Lahat ng hugot ay pawang kahopiaan lamang. Huwag seryosohin, gaya ng hindi niya pagseseryoso sa akin.
=====
Vice: Direk, pwede bang pakipalitan yung mga ilaw na nakatutok sa stage?
Direk: Ayos naman ah. Bakit, ilang watts ba ang gusto mo ipalit?
Vice: Yung sobrang liwanag, yung makikita niya yung halaga ko.
=====
(Sa Lounge)
Karylle: Vice! Pupunta ka ba sa dressing room mo?
Vice: Oo, bakit?
Karylle: Madadaan mo yung dressing room ko, pwede pakipatay yung ilaw? Naiwan ko eh.
Vice: Ganyan naman kayo eh, pagkatapos gamitin, iiwan niyo na lang bigla. *walkout
=====
(Sa Lounge)
Vice: Huy Karylle, naintindihan mo ba yung sinabi ko sa'yo? Kanina ka pa text ng text diyan.
Karylle: Oo. Iintindihin ko na lang. Ako naman ang laging umiintindi.
=====
(Sa Twitter DM)
Karylle: Ano Vice? Natanggap mo na ba yung si-nend ko sa'yong picture o hindi pa?
Vice: Hindi pa, pero hayaan mo, soon matatanggap ko na din na hindi talaga pwede.
=====
(Before IST starts)
Karylle: Pupunta lang ako sandali sa Starbucks, bibili lang ako ng Frappuccino.
Vice: Pakibili na din ako ng kape.
Karylle: Sige. Anong klase?
Vice: Yung matapang. Yung kaya ako ipaglaban.
=====
Karylle: Ayaw mo ba ng asukal sa kape mo?
Vice: Pwede din.
Karylle: Gaano kadami?
Vice: Yung maraming-marami, puro pait na din kasi ang buhay ko eh.
=====
(Sa text)
Vice: I'm sick. :(
Karylle: Anong sakit mo? Ibibili kita ng gamot.
Vice: Sige, pakibili na lang ako.
Karylle: Anong klaseng gamot?
Vice: Yung gamot para sa durog na durog ko na puso dahil sa pagmamahal.
BINABASA MO ANG
ViceRylle Rhythm Of Love: One-Shot Stories
FanficExperience the different Faces of Love with ViceRylle. ViceRylle One-Shot Stories. Original Stories; Remake of some one-shots (ViceRylle version); Inspired by short films