Chapter Eleven

40 6 5
                                    


Arcade

"Yuichi! Dalian mo naman malalate tayo pare pareho!" Sigaw ni Jin kay Yuichi na palabas palang ng bahay habang sumisilip mula sa Driver's seat.

"Oo eto na! Aga aga pa e" untag naman ni Yuichi habang papalapit sa sasakyan. Binuksan niya ang pinto sa side ko kaya katabi ko siya. Nakagitna tuloy ako sa kaniya at kay Vaughn.

"Ni-lock mo ba ng mabuti yung bahay?!" Tanong ni Jin sabay paandar ng kotse.

"Oo naman, tingin mo sakin? Tanga." Sagot naman ni Yuichi.

"Oo!" Banat naman ni Jin.

"Aba-"

"Ano papalag ka? Wala kang kakainin."

"Joke lang naman Hyung, ako na tanga ako na talaga hehe."

Napailing lang ako sa kanilang dalawa.

Pagpasok namin sa campus as usual ganon parin ang eksena, sobrang daming babae ang nag aabang sa pag dating namin, este sa pagdating pala nila. Halos yung iba ang sama ng tingin sa akin.

"Wag mo pansin yung mga yun Yassi, mga insecure lang sa ganda mo yun!" Bulong ni Jay sakin.

"Di naman siguro." Sagot ko. Masama tingin nila sakin kasi kasama niyo ako. :(

"Sige Yassi, una na kaming apat sa building namin." Paalam ni Jin sa akin.

"Sige mamaya nalang." Sabi ko sabay ngiti at naglakad na sila papalayo. Lumingon pa si Yuichi at nag wave.

"Bye Yassii!!" Sigaw niya. Nagwave din ako pabalik.

"Tara na baby." Ani Jim sabay akbay sa akin.

"Sabi ko naman sayo wag mo ko tawagin baby ee." Suway ko sa kaniya. "At tsaka wag mo ko akbayan kasi baka kung ano isipin ng iba." Dag dag ko pa.

"Oo nga." Pag sasang ayon naman ni Jake.

"I don't care what others think!" Reklamo ni Jim.

"I care." Sabi ko.

"Okay" ani Jim sabay simangot at baba ng braso niya.

"Kasi puro kamanyakan alam tsk." Bulong ni Jake.

"May sinasabi ka ba ha?! May sinasabi ka?! Ha!?"

"Wala wala hehe.."

Napatigil si Jake sa paglalakad kaya kami din, tinignan ko siya at nakatulala lang siya sa harapan namin. Tinignan ko kung ano yung tinitignan niya at nakita ko ang isang magandang babae na nakatitig din sa kaniya.

"Uyyy, si Nicka!" Siniko ni Jim si Jake.

"Ano ba hyung." Bulong ni Jake. Maya maya ay biglang tumakbo si Jake pero nahuli agad ni Jim yung collar niya dahilan ng pagtigil ng takbo niya.

"Manyak pala ha. Manyak pala." Ani Jim. Dahan dahan niyang hinatak si Jake at tinulak papunta kay Nicka, nakatitig lang ang dalaga sa papinagagagawa nila.

"Hyung wag! Hyung." Nagpupumiglas si Jake sa pagkakahawak ni Jim. Pero huli na ang lahat dahil nasa harapan na ni Nicka si Jake.

Living with themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon