Chapter Two

191 19 3
                                    


Do you have a boyfriend?

Pagkalabas ni Jin ng kwarto ko, inayos ko kagad yung mga gamit ko, nilagay ko sa isang cabinet yung mga damit na napili kong dalin. Pero bigla may pumasok kaya nagulat.

"Yassi! I forgot to tell you something." Sabi ni Jin.

"Ano yun?" Pinanood ko siyang maglakad papunta sa isang pinto ng kwarto ko. "Wag mo 'tong bubuksan ah, kwarto kasi ni Vaughn yung nasa kabila, kadugtong nung sa kanya 'tong guestroom. Pwede mo naman 'tong i lock kung natatakot ka." Kinabahan ako bigla sa sinabi niya, bakit naman ako matatakot.

"N-natatakot?"

"Basta wag mong bubuksan. Baka lumabas yung monster eh." Humalakhak siya.

"M-monster?" Nauutal utal kong tanong, bakit naman Monster.

"Just Kidding. Sige na pagpatuloy mo na yang ginagawa mo baba na ulit ako." He smirked bago lumabas ng kwarto ko. Kinabahan ako bigla. Ang weird.

Pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko at di ko nalang pinansin yung sinabi niya. Pagkatapos ko ay naupo muna ako sa kama at kinalikot ko cellphone ko. Maya maya may kumatok.

"Yassi? Andyan ka baa?" Isang boses ng lalaki ang narinig ko sa labas. "Papasok na ako!" Sabi niya, bumukas ang pinto ko at iniluwa nun si Yuichi.

"Bakit Yuichi?" Tanong ko.

"Wala lang." Tumingin siya sa akin. "De joke lang, boring kasi kasama ni Jay! Kaya pwede pa tambay dito sa kwarto mo? Kwentuhan mo din ako kahit ano. Di ka naman din siguro boring kasama diba?" Tanong niya at ngumiti.

"E-ewan ko." Nauutal kong sagot.

He chuckled "Ang cute mo, dali na mag kwento ka na." Tumalon siya sa kama ko at dumapa. Tinignan ko siya. Tinaas baba niya yung kilay niya.

"Ano naman ikukwento ko?" Sabi ko.

"Kahit ano." Ngumisi siya. "Ah alam ko na! Tatanungin kita tapos sagutin mo ah. Yung totoo dapat. Ayaw ko ng sinungaling e." Sabi niya at tumango naman ako.

"Nag-ka boyfriend ka na?" Tanong niya bigla. Namula naman ako don. Bakit niya naman natanong yon. "Yung totoo ah." Ngumisi siya habang nakapangalumbaba.

"U-uhm.. D-di pa." Sagot ko.

"Talaga? Sa ganda mong yan? Choosy ka? Oh wala pang nanliligaw sayo?" Nagulat ako sa sunod sunod niyang mga tanong.

"Wala pang nanliligaw sa akin." Sabi ko.

Ngumisi siya. "Nice! Ibig sabihin may pag asa ako sayo." Ngumiti siya ng napakalawak na halos di na makita yung mata niya.

Tinignan ko siya. Di ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Jk!" Humalakhak siya at tumayo na sa kama at humarap sa akin ng nakapamulsa. "Kakain na tayo! Tara na." Tumango ako at nauna siyang maglakad sa akin. Medyo guminhawa pakiramdam ko. Ang weird nila.

Living with themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon