Chapter Three

141 17 4
                                    



Pair

1 week na ako dito sa bahay nila. Medyo nakaka close ko na din sila.

Next week pasukan na din.

"Nga pala, pasukan na pala next week." Sabi ni Yuichi habang nasa Dining room kami katatapos pang namin kumain. "Diba sa school ka na namin mag aaral Yassi?" Tanong niya pa.

Oo tama siya, dun na ako mag aaral kasi dun ako napag desesyunan ni mommy na i enroll. It's not a big deal for me. Wala naman din kasi ako masyadong kaibigan sa dating kong school. Tsaka para din daw makasama ko sila.

"Ah oo." Sagot ko sa kanya.

"Nice! Mukhang magiging masaya school year ngayon!" Sabi niya habang nakangiti ng malawak.

"Mamili na kaya tayo ng gamit para sa school?" Singit naman bigla ni Jay.

"Oo nga!" Pag sang ayon naman ni Yuichi.

"Good idea, go get ready at ako na mag d-drive." Sabi ni Jin. "Jim, Ray, Jake, Vaughn, sasama ba kayo?"

"Of course sasama ako basta kasama si Yassi." Nag smirk sya, si Jim. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to.

"I'll come too." Singit naman ni Ray.

"Ako din." Sabi naman ni Jake.

"Ikaw Vaughn?" Tanong ni Yuichi.

Tinignan ko siya. "I'll come." Sabi niya.

"Woooooooooh yes! Kumpleto tayo! Ang saya saya naman!" Sigaw ni Yuichi.

"Will you shut your mouth yuichi?! You're so Freakin loud." Sabi ni Jim.

"Panira ka naman Jim!" Sabi ni Yuichi at nag pout pa.

"Wag ka ngang gumaganyan, lalo kang pumapanget eh." Sabi ni Jim.

"Whatever Jim! Mag reready na ako!" Sabi ni yuichi at naglakad na papunta sa itaas.

Nagsisunuran na sila at sumama na din ako, naiwan si Jin doon kasi maghuhugas pa daw siya ng pinagkainan, nag vovolunteer nga ako na ako na ang mag huhugas kaso ayaw niya.

Naligo na ako at pagkatapos nag suot lang ako ng v neck ng white shirt at tsaka shorts, sobrang init kasi.

Pagbaba ko ay si Jin, Jay, Ray, Jim at Yuichi ang naabutan ko sa ibaba. Napatingin silang lahat sa akin habang bumababa ako.

"Woo, damn." Bulong ni Jim. Na conscious ako bigla.

"Jim!" Saway ni Jin sa kanya.

"Sorry!" He laughed. "Nagandahan lang naman ako kay Yassi! Ano ba masama don?" Sabi niya pa.

"Weh, sabihin mo papairalin mo nanaman kamanyakan mo! Tigil tigilan mo nga si Yassi!" Saway naman ni Jay sa kanya.

"Okay! Okay! Damn." He chuckled. Tumingin siya sakin at nag smirk. Kakaiba talaga 'tong lalaki na 'to.

Lumakad ako papunta sa tabi ni Jin.

"Tagal naman nung dalawang mokong! Kating kati na akong lumabas" sabi naman ni Yuichi.

Maya maya natanaw na namin na bumababa na si Jake.

Living with themTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon