_
Copyright by Serenitea_ ( Mylles V. ) 2016
All Rights Reserved. No part of this publication may be produced, distributed or transmitted in any or by any means, or stored in a database or retrieval system, with out permission of the writer.
Beginning
Invisible
Malakas ang pag patak ng ulan pero andito parin ako sa may punong acacia nakatayo. It's nearly 6 p.m pero di pa siya lumalabas. Sabi ko sa sarili ko kapag 6 o'clock na at wala pa siya ay uuwi na ako. Pero biglang bumukas ang pinto at na tanaw ko siya.
Binuksan niya ang payong niya at naglakad. Hawak hawak ko naman ang payong ko at sinundan siya. Naninibago parin ako sa bagong anyo niya. Naka suit and tie, mas nababakat ang mga muscles niya si damit na yan. Napa iling na lang ako.
Ano ba itong iniisip mo Chant? Tsk tsk.
Lumiko siya sa isang malaking building at pumasok. Isinarado ko naman ang payong ko at pumasok narin. Binati pa ako ng security guard sa labas.
"Good evening Ma'am Chant. Aga mo ngayon ah?" aniya.
Ngumiti lang ako ng tipid at sinabing may gagawin lang ako. Hinahap ko naman agad siya.
Patay nawala ko siguro.
Nang nakita ko yung likod niya, I sighed. That was close, muntik ko na siya mawala. Binilisan ko ang lakad ko at sinundan siya. Syempre may distansya saamin. Nakita ko siyang sumakay ng elevator. Mabilis naman ako tumakbo patungong hagdanan.
Di kame pwede mag sabay sa elevator. Mahirap na at baka makahalata siya. O di kaya'y kausapin niya ako. Di pwede baka humandusay ako sa sahig noon!
Nang nakarating ako sa fifth floor ay grabe ang pag patak ng pawis ko. Nakakapagod yon. Akala ko nahuli na ako pero hindi pala, nakita ko siyang kakalabas lang ng elevator. Ngumiti ako. Ipinahid ko lahat ng pawis sa aking noo at nagsimula nang sundan siya ulit. Dire diretsyo naman ang lakad niya patungong room 505. Binuksan niya ito at pumasok.
Pak!
I smiled in victory. Tapos na! Makapunta na nga sa room ko. My room is 507, magkatapat lang kame. Hiniwalay kasi ang mga even numbers sa odd numbers kaya naging magkatapat ang room namin. Ang swerte ko nga, noong nalaman kong may bagong lipat sa 505 ay binili ko agad ang room na katapat nito. Gusto ko kasi na magkatapat ang room namin.
Nakadapa ako sa kama habang inaalala ang unang pagkikita namin. Doon sa coffee shop kung saan ako palaging pumupunta. I was reading a book when I saw him pass by me. I stared at him too long kaya napatingin rin siya saakin. I quicky blushed by that sudden action. At hanggang ngayon kapag nakita ko siya na nakatingin saakin I get the same feeling. He's effect on me is strong. Pero syempre once in a blue moon lang naman siya tumitingin saakin. Feeling ko nga invisible ako sakanya. But I like it that way because the more I'm invisible to him the more I can stalk him.
Ezra Atticus Buenavista, the man I've been stalking for 8 years. And yes, you can call me stalker for watching him for like 8 years of his life. Bakit? Ewan ko parang may kung ano sakanya na kina adikan ko. Yung mga mata niyang may libo libong sinasabi na di ko mabasa, yung tangos ng kanyang ilong, his perfectly sculptured face, his smoking hot body, perfectly fair skin and his oh-so-perfect smile.
He's like a man made by God for women. He looks like a greek god. And I'm not even sure kung magugustuhan niya ba ang isang tulad ko. But that doesn't matter, I'm invisible to him naman.
Pinatay ko na ang ilaw at nagpasyang matulog na lang. At least in my dreams I'm with him. Kahit papaano naramdaman ko din na di ako invisible sakanya.
YOU ARE READING
Chant Marquesa
General Fiction- You're an addiction that I always fail to resist. -