Chapter Twelve

47 5 5
                                    

Vee

"Hyung bayaran mo na 'tong akin, sige na please." Pagpupumilit ni Jake kay Jim.

Andito kami ngayon sa Jollibee, si Jim ang nagdala sa amin dito dahil gusto niya raw kumain ng chicken joy.

"Kawawa ka naman Jake. Sorry ka nalang, talo ka e." Ani Jim sabay belat kay Jake, si Jake naman ay sumimangot at tumayo, umorder na siya ng pagkain niya.

Katapat ko sina Vaughn sa lamesa at katabi niya naman si Jim, napatulala ako kay Vaughn na kumakagat sa chicken Joy niya.

Ang cute.

Ano ba yan, kung ano ano na ang naiisip ko.

Pero habang tintignan ko si Vaughn ay parang unti unti siyang nagiging pamilyar. Para bang nakilala ko na siya noon pa.

"Wala kang balak kumain?" Nagulat nalang ako nang magtama yung mata namin dalawa. "May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya pa.

"Uhm, w-wala." Sabi ko at napayuko.

Nakakahiya.

"Hoy Vaughn." Ani Jim, naalala ko bigla na nandito pala siya.

Lumingon si Vaughn sa kaniya habang kagat kagat yung Chicken Joy niya. Tinaas niya yung kilay niya.

"May ginawa ka ba kay Yassi?" Tanong niya habang naniningkit ang mata.

Umiling naman si Vaughn, inalis niya yung Chicken Joy sa bibig niya at sumubo ng kanin.

Sinimulan ko nalang kumain, bigla namang dumating si Jake dala ang sarili niyang Chicken Joy na Meal.

Napatingala ako sa kaniya at nginitian niya naman ako bago siya umupo sa tabi ko, nginitian ko naman siya pabalik.

Nagsimula na siyang kumain.

"Uy! NICKA!" Napalingon ako dun at nakita ko si Nicka sa di kalayuan na papalapit sa lamesa samin.

Naibuga ni Jake yung kinakain niya nang marinig niya ang sinabi ni Jim. Nailang siya bigla.

"Hyung wag na ngayon please." Bulong ni Jake kay Jim.

"Ako mamimili kung kailan Jakey." Ani Jim sabay wiggle ng eyebrows niya.

"Bwisit ka Hyung." Tumayo bigla si Jake at tumakbo bago pa man makarating si Nicka sa table namin.

"HOY HOY!" Sigaw ni Jim at tumayo. "Nicka, wait ka lang diyan." Ani Jim kay Nicka at tumango naman ito, at ngumiti. Tumakbo na din si Jim para habulin si Jake.

Nagtama ang tigin namin ni Nicka at nginitian ko siya, pero di niya ako nginitian pabalik, sinuklian niya lang ako ng mukhang walang emosyon.

May problema kaya?

"Tapos ka na ba?" Tanong ni Vaughn sa akin. Tumango naman ako. "Maghuhugas lang ako." Aniya at tumayo, tumango naman ako. Naglakad na siya papunta dun sa Cr.

"Upo ka muna Nicka." Utas ko at sinunod niya naman ako.

"Mag isa ka lang?" Pagbasag ko sa katahimikan.

Living with themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon