special chapter

432 26 32
                                    

< 3rd Person >

2 years ago...

Second anniversary ngayon ni Seokmin at Hoshi. Nalate si Hoshi sa meeting time nila kaya napaupo na lang muna si Seokmin sa waiting shed.

"Seokmin?" Napatingin naman si Seokmin sa nagsalita.

"Oh Wonwoo..." Nailang si Seokmin kay Wonwoo dahil dating manliligaw niya ito. Naging MU sila dati pero may nangyari.

"May hinihintay ka?" Tanong ni Wonwoo sabay upo sa tabi ni Seokmin. Napalunok naman ng laway si Seokmin at umusog ng konti palayo kay Wonwoo.

"Ah oo. Si Hoshi." Sabi ni Seokmin. Napatango naman si Wonwoo.

Katahimikan ang nabuo sa dalawa. Walang nagsasalita dahil naiilang nga si Seokmin.

"Seok, naiilang ka pa rin ba sakin?" Nagulat naman si Seokmin sa tanong ni Wonwoo. Baka daw kasi mind reader pala tong si Wonwoo.

"Ah to be honest, oo eh." Ngumiti naman si Wonwoo at tumango.

"Nagbreak na nga pala kami ni Mingyu" Sabi ni Wonwoo sabay tingin sa kawalan. Nakaramdam ng awa si Seokmin kay Wonwoo. Napaisip nga siya kung anong nangyari pag naging sila nga.

"okay lang yan. Pag kailangan mo ng karamay nandito lang ako para sayo" Inakbayan ni Seokmin si Wonwoo.

"Salamat Seokmin..." Sabi ni Wonwoo.

"Wala yo---" Naputol ang sasabihin ni Seokmin nang halikan siya ni Wonwoo. Hindi niya agad natulak ito. Matagal ang halik pero naitulak niya agad ito nang makita niya si Hoshi.

"Seok--min?"

"Hoshi!"

"Sino siya?" Tanong ni Hoshi. Nakaramdam ng matinding galit sa katawan si Hoshi. He's trembling with anger.

"It's not what you think!" Hinawakan ni Seokmin ang kamay ni Hoshi. "Nagkita lang kami ni Wonwoo then he kissed me. Please maniwala ka Hoshi..."

Napatingin naman si Hoshi sa nagmamakaawang mata ni Seokmin. Nagbabadya na ring lumabas ang mga luha nito.

"Hoshi please..." At tuluyan na ngang umiyak ito.

Nagulat naman si Wonwoo sa pangyayari. Pakiramdam niya nakasira siya ng relasyon.

"Hoshi... Kasalanan ko wag kang magalit kay Seokmin" Sabi ni Wonwoo. Napatingin naman si Hoshi kay Wonwoo. Galit man ito sa kanya pero nangibabaw ang pagmamahal niya kay Seokmin.

"Sige... Naiintindihan ko. Pero Wonwoo, wag na wag ka ng lalapit kay Seokmin, sa amin. Wag kang magpapakita sa akin." Sabi ni Hoshi kaya tumango na lang si Wonwoo at umalis na.

Napayakap naman si Seokmin kay Hoshi.

"Salamat at naniwala ka sakin..." Binigyan lang siya ng isang matamis na ngiti ni Hoshi.

"Punasan mo nga yang labi mo. Madumi na!" Napapout naman si Seokmin sabay sabi ng "opo"

"Malinis na ba?" Sabi ni Seokmin sabay pakita ng kanyang labi.

"Hindi pa!" Sabi ni Hoshi sabay wipe ng lips ni Seokmin gamit ang kanyang thumb. "Madumi pa rin eh." Bigla niyang hinalikan si Seokmin. "Ayan malinis na yehey~" Napahawak naman si Seokmin sa labi niya. Maraming beses naman silang nagkahalikan ni Hoshi pero di pa rin siya nasasanay sa surprise kisses nito.

"Tara na~ Di na tayo aabot sa bus eh!" Sabi ni Hoshi sabay hablot kay Seokmin. Napangiti na lang si Seokmin at sumakay na sa bus.

-----

"Sana makapunta tayo ng lotte world next time! Si woozi kasi eh ang oa oa! If I know takot lang siyang mareject ng rides na may height requirement!" Agad namang sinapak ni Seokmin si Hoshi.

BROWhere stories live. Discover now