iii

321 14 7
                                    

< Hoshi's >

"Brooooooo" Tawag ko kay Woozi na nagbabasa ng libro. Nasa kwarto ko siya ngayon eh tumambay.

"Ano" Tanong niya habang nagbabasa pa rin ng libro. Mas importante pa ba ang librong yan kesa sakin? ouch huhu :'(

"Ito o Ito?" Tanong ko sabay pakita ng tshirt at polo. Tinignan naman niya ako saglit tapos lumingo.

"Pangit ang dalawa."

"GRABE KA TALAGA HUHU ITO PINAKAMAGANDANG DAMIT KO AH!"

"Bakit ba kasi ang oa mo? Magdedate lang naman kayo ni Minghao ah?" Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"First date namin to! Dapat special!" Napa-tsk na lang siya sabay tayo. Hinalughog niya yung cabinet ko. Tinatapon pa niya pag pangit :( Walang hiya ka talaga Woozi.

"Yan" Napatingin naman ako sa binigay niyang damit at napangiti. Ayieee mahal talaga ako nito~

"Bro..." Sabi ko aabay hawak sa magkabilang balikat niya. "I love you" Tapos sinapak niya ako ng hanger. Kingina ㅠㅠ

"San ba kayo magdedate?" Sabi niya sabay higa sa kama.

"Sa Han river" Napatawa naman siya sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa?

"Seriously?" Tumango naman ako sabay kuha ng hanger. Baka nababaliw na to dapat patayin ko na. "Ibaba mo yang hanger na yan kung ayaw mong mamatay gamit yan." Agad ko namang binaba ang hanger at umupo na lang din sa kama.

"Excited na ako Woozi!!!"

"Edi ikaw na may lovelife"

"EH?! DIBA SABI MO MAY BF KA"

"Oo"

"Ba't di mo pinapakilala sakin?" Baka naman kasi niloloko lang ako ng lalakeng to.

"Hindi kita magulang para ipakilala ko sayo." Kinuha nanaman niya ang libro at nagbasa ulit.

"Edi kilala ng mga magulang mo?" At tango lang ang naging sagot niya.

"Ang daya *pout*"

"Bleh" Sabi niya sabay labas ng dila. GRRRR

Kinuha ko ang unan at tinapon sa kanya yun at inipit ko siya gamit yun para di na siya makahinga HAHAHAHA

"KWON SOONYOUNG TUMIGIL KA NGAYON DIN" Sigaw ni Woozi kaya tumigil ako. Binigyan niya ako ng death glare kaya napapout na lang ako.

Nagbasa uli siya ng libro at di na ako pinansin. Grabe siya oh! ㅠㅠ

"Uy sorry na~" Sinundot-sundot ko siya para pansinin ako pero isang malakas na hampas lang ng hanger ang nakuha ko. ㅠㅠ "Bibilhan kita cupcake~" Di pa rin siya nagsalita. ㅠㅠ "Sorry na bro~ Sapakin mo na lang ako para di ka na magalit huhuhu" Natawa naman siya bigla kaya ngumiti ako. Abnormal kasi si bro eh hahahaha

-----

D-DAY!

Hinihintay ko na makarating na si Minghao. Ang tagal naman niya~ O sadyang maaga lang ako? Tongek.

"Hoshi!!!" Sigaw niya kaya napatingin ako sa kanya. Lumapit siya sabay ngiti. Jusko po.

"Ang aga pa ah" Sabi ko sabay punas ng pawis ko. Hoo ang init bigla.

"Ikaw kaya ang maaga hahaha pero tara" Sabi niya kaya naglakad na kami.

HINDI KO ALAM KUNG SAAN KAMI PAPUNTA.

Habang naglalakad, biglang tumatama ang kamay ko sa kanya. Kanina ko pa gustong hawakan ang kamay niya. Bakit ba kasi ako pinanganak na torpe? =_=

Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko. Naramdaman ko na uminit ang mukha ko kaya agad akong yumuko. Sinilip ko siya at nakita kong namumula rin mukha niya. Ayyyy

Napatingin naman siya sa akin kaya bigla kaming napatigil sa paglalakad. Nakatingin lang kami sa isa't-isa.

"HAHAHAHAHAHAHA"

At naglakad na uli kami. Ewan bakit kami tumawa nun. Napagdesisyonan naming magarcade gaya ng ginagawa namin dati. Ang saya lang.

