobrang inosente niya. ‘Yong halik kanina? Makakalimutan niya lang iyon, isip-bata kasi siya. Para sakanya, walang malisya ‘yon.

Di tulad sa side ko, para sa’kin may meaning ‘yon.

“Ilang beses mo ng nabasa ‘yan. Hindi ka ba nagsasawa?”

Nagpanguso siya at tinignan ‘yong libro tapos balik sa’kin.

“Bakit Theo? Ikaw ba nagsasawa na sa librong ito?” tss, feeling bata. Bagay pa sa itsura niya.

“Hindi. Paborito ko ‘yan e, feeling ko kasing ako ‘yong bida. Magkapangalan kasi kami.” ngumiti ako sakanya at ganon na lang din siya saakin.

“Yehey! So pahihiramin mo ko nito?” abot tenga pa yong ngiti niya sabay taas-baba ng kanyang kilay.

“Oo naman”

“Thank you Theo—”

“But in one condition!” hamon ko.

Tinaas niya ang isa niyang kilay, “ano yun?”

“Halikan mo ko sa pisnge.”

Akala ‘kong tatanggi siya pero ngumiti lang ito, inosente talaga, nagpout siya tapos lumapit sa right cheeks ko pero bago pa dumampi ‘yong labi niya sa pisnge ko ay humarap ako sakanya kaya sa labi ko ang bagsak.

Mabilis naman siyang lumayo kaya mga one second lang yon. Tsk. Bitin.

“I hate you Theo Dorman!” tumakbo siya palayo saakin.

“I love you too Kiara Woodley! Hahaha!” sigaw ko at napatawa na lang. Hahaha. Masyado ko atang tinitake-adavantage ang pagiging isip bata niya.

Napatingin ulit ako sa libro, pareho naming paboritong basahin ito ni Kiara, mula pa nung 9yrs old kami hanggang ngayong 17yrs old na.

Aside sa kapangalan namin ‘yong dalawang bida ay may pagka-pareho rin kasi ang storya namin. Magkaibigan kami.

Ang nakakaiba, ako ‘yong nagtatago sa nararamdaman ko. Ako ‘yong nagmahal. Sana hindi ako matulad ni Kiara sa kwento... sana.

“Amin na nga ‘yan.” hinablot bigla ni Kiara saakin ang libro tapos tumakbo na naman palayo.

Tsk. Isip-bata talaga.

Pero mahal ko.

THE END

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Author’s Note:

So yeah, tapos na ho siya. I told ya, 5 chapters lang siya. Plain lang ho ang story but I hope na nagustohan niyo pa rin. Kung umabot kayo hanggang dito sa A/N ko, well thank you so much pretty/handsome reader! You're the best! I love you! Hartharts! Haha!

Plug: icheck niyo na rin ang stories ng mga friends ko @Ako_Kim_XD and then @FancyBeytch_ . Magagaling po sila! Yeah believe me or still believe me! Haha! And ofcourse, ‘yong saakin din! May iba pa akong stories kaya icheck niyo na rin. Thanky! :)

No Sequel. No book II. No special Chaps. My lazy brain need some rest(as always). Hahahaha.

Zaijan! Goodbye!

PS.
‘Yong mga namention kong facts tungkol sa love from the past chapters ay di ko alam kung tama ba sila lahat, pero ang ilan naman siguro no? Point of view ko lang ‘yon kaya sensya na. Sana may natutunan kayo.

IloveChocolatesforevs,

Ate Kate/Kate

I'm NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon