i

852 27 13
                                    

< Hoshi's >

There I saw seokmin lying on the ground. Almost unconcious. Tears falling from his eyes. I ran to him and put him in my arms.

"Halmeoni~" He managed to say. My tears kept on falling. He's covered with blood and he still managed to smile. The smile that made me fall for him.

"Don't fall in love again..."

And then he left me...

-----

2 years later...

"Hoy!" Napatingin ako sa tumawag sakin at si Woozi lang pala.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sabay subsob ng mukha ko sa table.

"Anong, anong kailangan mo?! Bestfriend mo ginaganyan mo? Masaket dito oh" Sabi niya sabay turo sa puso niya. I rolled my eyes and looked at him.

"Oa ka rin no?"

"Dati pa." Sabi niya sabay upo sa upuan niya. Magkatabi kami sa classroom. Lagi naman eh. Since gradeschool kami, magkaibigan na kami. Ewan ko nga pano kami naging magkaibigan ng lalakeng to eh.

"May new student daw" Sabi ni Woozi sabay tingin sa labas ng window. Nasa may window kasi siya banda.

"Talaga? Lalake o babae?" Tanong ko.

"Does it matter? You're gay so hindi ka masasayahan kung babae" GAGUE KA TALAGA WOOZI.

"Langya ka talaga" Sabi ko sabay alala nung past ko. Pero nah, move on din pag may time.

"Oh ayan na pala oh" Sabi ni Woozi sabay turo sa lalakeng yun. Matangkad, maputi, cute, at ang ganda ng ngiti. "Crush mo?" Tanong ni Woozi sabay sapak sakin.

"Anong crush?! Manahimik ka nga" Sabi ko sabay kuha ng cellphone ko. Maglalaro na lang ako ng candy crush :》

Lahat ng mga babae lumapit agad sa kanya. Gwapo eh. Lahat mukhang interesado sa kanya. Ang cute rin nung boses niya eh.

"Eyy crush niya nga~" Sabi ni Woozi sabay tap ng shoulder ko.

"Hindi nga! Tss" Sabi ko at di ko namalayan na na-gameover na pala ako. Sayang yung life ko! ㅠㅠ

Dumating na ang teacher namin at nagsimula na ang klase. Nakapagintroduce na rin naman yung new student. Si Minghao Xu.

"Crush mo talaga" Bulong ni Woozi sabay smile. Yung signature smile niya na super scary.

"Anong--" Tinuro niya ang notebook ko at napatingin ako dun. Pangalan na pala ni Minghao ang dinodoodle ko. Agad ko namang pinunit yun at nilagay sa bag ko.

"Nek nek mo" I just rolled my eyes and focused on the lesson.

The entire day went well. Ang dami nga lang assignments. Nakausap ko rin si Minghao kanina. Pinilit ako ni Woozi eh. Booset na anak ni satanas.

Palabas na ako ng school nang may biglang lumapit sakin.

"Hi Soonyoung!" Sabi ni Minghao sabay ngiti.

"Ah... Hi M-minghao." Ba't ba ako kinakabahan!?

"Uuwi ka na?" Tanong niya sabay ayos ng backpack niya.

"Ah oo..."

-silence-

"San ka nakatira? Baka pwedeng sabay na tayo" Sabi niya kaya naramdaman kong bumilis ang heartbeat ko. PUTCHA.

"Ahm sa Carat Village." Sabi ko kaya nanlaki mga mata niya.

"Dun din ako nakatira! Anong street ka ba?"

"Sa Performance unit street"

"Woah~ Tadhana nga naman" Ay puta yung heart ko. "Dun rin ako! House number Seventeen! Ikaw?" Nagsimula na kaming maglakad papuntang Carat Village.

"House number twoteen ako."

"Ohh malapit lang pala. Hehehe~" Ang cute niya. Ay taragis di pwede.

Di na ako pwedeng magmahal ulit.

