Nakalatag ang buong katawan ko sa aking bed. Kahit naman nakakapagod ang araw nato, syempre deep inside sobrang saya ko at nakakilig at parang wala akong nafefeel na pagod kahit konti.
Hinihintay ko lang ang message nya para saming group assignment. Halata bang physically attracted na ako sa kanya? Shet! Pano kumalma? Tandaan mo Cath, School purposes lang!
'Hey! What's up?'
Biglang may sumulpot na new message sa phone ko. Unknown number. At the back of my mind, baka si Dan to.
'Is this Dan?' I asked to make sure. Baka naman stranger to.
Few seconds passed by, tumunog yung cellphone ko and that unknown number replied.
'Yes, definitely.' He replied
'Hi. What's the matter?' Tanong ko sa kanya, wala na kasi akong idea kung anong sasabihin sa kanya.
Hindi ko mabaling ang attention ko sa ibang bagay. I just kept on waiting for his reply and looking at my cellphone. Ilang minuto ang nagtagal hindi pa talaga sya nagreply.
"Ba't ko naman hinihintay yung text nya? Pake ko kung hindi sya magreply. Arghhh" angal ko sa aking kwarto
Naiinip na talaga ako sa kakahintay sa text nya. Sa plano namin para sa aming assignment. Kaya napag disesyunan ko na lumabas muna sa kwarto at kakain muna ako ng aking hapunan.
Aktong palabas na sana ako ng aking room ng tumunog yung cellphone ko. Si Dan nga! Akala ko matagal syang nagreply dahil nagfo-formulate sya ng ideas nya at tsaka mataas yun kaya natagalan syang magreply kakatype.
'Ayieee. Hinihintay nya yung text ko? Hahaha'
YUN LANG? Kumunot yung noo ko at nagsalubong yung kilay ko. Kapal talaga! Nagawa nya pa akong pinaghintay sa wala kasi gusto nya magbiruan.
Nagalit lang ako kasi I expect na baka pagkatapos naming magusap sa aming assignment ay mag te-text kami ng iba't- ibang topic na para bang matagal na kaming textmate at hindi kami mabo-bored at tsaka matatawa ako sa kanyang mga text, pero wala. Wala kasi gago sya! Yan kasi hindi ka dapat nag- eexpect ng ano Cath! Pangaral ko sa isipan ko
Pero naisip ko ba't naman ako magagalit sa kanya? Wala akong karapatan magalit at halatang nakikipagbiruan lang yung tao. I just took a deep breath at walked outside my room para kumain na nga. Pinabayaan ko nalang yung phone ko at hindi ko na sya ni replyan.
That morning, I woke up at I promised myself na I won't talk to Dan. Why? Kasi trip ko. Kung trip nya yung text nya kahapon eh, marunong din naman akong mangtrip. I'm just returning the favor. Let's see. Natatawa nalang ako sa mga naiisip ko. Magiging loner si Dan, walang kausap, magso-sorry at ang mas worst iiyak. I just giggled in my bathroom habang naliligo.
Hindi na ako kumain ng breakfast kasi baka malate nko at abutan na ng traffic. Papunta palang ako ng school ay excited na excited na ako sa gagawin ko. Gusto ko makita ang reaksyon nya. Kung paano sya re-react pag hindi ko sya pinansin. Pagdating ko sa room nandoon na sya parang hinihintay ako. I just sit in my chair and wait for him to talk.
Seconds, Minutes passed by. Walang umimik. Arggh! Kumunot yung noo ko and the intensity of my eyes is clearly seen kaya agad itong napansin ni Dan.
"Okay ka lang?" He said in a gentle voice
I just look at him in a poker face. Yung mukha na parang blanko at walang alam. Hindi ako nagsalita even a single word. Bahala ka dyan.
Ilang sandali, nagsalita na naman sya.
"Hi Cath! Smile naman dyan oh!" Sabi nya na halatang nagbibiro
This time, I just looked at him the same face pero I raised my left eyebrow kunwari nagtataray. Alam kong hindi mo ako matitiis Dan magso-sorry kadin saken. Sabi ng isipan ko.
