v

337 17 30
                                    

< Hoshi's >

Busy kami ngayon dahil sa school works. Ang daming kailangang ipasa! Ang hirap-hirap na. Madalang na lang kami kung magkita ni Minghao kapag uwian lang at agad naman kaming umuuwi. Pero usually di na kami sabay umuuwi. Hindi na kami nakakapagdate. Hays... Miss ko na siya.

Medyo nagiba rin ang pakikitungo niya sakin. Parang naging cold na siya sakin. Ba't ganun?! huhuhu

"Ang lalim ng iniisip mo ah?" Sabi ni Woozi habang nagstestaple ng mga papel. Mas busy pa nga siya sakin kung tutuosin eh kasi school president siya pero mukhang chillin' pa rin siya eh.

"Madalang na lang kasi kung magkita kami ni Minghao... Hays..."

"Wala kasing forever." Sabi niya kaya tinapunan ko siya ng pencil case.

"Sira"

"Alalahanin mo busy kayo ngayon. Aral muna bago landi Hoshi" Napapout na lang ako at icocontinue ko na lang tong essay ko.

"Bakit ba naman kasi kailangan magaral?" Tanong ko sa sarili ko kaya tinapunan ako ni Woozi ng pencil case. Yung tinapon ko sa kanya kanina.

"Aral. Muna. Bago. Landi."

-----

Pauwi na ako ngayon at as usual di ko kasabay si Minghao. Nagpapractice kasi siya ngayon para dun sa martial arts chuchu. Tapos na rin naman kasi practice namin para sa dancing kaya uwi na lang si Hoshi. :(

*a/n: who wants to make sabay with this smol child pauwi? Taas danggeun! omg y am i so conyo? hahahaha*

Napatingin ako sa sunset. Hays...

Another day wasted.

Pagkauwi ko kumain na agad ako ng dinner at pumunta na sa kwarto ko.

Kinuha ko ang bag ko at sisimulan ko ng gawin ang assignments ko.

"Aish. Naiwan pa yung pencil case ko sa classroom. Tsk." Tumayo agad ako at since nakauniform pa rin naman ako bumalik ako ng school. Malapit lang naman eh. Walking distance.

Nasa loob na ako ng classroom at kinuha ang pencil case ko na nasa table ni woozi. Napatingin ako sa labas ng window dahil nakita ko si Minghao. Tumatakbo siya papunta sa lalakeng nakatayo sa may fountain.

Si Jun.

*a/n: sinasabi ko na nga ba si Jun ay isang engkanto. Ang lalake sa fountain. okay jk*

Agad na niyakap ni Minghao si Jun and Jun hugged him back.

Ouch. :(

Agad akong bumaba at pumunta kung nasaan sila.

"Ay... ganun..." Sabi ko sa sarili ko ng makita ko silang magkahalikan. Kaya ba naging cold si Minghao sakin kasi nagkabalikan na sila? Masakit.

Napatingin naman si Minghao sakin. Nanlaki ang mata niya at tinulak si Jun palayo. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"It's not what you think!" Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Nakita ko ang lahat. Wag ka ng magsinungaling. Lagi ka namang nagsisinungaling sakin eh. Pati pala mga 'i love you' mo kasinungalingan lang..." Tumulo na ang mga luhang kanina pa gustong lumabas. Ang sakit-sakit eh. Ayoko ng ganito :(

"Hoshi mahal kita at totoo yun!"

"No, you played with me..."

"Hindi! Mahal kita!"

"Wag na. Wag na Minghao nasaksihan ko na ang lahat. Napagtagpi-tagpi ko na lahat ng kasinungalingan mo. Pero kung minahal mo nga ako, thankyou pero bye." Sabi ko sabay takbo palayo.

Walang hiya ka Minghao...

-----

"Kasi wala ngang forever..." Sabi ni Woozi sabay yakap sakin. Kanina pa ako umiiyak dito sa kwarto niya. Nadidisturbo ko na ata mga magulang niya eh.

"Minahal ko naman siya eh. Bakit ganito?" Tanong ko sabay punas ng mga luha kong patuloy pa rin sa pag-agos.

"Sa pagmamahal laging may nananalo at natatalo." Sabi niya sabay buntong hininga. "At mukhang natalo ka Hoshi..."

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Hindi ko na alam kung anong iisipin ko.

Masakit talaga yung puso ko.

Somebody help me. :(

At nakaramdam ako ng pagbigat ng pakiramdam at nandilim na ang paligid.

-----

< 3rd Person >

Nasa likod ng school pa rin si Minghao. Iniisip kung ano yung nangyari. Masakit para sa kanya na dalawa ang minahal niya.

Hindi niya inakalaing makikita sila ni Hoshi.

Hindi pa kasi siya nakapili kung sino ba talaga sa kanilang dalawa.

At ngayon lang niya narealize na mas mahal niya si Hoshi.

"Minghao..."

"Jun umalis ka na. Ang gago ko. Please wag kang magpakita sakin." Napabuntong hininga na lang si Jun at tumabi kay Minghao.

"PLEASE UMALIS KA NA! KUNG AYAW MONG UMALIS EDI AKO NA LANG!" Sigaw ni minghao at iniwan si Jun.

"MINGHAO!" Pagtawag ni Jun pero di siya nilingon ni Minghao.

Dinala si Minghao ng kanyang mga paa sa isang tagong park. Dito siya tumatambay kapag nalulungkot siya. Wala kasing tao dito maliban sa kanya.

Umupo siya sa swing at umiyak nang umiyak.

"Hoshi..." Sabi niya sa pagitan ng kanyang paghikbi.

"Ngayon umiiyak ka." Napatingin si Minghao sa nagsalita at nakita si Woozi na nakatingin sa kanya.

"Woozi..."

"Diba I told you, if you break his heart, you'll be the one to break?"

"Woozi hindi ko sinasadya... Nagmahal lang ako" Sabi ni Minghao sabay tayo.

Matangkad si Minghao kaya kailangan pa niyang yumuko para makita sa Woozi pero isang pagkakamali pala ang pagyuko niya.

Sinaksak siya ni Woozi sa mata...

"WAAAAAAAHHHHHHH" Sigaw niya sabay napaupo sa ground.

"Hah. Ano ngayon... I'll break you."

"Woozi stop please I'm begging you"

Sinaksak naman siya ni Woozi sa tiyan.

"Kulang pa yan, Minghao."

Sumusuka na ng dugo si Minghao at puno na ng sakit ang kanyang katawan.

Pero mas grabeng sakit sa puso ang nakita niya.

Si Hoshi nakangiting nakatingin sa kanya habang dahan-dahan siyang pinapatay ni Woozi.

"Ho--shi." At sinaksak na siya ni Woozi sa puso.

"Salamat bro..." Sabi ni Hoshi sabay halik sa inaakala niyang bestfriend.

"Para sayo bro. Boyfriend kaya kita. Nagkakilala na kayong muli sa wakas..."

-----

END.

-----

a/n:
OKAY SERYOSO END NA YAN PERO MAY SPECIAL CHAPTER PA HAHAHA YUNG KAY SEOKMIN MWEHEHEHE

BIG REVELATION OMG. SORRY TOO MUCH VIOLENCE HUEHUE

BROWhere stories live. Discover now