Nagbasketball kami, air hockey, car racing at marami pang iba!

Paglabas namin ng arcade house biglang may puting substance na nahuhulog galing sa kalangitan.

"First Snow..." Bulong niya. Ngumiti naman ako at hinalikan siya sa labi. Kaya natural na nagulat siya.

"Kapag daw hinalikan mo ang taong mahal mo on the first snow, forever na raw kayo!" Sabi ko sabay hawak ng kamay niya.

"Eh? San mo naman napulot yan?"

"Wala. Ewan. Hehehehe" Ngumiti lang siya sa sinabi ko. Dapat ko ba siyang ipakilala kay Seokmin?

Ay, wag na. Baka magselos siya ;-;

"Ah Hoshi..." Napatingin naman ako sa direksyon na tinitignan niya. May lalakeng matangkad at nakatingin sa kanya ang nakatayo sa may fountain. "Pwedeng kumain na tayo? Nagugutom na ako eh"

"Kilala mo yun?" Tanong ko at umiling naman siya kaya napatango na lang ako. Nagseselos ako amp :(

-----

Habang kumakain kami tahimik lang. Ang ingay lang na nanggagaling sa loob ng resto ay ang pagtugtog ng piano.

"Minghao..." Napatingin naman siya sa akin sabay ngiti. "Ayoko ng nagsisinungaling ka..." Sabi ko kaya binigyan niya ako ng isang mapait na ngiti.

"I thought that you'll hate me if I say this..."

"Hindi naman ako magagalit eh. Why would I?"

"Yung lalake kanina, ex ko yun. Si Junhui" Nakaramdam ako ng konting kirot sa heart ko. Daysary namin ngayon tapos may big revelation na agad huhu "Pero ikaw naman mahal ko eh. Wag ka ng mag-alala." Sabi niya kaya napangiti ako. Sapat na yun para malaman kong ako nga yung mahal niya.

"Mahal din kita" Sabi ko tapos tinakpan ko mukha ko. Huhu nakakahiya huhu

"Ang cute mo talaga Hoshi hahaha" Napatingin ako sa kanya, namumula rin naman siya pero mas pinili niyang tumawa.

"May special drink kayo today dahil ang sweet niyo galing ito sa lalakeng nasa table na yun. Enjoy your drink" Sabi nung waiter na may binasa pang papel para sabihin yung sasabihin niya.

Napatingin kami ni Minghao sa drink.

Bitter-gourd juice.

Tapos napatingin kami sa table na tinuro ng waiter.

Si Woozi.

Agad naman kaming napatawa ni Minghao at napagdesisyonan naming sumabay na sa table ni Woozi. At doon na namin pinagpatuloy ang pagkain namin.

"Umalis na nga kayo nilalanggam ako" Sabi niya sabay inom ng tubig.

"Eyy pasalamat ka nga sinabayan ka pa namin eh" He rolled his eyes while saying "whatever".

The day ended well. Umalis agad si Woozi kanina sa resto at hinatid ko si Minghao sa bahay nila.

Pagkauwi ko agad kong niyakap ang teddy bear na nasa kama ko.

Bigay to ni Seokmin.

"WAAAAAH KINIKILIG AKOOOO" Sigaw ko sabay higpit ng yakap sa teddy bear. "Seokmin. Sa tingin mo, forever na kaya kami ni Hoshi?"

Hinawakan ko naman ang ulo niya at sinabing "walang forever" in a cute voice.

"Anong sabi mo? May forever no!"

"Wala nga" pacute na voice uli

Teka... Parang inaaway ko sarili ko hahahahaha

"Tsk meron nga. Bitter ka lang!"

"Eh bakit hindi tayo naging forever?" Nabigla ako sa sinabi ko at napatigil sa paglalaro. Naramdaman ko nanamang tumulo ang mga luha ko. Ayoko na ng ganito. :(

"Seokmin..."

-----

a/n:

SOONSEOK HUEHUE SEOKMIN BA'T KA BA KASI NAMATAY?!
^okay pareho kami ni Hoshi kinakausap ang sarili HAHAHA

LIFE AND DEATH QUESTION PO:

SINO ANG TOP SA HOSH8 / SOONHAO? KASI NALOLOKA AKO HAHAHAHA

BROWhere stories live. Discover now