Habang naglalakad usap lang kami nang usap hanggang sa naging komportable na ako sa kanya.

"Eto na yung bahay ko. Ingat ka pauwi Soonyoung~" Sabi ni Minghao sabay wave.

"Hoshi..." Sabi ko.

"Hoshi?"

"Hoshi na lang itawag mo sakin" Ngumiti naman siya at tumango. Pumasok na siya sa bahay niya at naglakad na ako pauwi.

-----

Alas tres na ng umaga at di pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin si Minghao. In love na ba ako ulit?

Pero di talaga pwede eh.

"Tawagan ko kaya si Woozi?" Sabi ko sa sarili ko. "Ay baka mapatay ako nun." I hugged my teddy bear and sighed. Anong gagawin ko? Hindi ko maalis sa isipan ko si Minghao. Huhuhu

-----

< 3rd Person >

Dumaan ang ilang buwan at naging magbestfriend na sina Minghao at Hoshi. Si Woozi naman, parang third wheel.

Kapag naga-arcade sila laging si Hoshi at Minghao lang ang nagsasaya habang si Woozi nama'y nasa likod lang nila at nakatingin.

May nahahalata na si Woozi kay Minghao. Alam niyang tanga si Hoshi kaya di niya yun mahahalata.

May gusto si Minghao kay Hoshi.

Kaya napagdesisyonan ni Woozi na kausapin si Minghao.

Mauulit nanaman ang nangyari dati.

"Minghao, pwede ba tayong magusap. Yung tayo lang dalawa?" Tumango naman si Minghao at naiwan si Hoshi sa classroom.

Nasa rooftop sila ngayon. Nakatingin lang si Minghao kay Woozi. Inaamin ni Minghao na kahit maliit si Woozi, nakakatakot siya. Naiintimidate siya sa mga titig nito.

"So..." Pagsisimula ni Minghao.

"May gusto ka ba kay Hoshi? Oo o hindi ang gusto kong marinig sayo." Sunud-sunod na sabi ni Woozi kaya napaubo na lang si Minghao.

"Ahm anong klaseng ta--"

"Ang sabi ko, oo o hindi" Natahimik si Minghao. Natatakot siya sa magiging expression ni Woozi. Pano kung sabihin niya at gusto rin pala ni Woozi si Hoshi tapos papatayin siya ni Woozi?!

Okay oa nun.

Pero natatakot siya sa maaring mangyari.

Napabuntong hininga na lang si Woozi.

"Look, I'm not here to kill you or something. I'm here to clarify things. Hoshi likes you. I can see that the way he looks at you" Nakaramdam ng paginit ng mukha si Minghao sa sinabi ni Woozi. "So I don't want him to have his heart broken again. So now, tell me your real feelings."

Nagaalangan man si Minghao pero tumango siya.

"Oo may gusto ako sa kanya." Binigyan siya ni Woozi ng isang matamis na ngiti.

"You should probably go and tell him. I want him to be happy again." Tumango si Minghao at nakipag"bro hug" kay Woozi. Naglakad na paalis si Minghao nang may pahabol na sinabi si Woozi.

"Just don't break his heart or you'll be the one to break." Nakaramdam ng panlalamig si Minghao pero di na niya pinansin yun at tumango na lang kay Woozi.

Naiwan si Woozi sa rooftop habang nakatingin sa kawalan. Napangiti ng mapait si Woozi at binitawan ang mga salitang.

"Handa na ako sa mangyayari, Hoshi..."

-----

a/n:

HEHEHEHE SO ANO. HEHEHEHE EWAN ANONG PUMASOK SA UTAK KO AT ITO ANG NANGYARI GEHEHEHE BASTA VERY VERY SHORT LANG ITO. FIVE CHAPTERS LANG HEHEHEHEHE

Pangpawriters block ko lang ito kasi wala akong maisip sa iba ko pang stories so yun nga ciao~

At himala na nakaisip ako ng hindi crack fic hehez

BROWhere stories live. Discover now