happy ending

148 7 4
                                    

< Woozi's >

2 years after Hoshi and Seokmin's break up...

"Hoy!" Napatingin ako sa tumawag sakin at si Hoshi lang pala.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sabay subsob ng mukha ko sa table.

"Anong, anong kaiangan mo?! Bestfriend mo ginaganyan mo? Masaket dito oh" Sabi niya sabay turo sa puso niya. I rolled my eyes and looked at him.

"Oa ka rin no?"

"Dati pa." Sabi niya sabay upo sa upuan niya. Magkatabi kami sa classroom. Lagi naman eh. Since gradeschool kami, magkaibigan na kami. Ewan ko nga pano kami naging magkaibigan ng lalakeng to eh.

"Oy nandyan na si ma'am!" Nagsi-ayos na kami ng upo at naghanda na para mag-aral.

Habang nagkaklase bigla akong kinalabit ni Hoshi.

"Ano ba--"

"Cut tayo?" gago ba 'to?

"Ayoko."

"Sige na jihoonie ng buhay ko!" Napatigil ako at napabuntong hininga na lang. Alam naman kasi niyang di ko siya matitiis.

"Oo sige na."

"Yiee magcucutting si mr. President" Pero iniinis niya talaga ako lagi. Mapapatay ko 'to eh.

"Bahala ka ikaw na lang magcutting mag-isa." Sabi ko sabay buklat ng libro.

"Ayy nge joke lang naman. Ikaw talaga Jihoonie ko 'di mabiro!" Hindi ko siya pinansin at nakinig na lang sa tinuturo ni ma'am.

Bigla naman siyang tumayo na ikinagulat ng lahat.

"Ma'am! Masakit daw tiyan ni Jihoon. Kanina pa siya nagpipigil para lang makinig sa klase mo. Pwede ko ba siyang ihatid sa clinic? Ang tigas ng ulo niya eh." Sambit ni Soonyoung. Wow best actor. Wala naman din akong magagawa kundi sumunod sa sinabi niya.

"Okay Mr. Kwon at ikaw Mr. Lee, huwag nang magpigil next time ha? Masama yan. Don't worry, I'll give you notes for our lesson today. You may go now." Napangisi naman si Soonyoung at kinuha ang bag ko, at fyi ang bag niya ay kasalukuyang nasa loob ng bag ko. Para daw madala niya yung bag niya. Baka naflat na yung baon kong chocopie.

Pagkalabas namin ng room ay napatawa na lang si Soonyoung. Parang ang saya-saya niya sa nagawa niya.

"Proud ka na niyan?" Tanong ko sabay bigay ng bag niya.

"Oo naman! Akalain mo yun, naniwala siya! HAHAHAHA"  Napalingo na lang ako.

Naglakad ako patungo sa gate nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Tila ba'y biglang tumigil ang mundo at nagslow motion lahat ng galaw namin.

Wala akong ibang marinig kundi ang matinding pagkabog ng aking puso.

"HOY JI!" Nagising naman ako sa katotohanan at tinanggal ang pagkakahawak niya sakin.

"Bakit ba?"

"Plano mo ba talagang dumaan diyan sa front gate?" Napatango naman ako kaya tinaasan niya ako ng kilay. Hala? "Mr. President, sa likod tayo daraan para hindi mahuli. Tsk tsk tsk wala ka talagang alam." Ngayon, ako naman ang napataas ng kilay.

"Alam mo naman pala na presidente ako kaya dapat alam mo ring may magagagawa ako para lumabas ng school kahit saang gate pa dumaan." Napaisip naman siya at bigla akong niyakap.

Ayan nanaman ang tunog ng kampana sa puso ko.

"Bright idea! Ikaw na nga talaga Mr. President. Iboboto kita uli next year." Sambit niya sabay akbay sakin.

BROWhere stories live. Discover now