And as what I expected walang imikan. The 2 hours of class ay tapos na at niisa walang nagsalita sa amin. Palabas na ako ng room para pumunta sa canteen, At si Dan? Ewan ko sa kanya! Siguro ngayon alam na nya kung saan ang canteen. Sasabay ako nila Sophia at Loisse.
Hindi palang ako naka-dalawang hakbang, then someone hold my arms. Si Dan nga looking to me seriously.
"Cath, Can we talk?" Seryoso nyang tanong habang nakatingin sa mata ko. Nakakatindig balahibo naman ang titig ng lalaking to. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, pero that time pinairal ko ang pride ko. I just raised my hand in front of his face.
"Talk to my hand" I said to him sarcastically
I walked away from him as fast I could, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya. Ang alam ko lang ay hindi nya ako sinundan. Matatawa ba ako? Magu-guilty? O Maawa? Yan ang naiisip ko habang papalakad papunta sa canteen.Pagdating ko sa canteen ay nandun na sila Sophia at Loisse. Nakita ko ang dalawa na kumakain ng Sandwich. Agad ko yung nakita kaya inagaw ko yung sandwich ni Loisse. Kaya nabigla ito!
"Ay ano bayan?! Patay-gutom lang te? Akin na nga yan" sabi ni Loisse na aktong kukunin ang sandwich nya.
I just slap her hand para huminto. "Let me eat. Akin nalang to Loisse please? Wala akong breakfast eh" i said sabay pacute kay Loisse.
Loisse gave me a fake smile at tsaka tumawa lang ako. Alam ko naman na hindi yun papalag eh. Spoiled kasi ako sa kanya. I just remembered nung pinagbaon sya ng Mommy niya ng Toasted Bread na may Nutella, hindi pa nga sya nakakakain. Dinampot ko na at inubos ko yung food nya. Hindi naman sya nagalit kaya nga love na love ko tong si Loisse eh.
"Oh, Bes! Ikaw pala yan! Asan si Dan ba't di mo sya kasama?" Bati at Tanong ni Sophia na nakitang wala si Dan
"Ewan ko dun!" Sagot ko na parang galit
"Nag-away ba kayo? Bakit?" Sophia asked
"Basta." Sagot ko naman
"Bakit nga?" Pangungulit ni Sophia at Loisse
"Basta nga." I replied
Hindi na ako napilit ng dalawa kaya pagkatapos kung maubos ang sandwich in Loisse ay bumalik na ako sa room. Pero laking gulat ko na, wala si Dan sa room, at wala din sya sa chair nya.
"San kaya nagpunta yun?" I asked myself
Nagsimula na ang next subject namin pero wala pa din si Dan. Kaya kahit anong sigla ang pagtuturo ng teacher namin ay hindi naman ako mapakali kung saan nagpunta ang lalakeng yun. Napapalingon ako kahit saan, left to right, balik na naman. Parang hindi lang kasi ako sanay na wala akong katabi sa chair.
"Do I sound na parang nag-aalala ako kay Dan? Hindi naman noh? Eeeeeh! Kainis naman kasi eh!" Parang tanga na nagtatanong sa sarili ko. "Nakokonsensya lang ako sa ginawa ko" sagot ko naman tanggol sa sarili ko. Para na talaga akong baliw kakaisip kung saan na si Dan.
Kaya hindi ko na natiis. I texted him. "Pssst. Asan ka ba? Hoy!"
Nakinig muna ako sa teacher namin, pero biglang may nagreply sa phone ko. Si Dan nga ito.
'Sa puso mo.'
Ay potek! Nagawa pang magbiro ng lalakeng to. Kaya pinabayaan ko nalang sya at nakinig nalang sa mga guro namin hanggang sa matapos ang aming klase.
![](https://img.wattpad.com/cover/11246629-288-k861865.jpg)
BINABASA MO ANG
My Mr. Maniac
RomanceI fell in love to a Maniac. I fell to My Mr. Maniac Jungkook (BTS) Momo (TWICE)